Kabanata 13

121 59 10
                                    

Kabanata 13: Let the Love Begin

LUMAKI ang mga mata nito matapos marinig ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Sinulyapan niya ito saka lumunok ng laway. Ano ba ang ibig niyang sabihin tanong ni Dianne sa kaniyang isipan. Inilayo niya ang kaniyang mukha sa lalaki dahil sa biglaang pamumula ng kaniyang mga pisngi.

"Baba na ako, ayokong ibigay 'to ngayon. Ayoko." Sambit ni Dianne habang nakatingin sa bintana ng kotse.

"Seriously naniwala ka. Hindi ko rin ibibigay 'tong 10 inches kong ari-arian sa'yo." Pang-aasar ni Ivan.

"Grabe ka babe, saan ba tayo talaga pupunta?"

"Secret!"

"Sabihin mo na babe?"

Paulit-ulit na nagtanong si Dianne kay Ivan sa lugar ngunit paulit-ulit rin siyang siyang sinagot ni Ivan ng "secret." Tumigil ang sasakyan ni Ivan sa harap ng isang salon. Pumasok ang dalawa saka iniwan din ni Ivan si Dianne sa salon. Bibigyan daw nila ng make over si Dianne para sa date nila ni Ivan. Nagbayad si Ivan sa salon ng 50,000 para sa make-up ng babae. Kahit ayaw ni Dianne na magpamake-up ay wala na siyang nagawa dahil andito ns sila.

Umalis naman si Ivan upang mamili ng susuoti niya at susuotin ng kaniyang gf na si Dianne. Pumunta siya sa isang mall upang bumili ng mga mamahaling kasuotan. Nagtanong si Ivan sa isang saleslady tungkol sa pinakamagandang damit na puwedeng suotin ng isang babae. Agad nmang inirekomenda ng saleslady ang isang dress na made up of pure cotton. Binili naman ito ng lalaki saka lumabas sa store.

Habang naglilibot si Ivan sa mall, nakasalubong naman niya ang ex-girlfriend niyang si Stella.

"Hi babe." Bungad ni Stella sa kaniya. Hindi naman pinansin ni Ivan ang babae saka nagpatuloy maglakad. Sinundan naman siya ni Stella saka hinawakan ang kamay ni Ivan ng napakahigpit.

"Babe, why are you doing this to me?" Tanong ni Stella.

"Walang tayo."

"I know that you're using that cheap girl to make me jealous."

"Why would I? Hindi naman na kita mahal eh at sa katunayan nga niyan binilhan ko pa siya ng dress niya para sa date namin mamaya.."

Napatulala si Stella. "Humanda kayo. I will revenge." Naglakad si Stella paalis sa harapan ni Ivan dahil sa inis.

Hindi na lang pinansin ni Ivan si Stella. Kinalimutan niya na lang na nagkita sila ngayon upang hindi masira ang araw nila ni Dianne. Ito ang unang date nila na mag-on sila. Pumunta naman si Ivan sa isang changing room upang magpalit ng kaniyang kasuotan, napakaguwapo ni Ivan sa kaniyang suot. Maraming mga babae sa mall ang napatitig sa kaniya dahil sa kaniyang nakakaakit na ngiti at mukha.

Naglakad si Ivan paalis sa Mall at hindi na lang pinansin ang mga babaeng naglalaway dahil sa kaniyang kaguwapohan.

"Ang guwapo ko talaga, ang suwerte ni Dianne dahil naging boyfriend niya ako." Pilyong sambit nito. Ngumisi ito bago pumasok sa kaniyang kotse. Habang nagmamaneho siya sa kaniyang sasakyan, naalala niya ang unang pagkakataon na nagkakilala sila ni Dianne. Hindi niya lubos maisip kung bakit ganoon sila nagkakilala. Alam niyang may dahilan ang tadhana kung bakit sila nagkakilala sa ganoong pagkakataon.

"Sorry, hindi ko sinasadya." Yumuko si Dianne upang tulungan ang lalaki ngunit wala na siyang nagawa dahil inunahan na siya nito. Pinulot kaagad ng lalaki ang kaniyang mga gamit na nalaglag.

