Kabanata 8

139 59 13
                                    

Kabanata 8: I want you!

Kinabukasan

*SA SCHOOL*

LUNCH BREAK nang maisipan ni Dianne at ng bestfriend nito na kumain sa labas ng campus. Papalabas pa lamang ang dalawa nang may isang kotse na tumigil malapit sa kanila. Lumabas ang isang maganda at sexy na babae, mahahalatang isa itong laking mayaman dahil sa postura, pananamit, at maging sa kilos. Dumaan ito sa harap ng magbestfriend.

"Ang ganda niya noh, parang celebrity?" Napanganga na lang si Jennifer habang tinitignan ang babae.

"Oo nga, ngayon ko lang siya nakita rito."

"Baka transferee? Sa tingin mo beshy?"

"Siguro nga. Mukhang anak mayaman." Tugon ni Dianne.

Walang kamalay-malay ang dalawa na ito pala ang ex-girlfriend ni Ivan, 5 months na mula ng maghiwalay sila at narealize na nito na mahal pa niya ang lalaki. Upang muling makipagbalikan, pinili nito na lumipat sa school kung saan ngayon nag-aaral si Ivan. Ang babaeng ito ang unang nakipaghiwalay sa lalaki ngunit hindi pa rin alam ni Ivan kung ano ang dahilan kung bakit gusto niyang makipagbalikan sa kaniya.

*SA GYM*

Naglalaro ng basketball si Ivan at bestfriend nitong si Kyle. Isang babae ang biglang dumating habang naglalaro sila. Ang ex-girlfriend ng lalaki.

"Pre, totoo ba itong nakikita ko?" Tanong ni Kyle habang nakatitig sa babaeng paparating.

"What?"

"Your ex-girlfriend. Narito siya, ayun oh!" Itinuro ng kaibigan niya ang babae. Lumingon naman si Ivan kung saan itinuro ng bestfriend niya. Napatigil si Ivan dahil sa gulat. Lumapit naman ang babae sa kinaroroonan ng lalaki..

"Hi babe, I miss you." Sinalubong ng babae ng yakap si Ivan. Ininalis naman ni Ivan ang mga kamay ng kaniyang ex sa pagkakayakap.

"What are you doing here?" Naguguluhang tanong ni Ivan.

"I called you yesterday and I told you that I will transfer here and from now on, dito na ako mag-aaral. Kasi I miss you na. Didn't you miss me, your babe?" Malandi nitong pagkakasabi.

"Stella, wala na tayo! Bakit mo pa kasi ako sinundan dito?" Sambit ni Ivan.

"Gusto kong ibalik ang dating tayo. Iyong mga araw na ako lang ang babaeng mahal na mahal mo."

"Sorry, pero may iba na akong mahal may girlfriend na ako." Matigas na sambi ni Ivan. Hindi naman makapaniwala si Stella sa kaniyang narinig.

"No! Hindi puwede. Ito na ako oh. Kung ano man ang nangyari dati. Kalimutan na natin 'yon. I love you Ivan. Sino ba 'yang bago mo ha? Mas maganda at sexy ba siya kaysa sa akin?"

"Puwede bang umalis ka na!"

"Okay, aalis ako pansamantala pero hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasa akin ulit. I know. Naguguluhan ka lang, alam ko na mahal mo pa rin ako. See you later babe. Mwah."

Umalis si Stella ngunit hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na tototohanin ng ex niya ang mga sinabi nito na magtatransfer siya sa school kung saan siya nag-aaral.

"Bakit mo naman sinabi na may bagong gf ka na?" Tanong ni Kyle.

"Mabuti na 'yon para tigilan niya ako."

"Ano ka ba, malalaman at malalaman niya rin ang totoo, alam mo naman yung babaeng 'yon at saka sino naman ang ipapakilala mong gf sa kainya. Eh simula ng lokohin ka inya e, wala ka ng ipinalit sa kaniya." Napaisip si Ivan sa sinabi ni Kyle.

