Akala ko rin noon na hindi na siya mage-effort na magproduce ng drawing kapalit ng assignment niya pero laking gulat ko na lang ng bigyan niya ako.

               “inang asan ka? Pwd ka bang pumunta sa harap ng ulo ni medina lacson?”

               “bkt itang ipapakuha mo ba sa akin ang ulo ni medina?”

               “hnd ah! Auko kaya kitang makulong…ibibigay ko lng kc itong hinihiling mo…dala mo ba ass. ko?”

               “opo”

               “geh, baba kami ni josephs a ESF sasalubingin ka na lng naming”

               Ganoon nga ang ginawa ko pumunta ako kasama si ate Jean sa harap ng estatwa ni Medina Lacson at habang papalapit sina kuya Roy at Kuya Joseph ay panay may sumisigaw at nagtatawanan sa 3rd floor ng ESF.

               “Roy Niepes!!! Mamaya ka na muna manligaw…mag-aral ka muna”

               …………………………………

               “Tinutukso kayo ni Roy mo Mayi”

               “ate Jean naman”

               Pagkaabot ni itang at pagkakuha niya ng assignment niya ay umalis agad sila.

               “Grabe! Mayi pulang-pula siya nung inabot niya sa iyo ‘yang drawing pati ikaw diyan nagba-blush. Pareho kayong hindi makatingin sa isa’t-isa. Sa tingin ko may gusto siya sa iyo Mae”

               “Paano n’yo naman po nasabi iyan ate Jean?”

               “Think about it Mayi…magpapaka-effort ba siya kung gusto niya lang magpa-burn at magpa-research sa iyo at kahit ano pa ang gusto mong kapalit binibigay niya.  Ginagawa niya iyon hindi lang dahil sa kailangan niya iyon kundi gusto ka rin niyang makita nang malapitan.”

               “Haayyy… ate Jean..H’wag  ka nga pong magpaasa…saka tama na sa akin itong ganito lang kami… H’wag na sanang mag level-up.”

               “Bahala ka rin pero someday Mayi…maglelevel-up din iyang pagtitinginan n’yo sa ayaw at sa gusto mo.”

               Tama nga si ate Jean habang tumatagal ang pagte-text namin ay mas humahanga ako sa kanya na hindi ko naman alam kung sa anong dahilan kung bakit ako nagka-crush sa kanya gayung wala siyang ginawa kundi asarin ako. Hanggang sa matapos ang first sem at dumating ang second semestral ay patuloy pa rin ang pagte-text namin. Hanggang sa magkaroon ng bagyong Milenyo at na-admit ang pamangkin ko sa Hospital ng Balanga ay patuloy siyang naka-text.

               “malapit lng sa amin yang Women’s Hospital, anytime na may kailanganin ka punta ka na lng sa amin.”

               “nyeh! Parang alam ko sa inyo ah!”

               “hehehe… ingat ka na lng sa ulan inang baka mabasa ka… Hnd pa nmn sanay ang pusa na mabasa. Haha”

               “weh! Mang-asar ba?”

                Kahit na na-aksidente siya sa oner ay nagtetext pa rin siya sa akin.

It started with a textWhere stories live. Discover now