“Mae iyung mga BSIT oh! Makakasalubong natin”
“Yaikkss!!!! Bigla ata akong naiihi tara baba tayo ate Jean”
“H’wag na nuh! Halata ka kaya kapag lumayo ka. Diretso lakad ka lang. Patay malisya ka lang.”
Gano’n nga ginawa ko ang magpatay malisya na kunwaring hindi ko kilala ang makakasalubong ko pero bakit kaya habang papalapit ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa gano’ng sitwasyon ko kinuha ang cellphone na nasa bulsa ng slacks ko at kunwaring nagtetext.
Haayy..ang iingay talaga ng mga mokong na iyon akala yata school ang C.P.M.
Nakalagpas na sila sa amin nang lingunin ko ang grupo nila at nakita ko na naman ang lalaking nakatingin din sa canteen. Siya kaya si Roy? Baka naman siya iyong sinasabing Joseph…
Haaayyy… ewan ko sa inyo. Maya-maya lang ay agad akong naka-receive ng text mula kay itang.
“hoy! Inang madapa ka…txt ka ng txt jan… naglalakad ka pa”
“woooo!!!! Umuwi na kau itang gala pa kau ng gala”
Akala ko mabilis siyang magrereply sa text ko pero natagalan hanggang sa hindi na nagreply kaya ako naman ay nag-enjoy na lang sa mga kasama kong wiling-wili sa paglalaro sa wonderpark. Pauwi na kami noon ng may marecieve akong text mula sa ibang number.
“meow”
“at cnu ka nmn? Reply ko
“hnd mo ako kilala?”
“tatanungin ba kita kung kilala kita?”
“sungit mo nmn inang”
“inang??? Ikaw ba iyan itang?”
“hehe… itang ka jan… hnd ako c itang mo”
“ah! Ikaw pala yan tiyong”
“tiyong”
“opo! Tiyong sabi kc ni itang magkumpare raw kau since birth kaya aun ikaw na ang tiyong ko”
“lakas mo bata ah! Tiyong ka jan kaya cguro 2wang-2wa si Roy na katxt ka kengkoy ka kc”
“ano ako payaso??? Katuwaan?”
“eh! sa nakaka2wa kang katxt eh!”
“bkt? Nagkatxt nab a tau para ma2wa ka?”
“ou nmn…dati saka ngaun”
“dati?”
“ou inang nakatxt din kita noong binigay ni Mark ung # mo sa amin, c Roy lang ang nakatagal”
YOU ARE READING
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
Part 5
Start from the beginning
