Tapos na ang subject namin at oras na para magbasa ng mga text. I can’t forget this moment dahil wala pang dalawang oras ay naka-32 messages na ikana-full ng inbox ko. Binuksan ko iyon at nagtaka ako kung bakit halos karamihan ay mga number lang galing at hindi lamang iisang number kundi iba’t-ibang number. Binasa ko iyon isa-isa.
“What the hell?! Ang babastos ng mga ito!!!”
Those numbers are sending me porn and malicious text, mga kung anu-anong malalaswang text.
Face yourself!!! I immediately erased those kind of text na puro bastos lang ang laman nang mabuksan ko ang text ni Mark Anthony.
“Ano nagustuhan mo ba ang mga text nila? Mamili ka na lang sa amin pero dapat marami kang lakas para hindi ka agad mapagod hehe…”
Nang mabasa ko talaga iyon ay umakyat yata ang lahat ng dugo sa ulo ko at nireplyan ko na ito.
“ikaw ang nagkalat ng # ko?”
“cnu pa ba? Hnd ka marunong magreply eh! kaya pinakalat ko na lng”
“Ah! Ganun! Nagreply na ako sau kaya ipatigil mo na ang pagtetext sa # ko”
“edi itxt mo cla. Tell dem na wag ka ng itxt”
“ikaw nagpakalat so ikw ang gumawa”
“ganun ba… tinatamad ako eh, geh tnx. For texting me, have a nice day”
Iyon lang at hindi na uli siya nagtext pa pero patuloy pa rin akong nakakatanggap ng kung anu-anong text sa kung sinu-sinong number at napipika na ako sa mga bastos na text kaya inisa-isa ko na sila sinagot.
“Hoy! Aso! Pwede ba h’wag ka magkalat ng garapata mo.”
“Eh! ano naman sa akin… bakit hindi ka na lang mag-tambling”
Sa sobrang dami ay binura ko na lamang ang iba. Siguradong talo inis lang. Mananawa naman din sila. Habang nagbubura ay may isa akong number na nabuksan.
“Hello po?”
“at cnu ka naman? Reply ko.
“Roy”
“eh! ano nmn kung Roy ang pangalan mo? Kasapi ka sa kapisanan ng mga halang ang butika nuh!”
“Halang ang bituka? Hnd ako mamamatay tao nuh!”
“I mean sa mga nagpapadala ng mga bastos na txt”
“ako? Bkt nagpadala na ba ako sau?”
“hnd pa nmn. Saan mo ba nkuha # ko?”
“sa classm8 ko”
“kay Mark Anthony po ba ng BSIT major in ALAK-troniks?”
YOU ARE READING
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
