Ewan ko ba ng mga oras na iyon kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko kahit isang text lang ng number na iyon ay parang natutuwa na ako… pero bakit kaya si Tiyong ang nagtext at hindi si itang? Nagpalit na kaya siya ng number? Ito na kaya ngayon ang number ni Tiyong? Paano naman ang number ni itang?
“new # mo po ito tiyong?”
“hnd ah! # ni itang mo e2, unlmtd kc kaya ginamit ko muna…hnd ba nakasave # ni Roy sau?”
“hnd po”
“ganun… laging magkatxt pero hnd nakasave ang #... samantalang ang name mo pa d2 sa phone niya eh! inang”
“nakasave nmn dati # niya nabura ko lng ng d cnasadya”
“wuuuuu!!!!! Nabura raw…cge maeyaw bye na me klase pa kami”
Doon na rin naibansag ang pangalang maeyaw sa akin na pasimula nina itang at tiyong na hanggang ngayon ay gamit-gamit ko pa rin. Buong akala ko pa naman ng mga oras na iyon ay si itang na ang nagtext pero si tiyong lang pala. Ang nakakalungkot pa unlimited naman pero hindi man lang nagpaparamdam parang guilty tuloy ako sa mga pang-aalaska ko, baka sinumpa na ako ni itang sa lahat ng kalokohan ko ah… Hanggang sa gumabi ay hindi nagtext si itang.
“meowlene?” text ng number ni itang
“oink-oink?”
“oink-oink ka jan… c itang mo ako”
‘i-itang???is dat u?” Nabigla talaga ako ng magtext siya ng hindi ko inaasahan
“ou nmn, bkt inang hnd mo na ba ako natatandaan? Ang tindi nmn pala ng sakit ng pagiging ulyanin mo”
“weh! Buhay ka pa pala itang??? Kala ko binurol ka na weh!”
“hnd ah! Tara tagay inang”
“tagay? Umiinom ka???”
“ou nmn umiinom kami… anong akala mo sa amin hnd nainom ng 2bg, palibhasa pusa ka”
“weh!kala ko ba nmn alak”
“alak nga”
“huh?”
“hnd ka nainom inang?”
“hnd po… may allergy po kc ako sa alak”
“ganun… masasanay din yan”
“bkt nmn kau umiinom? May problema kau?”
“wla nuh! Napagtripan lng nmin nina Joseph”
“wuh! Cgurado kau? Ala kaung prob.?”
“wala nga inang…ang kulit mo”
“weh! D ako nangungulit nagtatanong lng ako”
“ganun na rin un”
“cge po itang… itagay nyo na lang ako”
Patulog na sana ako nang muli siyang nagtext…
“alam mo inang naaasar ako sa ate ko”
“bkt nmn itang?”
“kc ba nmn naglilinis ako ng isda sa lababo sukat ba namang dun din naglaba..aun nagkasabon ung isda… parang timang”
“ganun… ang babaw naman ng dahilan mo parang un lng”
“anong mababaw??? Malalim un ah!”
“mababaw”
“malalim”
“naku! Bhala ka nga sa problema mo..jan ka na… 22log na ako”
ESTÁS LEYENDO
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
Part 5
Comenzar desde el principio
