Kabanata 5

150 61 15
                                    

Kabanata 5: Escape

*IVAN & GUARD CONVO*

IVAN: Ah chief, walang dapat makaalam nito ha?

GUARD: Oo, Sir. Sikreto lang po natin ito.

IVAN: Sige. Sa oras na may nakaalam nito, alam mo na ang mangyayari ha!

GUARD: Opo sir. Ayoko pong mawalan ng trabaho.

IVAN: Sige, makakaalis ka na.

Kilalang maimpluwensya ang pamilya ni Ivan sa lugar, kaya't ganoon na lamang ang takot ng guard na baka ipatanggal siya ni Ivan sa trabaho pag nalaman ng head ng school ang mga pangyayari.

Matapos makausap ni Ivan ang guwardya ay tinungo niya agad si Dianne na ngayon ay kababangon pa lamang. Hinila ng lalaki ang kamay ni Dianne papalabas.

"Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?!" Nagpumiglas ito sa pagkakhawak ni Ivan sa kaniyang kamay.

"Saan pa ba, ihahatid na kita sa inyo." Paliwanag naman ni Ivan sa kaniya.

"Huwag na kaya ko naman magcommute." Pagtatanggi ni Dianne sa alok ni Ivan.

"4:00 am pa lang ng madaling araw, madilim pa, baka kung mapano ka pa."

"Teka?" Agad hinipo ni Diaane ang noo at leeg ni Ivan. "Magaling ka na?! Bumaba na ang lagnat mo." Dagdag niya pa.

"Uhm. Yes." Pagkukumpirma naman ni Ivan sa babae. Napatalon naman sa tuwa ang babae sa binanggit ng lalaki.

"Haysst. My god, buti naman. Akala ko kung napaano ka na kagabi." Agad tumitig si Dianne kay Ivan. "Di ka man lang ba magpapasalamat?" Dagdag niya pa.

"Ha? Ikaw naman may kagagawan non at saka isa pa, baka nga pinagsamantalahan mo pa ako kagabi.. Hinubad mo kaya yung damit ko at niyakap mo pa yung katawan ko." Pang-aasar niya kay Dianne. Sa ekspresyon ng mukha ng babae makikita na nagulat ito.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo? Ikaw? Pagsasamantalahan ko? Hinding-hindi mangyayari 'yon noh! Ginawa ko yun para hindi lumala ang lagay mo!" Paliwanag naman ng babae habang natatawa naman si Ivan sa pang-aasar niya sa babae.

"Oh, bakit masyado kang defensive? Dami agad nasabi." Nakangisi nitong sambit sa babae.

"Masyado ka kasing presko." Padabog na lumabas ang babae sa gym dahil sa inis.

*SA LABAS NG GATE*

Lumabas ang dalawa sa gate ng campus saka pumunta kung saan nakaparada ang kotse ng lalaki.

Binuksan ni Ivan ang pinto ng kotse sa passenger's seat. "Sakay na." sambit niya sa babae.

"Ayoko!" Tugon ni Dianne kay Ivan kaya napilitan si Ivan na itulak papasok sa kotse ang dalaga.

"Sumakay ka na. Ang dami nitong arte." Sambit ni Ivan.

"Aray! Nakakaloka ka, Dahan-dahan naman!"

Agad na pumasok sa kabilang pinto si Ivan pagkatapos makasakay ni Dianne. Lumapit siya kay Dianne upang ilagay ang seatbelt sa kinauupuan niya. Agad naman niyang pinaandar ang sasakyan pagkatapos mailagay ang seatbelt sa kinauupuan ni Dianne.

"Hoy, nga pala. Nakita kita kanina, kausap mo yung guard." Sambit kaagad ni Dianne na parang may gustong tanungin kay Ivan.

"Uh! Yes, why?" Matipid naman na tugon ni Ivan.

"Paano 'yan, nakita niya tayo, baka ma-expel ako niyan." Nag-aalalang tanong ni Dianne.

"Don't worry, everything is under control. Hindi magsusumbong 'yon" Nakangiting tugon ni Ivan habang nagmamaneho.

Hate You To Date YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon