Ganoon lagi ang tema ng pagtetext namin. Asaran… lokohan… mga kasinungalingan namin. Minsan nagkatext kami na walang usap kundi padalhan lang ng mga text messages tulad ng pagpapadala niya ng text na nagsisimula sa letter “A” na nirereplyan ko naman ng letter “B” na sinasagot naman niya ng “C” na hanggang sa umabot kami hanggang “Z” na iyon lang ang tinetext ‘wag lang lumipas ang araw na hindi kami magkatext. Madalas kinakanta namin ang bahay kubo. Nagtetext siya ng bahay kubo na dinudugtungan ko naman ng kahit munti hanggang sa matapos uli. Madalas natatawa ako sa mga klase ng text niya… mga kakaiba na hindi ka mabobored. Lagi rin niya ako pinapadalhan ng mga kahibangan niya sa mga bagay-bagay na iisipin mo na walang kwentang pag-usapan tulad na bakit umiikot ang electric fan?, bakit ang langgam lagi nakapila hindi naman sila nirarasyunan ng pagkain?, bakit ang mata ng tao pumipikit? Bakit daw ang tao kapag napapagod nagpapahinga at natutulog?bakit daw ang puso kapag nagpahinga at natulog ibig sabihin patay na… hmnnn…. At kung anu-ano pang mga kaaningan niya sa buhay.
“cguro pwd ko na malaman kahit pangalan mo lng, ung 2nay ha?” minsang text niya
“pangalan ko?”
“ou pangalan mo po ate”
“maelyne po”
“2nay na ba yan?”
“itong taong ‘to cnabi ko na nga ung tama magdududa pa”
“kc nmn puro biro lang mga tinetext mo”
“abah! Kau rin nmn ah!”
“ano buo mong pangalan?”
“Maelyne Yambao po kau po ba?”
“kulit mo rin nuh! Roy Niepes nga pangalan ko, hindi naman ako 2lad mo na kung anu-ano pang iniimbentong pangalan”
“yabang neto ah!”
“ilang taon ka na ate?”
“17 nga po…kau po ba?”
“ang bata mo pa pala ate…walang duda kung bakit ganyan ang ugali mo… parang bata”
“aba! Nagtext lng ba kau para mang-asar lng?”
“21 na ako”
“21? Nyeh! Ang asta niya mas isip-bata pa siya kaysa sa akin” sa isip-isp ko.
Matanda na pala siya nag-aral sabagay expect ko na may gano’n talaga sa college, may matanda na at iyong iba ay may asawa na pero still gusto pa rin nila makatapos ng college; at doon ako humahanga sa mga taong gano’n…
ang binibigyang importansya ang pag-aaral.
“taga san ka ate?”
YOU ARE READING
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
