Ngayon este sa panahon ko which is called the modern world ay halos lahat gustong matutong ng English. Universal language nga kasi.

" Nakakaintindi  ka ba ng wikang Espanyol?" Tanong ng babae. Ngumiwi naman ako.

" Obviously I can't." Bitch mode ako ngayon eh. Gutom na kasi ako at problema ko pa kong saan ako matutulog. Grabe nawala na lang kasing parang bula iyong tumulak sa akin dito.

" Ha? Paumanhin pero hindi kita maintindihan." Napayukong sabi naman ni ate. Parang napahiya siya pero baka ganito lang sila sa sinaunang panahon. Mahihinhin.
Which is my exact opposite. Palaban kasi ako pero medyo ilag lang ako sa mga crabs.

" Ah ate, ano ba kasing sasabihin mo?" Tinagalog ko na lang ang tanong ko. Anong malay ko baka may magandang maidudulot ang sasabihin niya sa akin.

Nagtaas naman ito ng tingin at ngumiti sa akin. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan.

" Maaari bang sa labas tayo mag-usap? " Sabi niya tapos tumingin siya sa bata na ngayon ay nakaupo na sa upuan at seryosong nagmamasid lang.

"May pagkain ba doon sa pupuntahan natin?" Nagbabakasali kong tanong. Eh kasi naman gutom na talaga ako. Kumukulo na rin ang sikmura ko. Nakakahiya pero wala akong magagawa. I need food to survive.

Tinignan naman ako ng babae mula ulo hanggang paa. Nagtataka siguro kung bakit nasali sa usapan ang pagkain.

Gusto kong matawa ng makita ang reaksiyon niya sa damit ko. Para bang nakakita siya ng hindi kaaya-aya. Sabagay Maria Clara ang mga kababaihan dito. Ganoon din ang reaksiyon ko nang makita ko ang damit na suot ng mga tao rito kanina.

" A-ah kung pagkain ang hanap mo'y marami sa labas ng simbahan,
p-pero kung di mo mamasamain, saan mo naman nabili ang ganyang k-kasuotan ?" Nakakunot noo nitong tanong.

"Oo nga ina, maraming punit ang kaniyang kasuotan na halos kita na ang katawan.  Marungis rin po siya at punong-puno pa nang buhangin."

Namimilog naman ang mga matang sabi ng bata kaya sinuway ito ng babae na ina nga talaga nito. Grabe ang bata pa ng babae pero may anak na. Baka mas matanda lang ito ng ilang taon sa akin.

"Ssshh Alfonso, masamang makisali sa usapan ng matatanda." Tumingin sa akin ang babae at humingi ng paumanhin.

"A-ano nga palang pangalan mo?" Tanong nito. Akala ko di na niya tatanungin.

" Ako si .... Acilegna" Sinabi ko ang totoo kong pangalan.

" Ah ako naman si Minerva A-Alcaraz at ito ang anak kong si Alfonso Polavieja." Hindi ko alam kong guni-guni ko lang iyon pero parang bitter si Minerva noong binanggit niya iyong mga apilyedo. May dumaang pait sa mga malamlam na mata ng babae.

"Alfonso anak, bumati ka sa iyong ate Acilegna." Nakangiti nitong utos sa anak.

Binati naman ako ni Alfonso at nagsorry pa sa sinabi niya saakin kanina. Natawa naman ako at hinawakan ang buhok niya at ginulo ito. He just pout which makes him more cute.

Kamukha talaga ni Rafael.

Naisip ko habang nagtataka. Posible kayang anak niya ito?

Parang tinusok ng isang milyong karayom ang puso ko sa aking naisip.
Hala bakit ko ba nararamdaman ang mga bagay na ito sa lalaking iyon? Tch

Nagulat ako ng magsalita ulit si Minerva.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya kaya tumango ako. "Kung gayon ay tayo na sa labas at mukhang tapos na rin ang misa. Doon ko na sasabihin ang nais kong sabihin sa iyo kanina pa."Magalang nitong sabi sa akin.

Nalaman ko mula kay Minerva na 21- anyos lang pala siya at 16 siya noong ipinanganak si Alfonso.
Nakatira daw sila sa isang mansiyon na pag- aari ni  Senyor Amadeo Polavieja. Grabe pang matandang pangalan talaga. Siguro nasa 70s na iyon pero wala akong pakialam.

Tapos na pala silang nagsimba kanina dahil naabutan nila ang unang misa pero dahil makulit si Alfonso ay tumakbo ito pabalik sa simbahan. Kaya ayon nagkatagpo-tagpo kami.

Kumakain ako ngayon dito sa isang kainan na pinuntahan namin nina Minerva.

Mga Spanish at Filipino dish ang specialty nila rito pero pinili ko ang pakbet at adobong manok.

Makabansa kasi ako eh hahaha charr.
Before pala kami nagpunta rito ay pinagpalit muna ako ni Minerva ng damit pang-sinauna. Alam niyo na mga damit na mahahaba na tinatawag na baro't saya. Ang init nga eh grabe pero wala akong magagawa kasi nasa sina unang panahon ako. Nagpasalamat na lang ako kasi tinutulungan niya ako, pinakain pa nga niya ako eh. Pero alam kong may kapalit ang mga ito. Imposibleng pigilan niya akong umalis kanina para lang pakainin at bilhan ng damit right?

" Ah ! I'm so- este nabusog ako!" Napadighay pa ako ng malakas. Nakita ko pang napangiwi si Minerva.

Napatakip ako ng bibig at tsaka nagpeace sign sa babae. Mukhang nagtataka naman siya lalo sa inaasal ko kaya humihingi na lang ako ng paumanhin.

"Binibining Acilegna ngayong busog ka na baka pwede ko nang sabihin sa iyo ang pakay ko." Panimula niya na parang nag-aalangan. Pomormal din ang mukha niya na mukhang handa na sa diskusyon.

"Ah, oo nga eh, ano ba kasi iyong sasabihin mo." Nagtataka kong tanong. Curious rin naman ako no.

Hmmp.Curiousity na naman. I hope I won't regret this later on.

"A-ano kasi, itong si Alfonso..." Sabi niya bago tinignan si Alfonso na maganang kumakain ng pakbet. Nakita kasi ni Alfonso na iyon ang inorder ko kaya iyon din kinuha niya. Habang si Minerva ay di na kumain dahil busog pa daw ito.

"Lagi ko siyang naiiwanan sa mansiyon dahil palagi akong pumupunta sa bukid o di kaya ay sa aplaya upang salubungin ang mga mangingisda na katiwala sa hacienda Polavieja." Pagpapatuloy ni Minerva.

Gustong tumaas ng kilay ko. Anong kinalaman ko doon? Pero nakinig pa rin akong mabuti.

"K-kaya gusto ko sanang alukin ka ng trabaho sa mansiyon." Sa lahat ng sinabi niya ay iyon lang ang nakakuha ng atensyon ko. Kung bibigyan niya ako ng trabaho sa mansion na sinasabi niya ay pwedeng magkaroon ako ng pansamantalang tirahan. Iyon ay kung stay-in ako , pero paano kung stay-out?

Pero ano bang mga posibleng trabaho sa isang mansiyon? Could it be......

"Ahmmm, anong trabaho ba iyon Minerva?"Tanong ko na lang bago pa man ako makapag-isip ng mga bagay na negatibo.

"Y-yaya sana ni Alfonso."

Whuuuttttttt?Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
The fudge! Si Acilegna Star Villanueva magiging yaya lang ng isang 6  years old ngayong 1763?

I cannot!

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon