Tumagal pa nang tumagal ang pagtetext namin ni kuya Roy. Binansagan ko na rin siya ng tutsiROY na nakuha ko sa Funny Komiks na ikinabagay naman sa kanya. Hindi ko na rin pa nalaman kung sino siya sa grupo ng alaktroniks at alaktrikal hanggang sa magka-idea ako na i-corner si Von na minsang nasa canteen na nagkataon din naman na naroroon din ang grupo nina itang.
“Hoy! Von sino ba sa mga iyan si Roy Niepes?”
“Ha? Wala diyan”
“Hindi nga? Andiyan eh!”
“Wala nga”
Pero hindi ako naniwala sa kanya dahil sa ngisi niya…. Haaayyy…Bigo na naman ako…
“Ano inang bigo ka nuh? Natimbrehan ko na c Von hahaha”
“weh! E1 ko sau”
“geh! Na nga sasabihin ko na sau kung cnu ako kaso me favor akong hihilingin sau?”
“ano po un?”
“pagburn mo nga ako ng mga kantang paborito ko tapos ako ang kukuha sau”
“ikaw? Ano nmang mga kanta?”
Then he gave me the list of songs na karamihan ay Boys two men. Agad kong kinumpleto ang mga kanta at binurn para kinabukasan ay malaman ko na kung sino siya.
“itang tapos na CD mo, kanino ko e2 ibbgay?”
“ako inang ang kukuha sau nand2 pa kc kami sa ESF Building”
“ganun…pupunta kami ng ESF ngaun”
“hintayin mo na lang kami inang”
Nag-CR muna kami ni ate Jean at hindi ko alam ng mga oras na iyon kung bakit ako kinakabahan. After namin na mag-CR at palabas na kami nang tumambad sa amin ang dalawang lalaki na isa doon ay iyong taong panay nakangiti na sa hula ko ay sila na ito.
“Dala mo na inang?”
Sabi ng isang lalaki na akala ko ang magsasalita ay iyong panay nakangisi.
“opo dala ko na po”
Iniabot ko iyon ngunit laking pagtataka ko ulit na hindi ang nakangisi ang nanguha…
Shocks!!!! Siya na ba si itang???
“salamat dito inang ah!”
At mabilis nilang linisan ang lugar naming. Pagkatapos niyon ay nagtext siya.
“thank u ule inang”
“wlang anuman po”
“ngaun kilala mo na ako…ako ung nanguha at ang napagkakamalan mong ako ay c Joseph… baby face ako nuh!”
YOU ARE READING
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
