1

113K 1.3K 92
                                    

1-

Ako po ay isang mainipin na manunulat..naks! Pag wala kasi akong maisip na update sa isang story, papatayin ko yung mga characters para mag-end..hehehe..korni ko..Wala, kahit anong pigil ko na hindi gumawa ng isa na namang on-going ay di ko mapigilan ang sarili ko, kaya, if like nyong magbasa na naman, e di gora! If not, okay lang naman..

Originally, teen fiction sana ito, kaso talagang nagkakainternal haemorrhage ako pag teen, MarXie na nga lang ang tagal kong natapos…Kaya eto, pinatanda ko na sila..walang edit kaya senxa if my typo…as always..

(Atin-atin lang, pangarap kong gumawa ng fantasy sana, horror at yung pinaka da bes na SPG (Slurp!) Kaso sablay ang utak ko)

Siya, simulan na!

Weyt! Side story pala ito ng He’s In Control…

And…slow ang update nito kaya wag demanding ha, pag magdedemand, kelangan ko ng libreng kape at sangkaterbang siomai!

**********************

“You’re hired! You can start on Monday, Ms. Tamayo.” Sabi ng kausap niya. Ang laki lang ng ngiti ni Charlotte. Sa wakas, may trabaho na siya! At take note, hindi ito puchu-puchu lang na company, isang kilalang company. Napunta siya sa Finance Department,  wow! Siya na talaga! Matutuwa nito ang Nanay at Tatay niya. Isa pang kinagusto niya sa kanyang bagong trabaho ay dahil madadaanan na muna niya ang opisina ng boss bago siya makarating sa kanyang department. Ang weird ba niya? Ay alam na niya iyon, dati pa.

Papalabasa na siya nung building at hinanap ang kanyang lumang pick-up, hindi pala luma kundi lumang-luma, kakarag-karag. E ano ngayon, basta ba may four wheels eh okay na. Malayo pa lamang ay tanaw na niya ito, kakaiba kasi, kakaiba hindi ang kulay kundi kakaiba sa lahat ng nakaparadang nagkikintabang mga kotse. So? Tulad nga ng sabi niya, wala siyang pakialam, kiber kung baga!

Dahil masaya siya ay pakanta-kanta pa siyang pumunta sa driver’s seat ng mahagip ng mata niya ang isang lalaking uber guwapo! Uber macho! Uber..lahat na ng uber! Teka, kilala niya ito ah! Si…si..

“Antonio? Ikaw nga! Antonio!” Sigaw niya! Bigla siyang na excite pagkakita sa nilalang na kinuha na yata ang lahat ng kaguwapuhan sa mundo. Para lang yun sa kanya ha. Kung hindi ninyo naitatanong, crush niya ito since grade two yata. Hanggang high school, wala na, di na sila nagkita nung college, pero dahil crush niya nga ito, memorize niya ang pagmumukha ng lalaki,

Napatingin si Claude Anton sa nagsalita. Ang ayaw niya sa lahat ay ang babaeng maingay, boses pa lang alam mo ng ikakairita mo. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay, isang nakangiting babae na hindi katangkaran ang nasa harap niya ngayon. Naka pencil cut ito, nakablouse na pinatungan lamang ng blazer. Napakaganda ng mga ngiti nito.

Sino siya? BAkit siya tinawag na Atonio, people call him Claude, or Claude Anton, but not Antonio,

“Sus! Hindi mo na ako matandaan? Grabeh Antonio! Lumaki lang ang katawan mo ng ganyan at gumuwapo ka lang, limot mo na ako! Sobra ka naman! Sa naaalala ko nga eh madalas kang manghingi ng papel sa akin nong elementary tayo hanggang nag high school, ang sabi mo sa akin eh wala kang pambiling papel! Hoi!”

Tsk! Ang ingay talaga. Sino ba ito? Hindi naman kasi kagandahan kaya hindi niya matandaan kung sino, elementary hanggang high school? Kaklase niya?

Crush BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon