Nyek!!! Nakalimutan ko may kliyente pala ako ngayon…
Agad kong nireplayan si Jessa informing her na ite-text ko pa lang. After na mai-send ito ay agad akong nagmiskol sa number na binigay sa akin ni Jessa na agad din namang nagtext.
“Hus dis?”
“Gud evening po. Sorry kung naka-is2rbo. Nagdadial lng po kc ako ng kung anu-anong # at akcdente nagring po. Sorry po.”
“ok. lng btw cnu ka pala?”
“Mae po kau po?”
“Mark name ko, anu real name mo?”
Yes! Eto na… first point ko na ito… Mark pala name mo hah! Lagot ka sa akin ngayon..
“Anna Mae po, kau po? Ano po real name nyu?”
Annie Mae sana ang name na ipapakilala ko pero obvious na “Anime” ang result kapag pinakinggan ito. Hilig ko kasi ang Anime na kahit nasa College na ako ay hindi ko pa rin maiwan ang pagkahilig sa Anime.
“Mark Anthony real name ko, maxado ka nmang magalang ilang taon ka na ba?”
“ako po? 17 po kau po?”
“19 na ako, nagaaral ka pa ba?”
“Opo! Kau po?”
“Nag-aaral din ako… sa BPSC ako nagaaral”
“Ha? Tlga po? Sa BPSC? Ang galing naman… sa BPSC din ako nag-aaral.”
“Talaga? Sa trade ako, ikaw ba?saka taga san ka pala?”
“Sa trade din po…sa main campus po… taga Mariveles po ako, kau po?”
“What a coincidence? Taga San Jose Balanga nman ako. Wat surnme mo nga pala?”
“Santos po kua. Kau po?”
“Dela Cruz… Mark Anthony Dela Cruz whole name ko”
“Ano po pala course nyu kua?”
“BSIT ako Electronics major ko kaw?”
“sa ICT Department po ako kua”
“ICT? Ano un?”
“Information Communication Technology po”
Nyek! ICT hindi alam..sa bagay pioneer nga pala kami pero kahit na ba, taga –trade siya dapat alam niya mga course ng school niya. Tutal naman ay nakuha ko na ang mga kailangan ko sa kanya kaya ititigil ko na ang pagtetext sa taong ito…
haha I won again…
Kinabukasan ay maaga akong pumasok upang ibalita kay Jessa ang nakuha kong inpormasyon.
“Hello Jessa” bungad ko agad kay Jessa pagkapasok pa lamang sa classroom namin.
“Ano Mae nalaman mo na kung sino siya?”
“Ako pa?! Maelyne Yambao yata ito! Walang imposible kay Agent Maelyne nuh! Hahaha!!!
“Sino raw siya?”
“Mark Anthony Dela Cruz name ng nagte-text sa iyo. Taga dito lang sa Balanga, sa bgy. San Jose nakatira; BSIT Electronics major 19 years old.”
“Mark Anthony? Wala akong kilalang Mark Anthony, tignan ko na lang tomorrow sa NSTP kung sino ‘yon, thanks Mae”
“You’re welcome, basta ikaw nanginginig pa”
“Salamat uli ah! Teka hindi na ba sa iyo nagte-text ‘yun Mark?”
“Nagte-text pa rin pero di ko na nirereplyan, mananawa rin ‘yon haha”
Saglit lang ay nag-vibrate ang cellphone ko na pagkabasa ko pa lang ay agad akong kinabahan.
“Anna Mae Santos daw huh! Walang Anna Mae Santos na naka-enroll.”
“Patay! Paano niya nalaman?”
Binasa ko uli ang ibang mga text na galing kay Mark.
“Cnu ka ba tlga? Bkt hndi ka na nagreply kagabi?”
“Niloloko mo lng yata ako eh!”
“ICT ka d ba? Anong major mo?”
“Walang Anna Mae Santos na naka-enroll? Ibang Santos ang nakita ko. Naka-enroll ka ba sa NSTP class?”
“NSTP class? Paano niya nalaman…Hindi nakita?” Agad akong napabulalas nang may maalala.
“Patay ako.”
“Bakit Mae?” si Jessa
“Nakalagay ba lahat ng first year sa Bulletin Board ng School?”
“Oo naman, lahat ng naka-enroll sa NSTP pati na rin kung sino ang adviser.”
“Alphabetical ‘yun di ba?”
“oo kaya magka-kaklase ang magkaka-apelyido, Bakit Mae?”
“Patay talaga ako.”
Agad akong tumakbo palabas ng room at pinuntahan ang bulletin board ng school na malapit sa main gate ng school. Malayo pa lang ay kitang-kita ko na ang mahabang bulletin board na may mga estudyante ring tumitingin na kapwa ko na naka-civilian na first year din at meron din naman na grupo ng lalaki na naka-school uniform na magulong tinitingan ang mga naka-post. Una kong pinuntahan ang dulo ng bulletin board.
Siguradong narito ang name ko. Agad kong hinawakan ang papel na kung saan nakalagay ang pangalan ko.
“Hmmmmnnnnn… ‘wag kang mawawala d’yan ah! Ingatan mo sarili mo d’yan Maelyne Yambao.”
Haha.. para akong tangek na kinakausap ang sarili kong pangalan. Papunta na sana ako sa section nina Jessa pero marami pang tumitingin sa lugar na iyon kaya inuna ko munang tingnan ang apelyido ng mga “Santos”.
Nang tingan ko iyon ay halos sumakit ang mga mata ko sa nakitang apelyido ng mga Santos na naka-enroll sa NSTP class Paano ba naman kasi sa daming ‘yon ay walang naka-tulad sa inimbento kong pangalan. Haha.. kaya pala hindi nakasama si Anna Mae Santos kasi super dami na ng Santos ang nakalagay dito, kaunti na lang sinakop na nila ang isang buong papel.
Napansin kong umalis na ang grupo ng mga naka-unipormeng mga estudyante at tinungo ko na ang lugar kung saan nakapost ang section ni Jessa nang muling mag-vibrate ang cellphone nito.
“Ano ms. Anna Mae Santos hnd mo ba tlga sasabihin kung cnu ka?”
“Aba! Balak pa yatang manakot ang mokong na ito ah! Pwes! Hindi ako natatakot.”
Hindi ko na ito sinagot. Hinanap ko na lang ang apelyidong Del Rosario at nakita ko nga ang pangalan ni Jessa at sinunod naman ang pangalan ng Mark Anthony Dela Cruz na iyon.
“Haha…ang galing ko talaga. Akalain mong nakalista pala talaga ang name ng mokong na iyon.
Nang-icheck ko ang course niya ay nagtaka na lang ako kung bakit iba ang nakalagay
“Mark Anthony Dela Cruz… BSIT 3B? Bakit 3B? ah! Baka code lang ng electronics major… haha.. babu na nga sa iyo Mark Anthony. My case about you is now close.
Pabalik na uli ako ng room nang panay vibrate ang cellphone ko. Tiyak nagtext na naman ang mokong na iyon pero dahil sa bawal ang cellphone sa klase ay itinago ko na muna sa bag ang cellphone, after na lang ng klase ko babasahin ang mga text ng Mark Anthony na iyon. Haha… Hayaan mo siyang manawa.
YOU ARE READING
It started with a text
RomanceUNLIMITED TEXT? Kailan ninyo ito inabot? n_n Lahat tayo ay siguradong may mga kuwento sa likod na tinatawag na Unlimited Text. Sabihin ninyo man o hindi siguradong naapektuhan din ng Unlimited ang buhay TEXT ninyo. About Mine?Well...It was happened...
Part 1
Start from the beginning