"Are you blind? Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" Sigaw ng lalaki sa kaniya. Hindi makapaniwala ang babae sa inasta ng lalaki. Humingi na nga siya ng tawad pero binalewala lang eto ng lalaki.

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na mabangga ka. Late na kasi ako kaya nagmamadali akong maglakad." Pagpapaliwanag ni Dianne sa lalaki.

"I don't need your fucking reasons. Wala akong pakialam kung nagmamadali ka. Don't be so dumb. Panira ka ng araw! Diyan ka na nga!" Binangga ni Ivan ang babae sa balikat saka nagmadaling umalis.

Bumaba si Ivan sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng salon. Agad bumungad sa kaniya ang isang make-over artist, sinabi sa kaniya na tapos na ang make-over ng kaniyang girlfriend. Pupuntahan na sana niya ang kaniyang girlfriend pero pinigilan siya ng make-over artist.

"Sir, pakiusap po ng inyong girlfriend na hindi ka muna papasukin, kailangan niya munang magpalit ng kasuotan." Sambit ng make-over artist. "By the way Sir, sa sobrang ganda niya'y hindi niyo na siya makikilala." Dagdag pa nito.

"Hindi na ako makapaghintay. Give this dress to her. It will make her more stunning."

Naghintay si Ivan ng ilang minuto. Nagsalita si Dianne na pumikit muna ang lalaki habang siya'y lumalapit sa kaniya. Ginawa naman ito ni Ivan, habang papalapit ang babae sa kaniya, napakabangong pabango naman ang kaniyang naamoy.

Biglang inimulat ni Ivan ang kaniyang mga mata at dahan-dahang napalingon sa babaeng kaharap niya.

"Bakit mo naman kaagad binuksan 'yang mga mata mo, nakita mo na ako tuloy." She said coldly. Napatulala ang lalaki habang patuloy pa rin sa pagtitig sa babae.

"Your almost perfect but." Pabitin na sambit ni Ivan.

"But?"

"May kulang."

"Ano?"

"Ako, sa tabi mo." Tugon ni Ivan na sanhi naman ng malakas na pagtili ng mga make-over artistd.

"Ano ka ba? Nakakakilig na 'yan ah!" Tinapik ni Dianne ang balikat ni Ivan saka napangisi sa harap niya.

Magkahawak kamay silang lumabas sa Salon. Nakangiti silang dalawa habang naglalakad papasok sa sasakyan ni Ivan. Ito ang pinakamasayang araw ng dalawa. Si Dianne ang lubos na masaya dahil ito ang una niyang pagkakataon na magkaroon ng isang tunay na lalaking magmamahal sa kaniya. Hindi man niya nasubukang magkaroon ng boyfriend noon, mas suwerte naman siya ngayon sapagkat nakahanap na siya ng tunay na lalaki. A guy with a warm-hearted heart.

Maghapong namasyal ang dalawa. Pumunta sila sa amusement park at sumakay sa mga makapigil hiningang rides gaya ng roller coaster at mad swing. Kumain sila sa mga nagmamahalan at turo-turong pagkainan. Nanood ng sine habang magkahawak-kamay at kung ano-ano pa.

"Salamat sa lahat babe." Sambit ni Dianne sa lalaki.

"Para saan?" Tanong naman ni Ivan.

"Sa lahat ng ito." Napangiti na lang ang lalaki sa sinabi ng babae. "Ngayon lang ako naging masaya kasama ang lalaking minamahal ko. Sa buong buhay ko'y ngayon ko lang naranasan ito. Thank you, babe!" Dagdag pa niya.

"Walang anuman babe, basta para sa aking girlfriend." Tugon ni Ivan.

Lumipas ang mga ilang araw, mas lalo pang naging matibay ang kanilang pagmamahalan. Araw-araw silang nagde-date pagkatapos ng klase. Kain doon kain diyaan at kung ano ano pa.

Samantala, isang babae naman ang nagbabalak na paghiwalayin ang dalawa. Isang babae na gagawin ang lahat, masama man ito o hindi. Isang pangyayaring guguho sa pag-iibigan ng dalawa.

Sino kaya ito? Ano ang binabalak niya?

-----

Hate You To Date YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon