“ano nmn po isasagot ko sau?”
“kung may boyfriend ka na?”
“ano po sa tingin nyo?”
“e1 ko sau ang gulo mo kausap”
“nga pala itang naniniwala ka ba sa long distance relationship?”
“long distance relationship? Mahirap yan inang… kahit ba na sabihin nating mahal nyu ang isa’t-isa hindi pa rin un sapat.”
“bkt nmn?”
“kc inang we have to realize na love is not enough to make relationship work, kelangan mo ng trust, respect, time, effort at total commitment. If ung person na un ay hnd pinapakita ang mga un and can’t keep promise no matter how many times na magsabi siya ng I love u e wala pa ring meaning un. Kaya kung ikaw ay may ka-long distance relationship tandaan mo na lang na take time 2 listen to wat dey say and take time 2 look at wat dey don’t say..ou nga kahit na mahal nyo ang isa’t-isa napakahirap pa rin ang long distance, maya pa nyan me iba na pala siya tapos ikaw naghihintay pa sa kanya saklap di ba?”
“eh! itang bkt nmn kau nagbreak ng gf mo? Hnd mo na ba siya mahal? Nagkikita pa ba kau?”
“cguro mahal ko pa siya pero ngaun tanggap ko na wala n tlga kami. Ganun tlga may mga pangyayaring magkakahiwalay kau at dapat matanggap mo un kundi kawawa ka dahil hnd habang panahon ay naka-attach ka pa rin sa nakaraan mo. Friend siya ng ate ko kaya hnd kami maaaring hnd magkita, nagpunta siya d2 sa bahay… nagkamustahan kami, may bagong boyfriend na un at cnama pa niya d2 sa bahay nakita pa nga niya ung cd na binurn mo eh!”
“ganun… cgurado ka ah! Naka move on ka na?”
“hnd nga move on… acceptance”
“ganun na rin un itang”
Totoo naman ang sinabi ni itang. Nakakagulat nga lang dahil hindi ko inaakalang nakakapagsalita siya ng mga ganoong bagay. Simula noon hindi lang mga kalokohan ang nagiging text namin sa isa’t-isa. Nagbibigay payo na rin kami hanggang sa magbakasyon.
“inang ojt na nmn kaya hnd na ako makakatext sau palagi”
“ojt po?”
“oo inang on-the-job training, mag-o-ojt din kau kapag nasa junior or senior na kau”
“wushu!!! Baka on the junk training lang kau ah!”
“hnd nuh!”
“saan kau nyan mag-o-ojt itang?”
“sa laguna ngaung bakasyon lng un at sa next sem olongapo nmn kami”
And it was happened na hindi na nga kami madalas magkatext busy siguro siya pero hindi pa rin niya nakakaligtaan magtext ng quotes kapag hindi siya busy.
And my second year life in college has come. Tapos na ang bakasyon. Hindi ko alam pero excited akong pumasok… excited akong pumunta ng canteen pero wala sila sa canteen kaya pumila na lang ako para mamili at nagulat na lang ako nang makita ko sina itang at tiyong na papunta sa pila ko.
“Aba! Inang nandito ka pala”
“itang…t-tapos na ojt nyo? Nasan pasalubong ko?”
“Andun nasa bahay”
“Talaga may pasalubong ako?”
“oo graba mag-repak ka”
Kahit na nang-asar siya hindi man lang ako naasar. I don’t know but I’m really happy na muli ko siyang nakita. Simula na naman iyon nang pagku-krus ng landas namin sa school, maging sa labas ng school ay madalas din kaming magkasalubong o magkita. Maging sa CR ng ESF Building ay palagi pa rin kami nagkikita. May bagong drinking fountain ang school namin na nasa ESF Building at naisipan ko doon na uminom na halos ikasamid ko nangg makita kong nasa likod ko lang pala sila.
“inang bilisan mo namang uminom para ka namang pusang umiinom d’yan”
“ang yabang mo ba eh! di pumila ka”
“isang taon na ngang lumipas hindi ka pa rin nagbago para ka pa ring elementary kung kumilos.”
Hindi ko alam pero nainis talaga ako sa pagkakasabi niya na iyun at hindi ko napigilang ambaan siya ng suntok.
“oh! Tingnan mo? May college bang nanununtok? Bumalik ka nga sa elementary inang hindi ka nababagay dito.”
Nasaktan ako sa mga sinabi niyang iyon kaya nilisan ko na lang ang lugar na iyon ng may galit sa kanya. Simula noon ay hindi ko na siya tinext pa.
“galit ka ba inang?”
“sorry sa mga cnabi ko ah! Ikaw kc eh! hnd ka pa rin nagbago tumanda ka nga ng isang taon pero 2lad ka pa rin ng dati… nakaka2wa ka pa rin…bati na tau inang pramis hnd na kita aasarin pa.”
Hind ko na rin siya natiis kaya nagtext na naman kami. Nai-kwento rin niya na nagka-GF siya sa Laguna nang mag-ojt siya pero nang tanungin ko siya about sa girl ay sinabi niya na lang na wala na sila. Nyeh! Ganoon ba kabilis ang isang relasyon sa kanya?
أنت تقرأ
It started with a text
عاطفيةUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
Part 8
ابدأ من البداية
