“weh! Hnd nmn eh! mukha na tlga kaung itang”
Kinagabihan ay agad niya akong tinext informing na pinapakinggan na niya ang CD. Sinabi ko na rin sa mga malalapit kong kaklase na kilala ko na kung sino talaga si Roy. Iyong iba napagkamalan din nilang si Roy ang taong nakangisi na hindi naman pala. Doon na rin ako tinukso ng mga kaklase ko.
“Iba na iyan mae ah! Nagkita na kayo ni itang mo, ano pa kaya ang susunod na mangyayari sa inyo? Baka maging kayo niyan ah!”
“Naku! Malabo nuh! Itang at inang lang ang tawagan naming. Iyun lang at wala ng iba.”
“Ang sweet kaya n’ung itang at inang”
“Bahala na nga kayo diyan”
Doon na nga nag-umpisang umiba ang ikot ng mundo ko. Hindi ko alam pero lagi kami pinagkikita ng tadhana. Ang laki ng school namin pero madalas kaming magkakitaan o hindi kaya’y magkasalubong. Na hindi lumilipas ang araw na hindi ko siya nakikita o ang grupo ng alaktrikal at alaktroniks. Hindi ko rin maiwasang kabahan sa tuwing makikita siya ng mga kaklase ko at sabihin kung saan siya naroroon. Ewan pero madalas kami magkasalubong at sa tingin ko’y nagugulat din siyang nakakasalubong niya ako lalo na sa canteen ng school na hindi ko alam kung paanong kain ang gagawin ko kung siya naman ay nakatingin sa direksyon ko. Minsan nagtest kami sa P.E subject namin sa Sari Gamit Cover Court ng school na malapit lang sa Building nila. Natanawan ko agad ang grupo nila at natuwa ako nang makita ko siyang nakikipagbiruan sa mga kaklase niya pero kinabahan ako ng magtest na kami ay nasa malapit lang sila sa likuran namin at nagulat na lamang ako nang sabihin ni Sir Escartin na hindi lang siya ang magbabantay sa amin kundi pati na rin ang BSIT-3B na kinabibilangan nina Tutsiroy… Gosh!!! Hindi ko alam kung paanong pagtetest ang gagawin ko lalo na kung itong si Joseph ay pumunta sa pwesto ko at nakakaasar pang ngumiti…
Haaayyy… pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Akala ko rin na si tiyong lang ang mang-aasar may mas malala pa pala.
“inang h’wag ka mangopya, sige ka isusumbong kita.”
“weh! Mangopya ka diyan… lelang mo!”
Tumawa na lang siya na ikinatuwa ko nang makita ko ang mga ngiti niya. Ngayon aaminin ko na…
I got crush on him and I don’t know when and where did it started, I don’t know kung bakit para akong natutuwa kapag nakikita ko siya at nakakausap sa text. Nilihim ko iyon sa lahat na may crush na ako sa kanya at nagpanggap ng natural na tulad ng dating asaran namin. Kahit gano’n lagi pa rin kaming magkatext. He always the one who first na magtetext na obvious na ikinatutuwa ko. Syempre hindi niya mahahalatang crush ko siya dahil hindi naman ako ang unang nagtetext.
“inang favor nga ule”
“ano un itang?”
“burn mo nga po ule ako”
“weh! May bayad na un”
“magkano nmn?”
“50”
“ang mahal nmn inang… tawad nmn oh!”
“geh! Boy bawang na lng saka dingdong”
BINABASA MO ANG
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
Part 6
Magsimula sa umpisa
