Pinag-burn ko uli siya at gaya ng dati ay siya uli ang nanguha na ang kapalit naman ay anim na boy bawang at anim na dingdong. Ikinagulat ng mga kaklase ko nang ikuwento ko iyon.
“Grabe! Mae pwede naman siya magpaburn sa iba pero sa iyo pa. Hindi kaya may gusto siya sa iyo? May gusto ka rin siguro sa kanya nuh? Kaya mo siya pinagbibigyan?
“hala… wala nuh!”
Ewan… pero kay ate Jean ko lang sinabi na may crush ako kay itang.
“Sabi na nga ba na may crush ka kay itang mo. Ang sweet n’yo naman… siguradong may gusto din si itang mo sa iyo.”
“Naku! Malabo po iyun ate Jean. Paano siya magkakagusto sa laging umaalaska sa kanya?”
“Eh! bakit ikaw nagkagusto sa kanya kahit na wala na siyang ginawa kundi alaskahin ka. Think about it Mayi, for sure darating ang araw na aamin siya at magiging kayo at hihintayin kong mangyari iyun Mae.”
“Ayokong umasa po…haha… hindi naman ako maganda kaya malabo mangyari iyon… saka hindi rin ako palaayos at tulad nang sabi niya bata ako kung umasta…kaya malabo iyon.”
Ayoko rin naman talagang mag-expect na magkakaganoon nga, mas ok. sa akin kung ako lang ang mayroong gusto atleast kaya ko itago. Ayoko rin naman kasing mawala ang klase ng aming samahan kahit pa nga na asaran lang kami nang asaran. I realize na pigilan ko na lamang ang nararamdaman ko para sa kanya.
“inang favor nga ule, paburn nga ule. Inarbor kc ng mga kumpare ko binurn mo.”
“bkt mo nga pala pinaarbor”
“eh! nagandahan sila”
“wala na ako cd” (kahit mayroon)
“edi bibigyan kita…maya bibili ako bgay ko sau”
Muli ay nagkita kami at iniabot sa akin ang tatlong CD. Nagtaka ako kung bakit tatlong CD pwede namang dalawa o kaya isa.
“Bakit tatlong CD po ito? Ibuburn ko po ba lahat ito?”
“Hindi inang…isa lang ang iburn mo, iyung2 sa iyo na”
“Ganun…tatlo”
“oo… tatlo kasi sa-la-mat 3 syllabus “
“ah! Cool ah! Salamat po”
Hindi lang pagbuburn ang naging favor niya sa akin kundi pagta-type ng assignments nila kesyo hindi raw nila alam magcomputer. At gaya rin ng dati ginawa ko rin ang favor nila ng may kapalit.
“itang hnd ko maibbgay pinatype mo me klase kc kami. Nasan po ba kau nyan?”
“nasa ESF kami san ka ba nyan inang?”
“nasa drafting building kami room t12”
“geh! Pupuntahan kita jan”
Ilang saglit lang…
“inang labas ka saglit d2 ako labas ng room nyo”
Kinakabahan akong nilabas siya. Nagtaka pa nga ako kung bakit mag-isa lang siya.
“Mamaya na bayad nito ah!”
“opo”
Hindi na ako umasang magbabayad siya sa akin. Nang muli ay magtext siya.
“inang wla ng boy bawang at dingdong. Ano gus2 mong iba?”
“po? Fudge bar na lng po”
Lihim akong natuwa na mag-effort siya mamili ng Fudgee Bar at hanapin ako para lang ibigay. Kasama ko pa nga ng oras na ito sina kuya Joseph at kuya Remar nang iabot sa akin gang dalawang fudge bar. I remember pa nga nang mangyari ito eh kinukuhanan ng picture ni kuya Joseph si Roy na hindi ko alam na camera shy rin pala siya.
Then P.E. time uli. Nagulat na naman ako at hindi makapaniwala na sa harap ng room nina itang kami maglalaro ng badminton…haaayyy.. kung minamalas ka nga naman. Hindi ko alam pero hangga’t maari ay hindi ako naglalaro.
“inang bkt hnd ka naglalaro? Hnd ka marunong nuh?”
“Wuuuhhh!!!! Kau nga jan ang hnd marunong eh!”
“ako??? Player kaya ako..hnd ka jan marunong…pukpukin pa kita jan ng raketa eh!”
Marami pang nangyaring pang-aasaran sa amin at ang hindi ko makakalimutan ng mag-offer siya ng tulong nang mawalan ako ng pera sa time ng NSTP namin. Walang natira sa akin dahil sa wallet ang nawala sa akin na siguradong may nanguha sa bag ko. Tanging load lang na pang-text at bag ang natira sa akin.
“whaaaaa!!!! Hnd ako makakauwi ng Mariveles… whaaaa!!! Text ko sa kanya
“bkt inang?”
“nwala kc wallet ko”
“ayan… panay ka kc txt”
“weh! Mang-asar ba”
“paano ka nyan makakauwi?”
“di ko po alam…pautangin nyu nmn ako”
“nyeh! la ako pera”
“damot nmn neto”
“nasan ka b nyan?”
“nasa munting batangas po”
“umaano ka nmn jan?”
“d2 kami napadpad mag community service”
“ganun..punta ako trade txt mo ako pg nandun ka papautangin kita”
“tlga? No joke?”
“oo basta bayaran mo…wla ng libre ngaun”
ESTÁS LEYENDO
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
Part 6
Comenzar desde el principio