"I think, you're right. Pero may naisip na ako pare."

"Oh ano naman 'yan?"

"Basta pare, malalaman mo rin." Nakangiting sambit ni Ivan.

*KINABUKASAN*

Habang magkausap si Dianne at Jennifer.

"Beshy, napapansin ko napapalapit ka na sa lalaking 'yon ah."

"Hindi ah, paano mo naman nasabi?"

"Kasi hindi ba sabi mo, nakipagdate siya sa'yo, tapos siya pa naghatid sa'yo sa bahay niyo, mga ganun."

"Ano ka ba, wala 'yon noh, bumabawi lang siguro 'yon sa mga nangyari noong nakaraan."

"Talaga lang ha? Para kasing iba na eh." Naningkit ang mga mata ni Jennifer habang nagtatanong kay Dianne.

"Anong ibig mong sabihin?" Lumaki naman ang mga mata ni Dianne. Para kasing may pinapahiwatig ang kaniyang kaibigan sa mga sinabi niya.

"Parang mauuwi ata sa ligawan 'yang bawi-bawi na 'yan." Biglang nag-ring ang phone ni Dianne habang nagsasalita si Jennifer.

"Wait lang beshy, sagutin ko lang 'to." Naputol ang usapan ng dalawa nang tumawag si Ivan kay Dianne.

DIANNE: Oh, hello bakit nanaman?

IVAN: Sabay ka sa akin pauwi mamaya.

DIANNE: Huh? Bakit? Ano kailangan mo?

IVAN: Huwag ka na magtanong! Basta hintayin kita sa labas mamaya.

DIANNE: Makautos ka naman, importante ba 'yan?

IVAN: Basta. (Biglang binaba ang C.P.)

DIANNE: Hello.. Hello.

"OH? Anong sinabi?" Tanong naman ni Jennifer.

"Sabay raw ako sa kaniya mamayang uwian, tapos bigla na lang ako pinatayan." Tugon naman nito sa kaniyang kaibigan na parang nangingisay na sa kilig.

"Akala ko ba wala lang yung pagiging malapit niya sa'yo?"

"Ano ka ba, baka naman may importante siyang sasabihin."

Lumipas ang ilang oras at uwian na. Nasa labas ng gate ang lalaking si Ivan at naghihintay.

"Bakit ang tagal mo?" Iritang tanong ni Ivan.

"Excited? Excited? Overtime kami. Nagagalit na naman ang professor namin."

"Dalian mo sakay na, baka maabutan pa niya tayo."

"Sino ba 'yon? Bakit parang nagmamadai ka?"

"Sakay na! Tagal naman oh." Pagmamadali niya kay Dianne.

Sumakay na nga ang dalawa sa kotse.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Mahinahong tanong ni Dianne.

Naguluhan naman si Ivan sa tanong niya. "Huh?"

"Ibig kong sabihin, bakit lagi mo na lang ako niyayaya pauwi tapos nag-date pa tayo." Hindi umimik si Ivan sa tanong niya.

"Bakit hindi ka sumasasagot? Parang ang lalim ata ng iniisip mo?" dagdag pang tanong ni Dianne. Nagtataka si Dianne sa mga sandaling iyon, wari niya'y may kakaiba kay Ivan. Hanggang sa humingi na nga ito ng tulong.

"Please, help me?" Seryosong sambit ni Ivan.

"Wow! Marunong ka palang makiusap? Hahaha. Bago 'yan ah. Hahaha Ano ba 'yon?" Ngumisi si Dianne.

Nasanay na siya sa lalaking ito kaya pinagbigyan niya ito dahil ngayon lang niya ito nakitang seryosong humihingi sa kaniya ng pabor.

"Magpanggap ka na girlfriend ko." May tila kuryenteng nanulay sa kamay niya patungong buong katawan niya matapos marinig ang sinabi ni Ivan.

"Ano?!" Napasigaw na lang ang babae sa sinabi ni Ivan.



-----

Follow

Hate You To Date YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon