Pangapatnapu't-tatlo.

1K 69 6
                                    

Pangapatnapu't-tatlo.

Inumpisahan ako nitong hinila pababa.

"No! Please Dylan! Don't trade us!" Pakiusap ko. Pero bingi ito sa mga pakiusap ko.

I thought he's good! Kaya pala hindi rin lubos ang tiwala ko sa kanila!

Hinampas hampas ko ito pero parang hindi niya iniinda.

"Get those two!" Utos niya sa mga kasama niya.

"No Dylan please!"

"Thought she's yours bro?" Rinig kong malakas na tanong ni Uno. Humalakhak pa ito. "For the guns huh you can throw her!"

"Shut up! We've been trying to get guns from that old lady but she won't budge unless we have something for her. And since this people elope from there. I think they are enough to agreed to give us guns. They have a lot but they are so selfish to give us!"

"She's a loss!"

"I can still find girls better than this one!"

What the fuck?! Sinasauli na nga kami minamaliit pa ako!

Hinampas ko ito ng sobrang lakas. Tangina ka!

"Wag mo kami ibalik! Pinahihirapan kami doon!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy sa paghampas. Nananakit na ang kamay ko kakahampas pero di ako tumigil.

"Pinahihirapan din kami ng matanda na yon! At ayaw magbigay ng mga baril kung wala kaming kapalit. So kayo ang ipapalit namin!" Sigaw niya sa akin pabalik na ikinaigtad ko kaya natigil ako sa pagbugbog sa braso nito na umiigting lang sa bawat hampas ko.

"Have I learn early that you are from US I would've traded you fast." Dugtong nito.

Natahimik na lang ako at napasunod sa paglalakad nito.

Akala ko ito na hindi na kami maibabalik sa loob pero mali ako. Babalik at babalik pa rin kami doon. Oo balak namin bumalik para sa mga kasamahan, hindi yong ganitong wala kaming laban. I know wala kaming magagawa ngayon.

Naiiyak na nagyuko ako ng ulo at ikinuyom ang kamao ko. Tangina. Patuloy talaga kaming babalik doon hangga't hindi nawawala ang US. That place should get burn or drag to hell.

Naririnig ko na ang mga ingay sa baba ng pababa na kami sa second floor. Nang makatungtong sa ground floor ng mansion tumahimik ang kaninang maingay na paligid.

Hindi na ako nag-angat ng tingin sa kanila. Patuloy akong yumuko dahil tumutulo na ang mga luha ko.

I can't believe na maibabalik agad kami sa US ng ganito kabilis. Hindi man lang kami inabot ng isang linggo sa labas. Ano 'yon nagsayang ng dalawang buhay para sa saglit na kalayaan? Ano 'yon balewala na lang ang sakripisyo nila Aileen at Michael na patakasin kami dahil sa mga taong 'to! Na tinulungan nga kami ibabalik din naman kami sa kahirapan!

Pigil ang hikbi at tikom ang labi na sumakay ako sa van na nilapitan namin. Hindi na ako nagpumiglas. Para saan? Kung wala rin naman akong magagawa. Magpapagod lang ako. Baka masaktan pa at madamay pa ang anak ko. I'm sorry baby we will be going back to US. Okay din kasi makakasama natin ang Papa mo.

Nakayuko lang ako at tinitingnan ang mga luhang pumapatak sa mga hita ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng sipon ko pero wala akong ginagawa para punasan 'yon. Ayoko malaman nitong katabi ko na umiiyak ako. Isa pa hawak niya pa rin ang isa kong kamay kahit nakaupo na kami. Dalawa lang kaming magkatabi at sa likod na mga upuan na ang iba.

Nagumpisa ng umandar ang van. Mas lalong tumulo ang luha ko. Mas ginalingan ko rin ang pagpigil sa pagiingay.

Napapitlag ako ng punasan nito ang basang hita ko. Hinawakan niya rin ang baba ko at ibinaling ang mukha ko paharap sa kanya.

Left (Season 3): Despair.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon