Part 4

108 3 0
                                        

               Hindi ako sanay na nauutakan ng iba lalo na nga ba’t ang isang tulad lang ni Roy Niepes ang tatawa sa akin kaya simula noon ay hinanting ko na ang grupo nila pero lagi silang magkakasama kapag nakikita ko kaya sobra talaga akong nahirapan kung sino si Roy sa kanila… basta ang palatandaan ko ay ang ngiti ng lalaki noong nasa canteen kami… at iyon ang lagi kong nakikita sa tuwing magkakasama ang grupo ng alaktroniks at alaktrikal.

               “ano inang napaimbestigahan mo na ba ako? Wla kang makukuhang tip sa akin ha?”

               “eh! ano nmn saken”

               “cge na nga bigyan kita ng tip…classm8 ko nung high school c von louie olmo na classm8 mo ngaun…tanong mo ako sa kanya… o cge bye muna inang hihi…”

               Haayy.. nakaka-asar talaga.. Ano ako timang na magmamakaawang makakuha ng information?.. belat mo lang…

I can gain any information without your tip!

And my new plan is to change my number and text him again…

               “hi! Can we be friends” text ko

               “cnu ito?”

               “nilambang ko lng po # nyu… ask ko lng f pwedeng makipag kaibigan?”

               “ikaw ba iyan inang?”

               Patay… how did he know na ako iyon samantalang bagong-bago ang number ko at ingat na ingat akong maiba ang style ng pagtetext ko… Grh… pagsuspetsahan ba ako sa tamang tao.

               “cnung inang?”

               “ah! Hnd ba ikw? Akala ko kc ikaw ang inang ko eh! senxa”

               Hindi ko na ipinagpatuloy pa ang pagtext ko sa kanya tutal wala naman patutunguhan kaya bumalik na lang uli ako sa dati kong number at natulog na lang.

               Then one afternoon sa klase uli ni Sir Valentos sa 3rd floor ng ESF Building. Ininform kami ni Sir na male-late siya sa pagdating kaya naghintay na lang kami… kwentuhan doon.. kwentuhan dito… samantalang ako ay nasa labas ng room at naka-ungaong habang tinatanaw ang Cross ng Mt. Samat…haayy… ang ganda talaga sa probinsiya… masarap ang hangin… Akalain mong dito sa BPSC matatanaw mo rin ang krus ng Mt. Samat... haayy… ang lamig talaga ng hangin…

               “Ang ganda dito sa taas nuh?” Si ate Jean

               “oo nga po eh!”

               “kumusta na pagtetext n’yo ni Roy Niepes?”

               “Nyek! Mangamusta ba? Ayun kilala na niya ako pero hindi po ako sigurado kung siya nga ang pinagsususpetsahan ko.”

               “Gano’n… baka magkatuluyan kayo n’yan ah!”

               “Ate Jean naman nagpapatawa”

               “Malay mo naman… ang cute kasi ng pagkakakilala n’yo eh! saka sa mga nababasa kong text niya sa iyo mukhang may gusto siya sa iyo.”

               “Gusto ka d’yan! Gusto kamo akong laging asarin”

               “Ayih!!!! Mae ha… kwentuhan mo ule ako sa next chapter n’yo ni itang mo ha..”

               Napangiti ako sa sinabi ni ate Jean. From the very start kasi ay siya na lagi ang kakwentuhan ko since I enter in College. She reminds me of my friend na si Cresilda Lopez. May similarity sila sa pag-uugali nga lang hindi nangungurot si ate Jean di tulad ni Ate Cresilda hehehe..

               “Maelyne  sina Roy yata iyung padaan”

               “Ha?!” Bigla kong tinanaw ang hallway ng 3rd floor

               “Sa baba ka kaya tumingin. Hayun sila oh! Grupo nila ‘yon di ba?”

               “Opo grupo nga ng mga alaktroniks at alaktrikal  iyan”

               “Masyado naman silang close. Papauwi na nga lang sila magkakasama pa rin. Ano na ang gagawin mo Mayi? I-text mo kaya tapos kung sino humawak ng cellphone siya iyon.”

               Dali-dali kong kinuha ang cellphone na nasa bulsa ko pero naisip ko agad na palitan ng sim at gamitin ang bago kong sim na may extra load pa. Tatawagan ko na lang para huli sa akto. Dali-dali kong denial ang number niya at saktong agad sinagot.

               “Hello? Sino ito?”

               Hindi ako nagsasalita… Tinatanaw ko ang lalaking ngumiti sa akin sa canteen pero nang matanaw ko ay hindi siya ang nakasagot sa tawag ko.

               “Ikaw ba iyan inang?”

               Ibang tao ang may hawak ng cellphone…iba ang kausap ko…

 Dahil sa malayo na ang mga ito hindi ko na rin nakita kung sino sa kanila si Roy hanggang sa naputol ang linya na wala akong sinagot sa kahit isa sa mga tinanong niya.

               “Ano Mae?” si ate Jean

               “Hindi ko po nakita eh!”

                “Sayang naman… Di bale may next time pa. Hindi pa siguro time upang magkakilala kayo”

               “Siguro nga po”

               “Tara pasok na tayo baka makita pa tayo ni sir”

               Pagkapasok namin sa room ay nakita ko agad si Von na bumabangka sa kwentuhan. Gusto ko na sana siyang hatakin para magtanong pero magmumukha naman akong katawa-tawa kung magtatanong ako sa kanya ng pangalan ng isang lalaki. Umupo na lamang ako at nagbasa-basa ng mga text nang kalbitin niya ako.

               “Hui!!! Pakopya nga ako ng pinapa-activity ni Sir”

               Nyek! Akala ko ba naman kung ano na. Binigay ko na ang notebook ko ng bigla na lang akong may naitanong.

               “Hui!! Von may kilala ka bang Roy n’ung high school?”

               Shocks!!! Ano bang bibig ito hindi ko mapigil.

               “Roy Niepes ba?”

               “oo iyun nga, merun ba?”

               “oo naman…kasa-kasama ko kaya mag-cutting iyun sa Arellano. Bakit boyfriend mo ba siya?

               “Boyfriend ka d’yan. Hindi ah! Naitanong ko kasi kilala ka raw niya”

               “Akala ko boyfriend mo, ok. iyun si Roy mabait iyun”

               “Mabait nga… may toyo naman”

It started with a textWhere stories live. Discover now