“Grabe inang muntik na akong makasagasa… nawalan kc ako ng preno buti na lng hnd mabilis ang takbo ko”

                Maging noon unang paskong magkakilala kami ay patuloy pa rin kaming magka-text hanggang sa magpalit ng taon at nagbalik klase ay magka-text pa rin kami.

               “inang gus2 mo pic. ni itang mo?”  text sa akin ni kuya Joseph

               “Nyeh! Bkt ko nmn gugus2hin ang pic. nya eh! panakot lang sa daga un”

               “ows??? Crush mo kaya c Roy”

               “crush??? Hello… crush ka jan.. hnd kaya.. c tiyong gumagawa ng kwen2.”

               “hnd dw… woooo!!!! Dali na bibigyan kita ng pic. ni Roy”

               “geh! Bigyan mo ako ng pic. crush kc siya ng classm8 ko.”

               “wooo!!! Classm8 raw baka ikaw lng un eh!”

               Yaikssss!!!!! Paano niya nalaman na crush ko si itang? Grabe! Halata na ba akong may crush sa kanya? Kahit anong pilit ni tiyong na may crush ako kay itang ay hindi pa rin ako umamin. Nagkasundo kami ni tiyong na magkita sa labas ng canteen para ibigay ang picture ni itang. Dahil sa sira ang camera ang cellphone ko ay ipinagamit na lang sa akin ni ate Ann ang cellphone niya at sa tulong noon ay naipasa ni tiyong ang picture ni itang. Natuwa talaga ako ng lisanin ang lugar na iyun. Pina-print ko na rin ang picture niya kay ate Ann at kinabukasan lang ay nakuha ko na rin.

               Month of February  noon nang makilala ko si ate Korina na girlfriend ni tiyong.

               “hello”

               “cnu po cla?”

               “Korina just call me Korin”

               “ganun po ba… saan po nyo nakuha # ko?”

               “kay joseph dela cruz friend ako ni Roy”

               “friend kau ni kua Roy at ni kua Joseph?”

               “actually girlfriend ako ni Joseph tinext kita baka nagloloko lng c Joseph sb kc niya ikaw dw ang kinaaaliwan ni Roy ngaun. I txt u 2 confirm nga. Ikaw ba nililigawan ni Roy ngaun?”

               “po? Nililigawan??? Naku hnd po ah! Magkaibigan lng po kami ni kua Roy”

               “ganun ba ok. let me be ur friend maelyne right? Kung may nababanggit c kua Joseph mo sau na mga kakaiba txt mo agad ako babangasan natin…baka suma-sideline un ng girlfriend eh!”

               “hnd nmn po cguro ate korin… mabait nmn po c kua Joseph c kua Roy lng ang may toyo.”

               “ganun ba… nga pala may gus2 ka ba kay Roy?”

               “naku! Wala po ah! Paano ako magkakagus2 sa kanya eh! ang lakas mang-asar nun”

               “malay natin di ba?”

               Since then naging magka-text na rin kami ni ate Korin. Nakakapagtaka nga lang dahil lagi niyang kinukwento si itang at kung gaano sila ka-close samantalang ang boyfriend naman niya ay si tiyong. Nalaman ko rin sa kanya ang naging past relationship ni itang na hanggang ngayon ay hindi sila tiyak kung naka-move on na si itang. Lagi ko na rin no’n nakikita sa school si ate Korin na laging kasama si kuya Joseph. Nakakatuwang isipin na nakatagpo ako ng ate at mga kuya sa college life ko.

               End of February ng magkaroon kami ng P.E. Fest at bilang first year ay kailangan naming magparticipate. I remember this when we danced sa cover court ng school namin ng push the button. Grabe! Ang daming tao. Nakakahiya… plus takaw-tingin pa ang t-shirt namin dahil sa tatak na “One year waster? Shift or die!” And hindi pa kami no’n nakakasayaw nang kalbitin ako ng kaklase ko.

               “Mae tingnan mo iyong lalaki doon… iyung may hawak na cellphone dib a BSIT ‘yn? Para kasing kinukuhanan ka”

               “weh! Patawa ka naman… malabo nuh!”

               Tapos na kaming sumayaw nang magtext si itang sa akin.

               “inang akalain mong sumasayaw ka pala..haha ‘buti hnd ka nirayuma”

               “weh! E1 ko sau… nang-aasar ka na nmn”

               Mas lalo akong nahiya nang magtext siya sa akin ng ganoon. Whaaa!!!! Ibig sabihin napanood niya… whaaaa!!!! Nakakahiya talaga…

It started with a textDonde viven las historias. Descúbrelo ahora