Chapter 12: My friend

982 27 0
                                    

-Jasmine's Point of View-

*tok* *tok*

Pareho kaming napalingon sa pinto nang biglang may kumatok. Kaagad akong lumayo sa bampirang yun at nanatiling nakatitig dito. "Come in." Malamig na tugon nung bampira.

Pumasok ang dalawang alagad niya yatang bampira na hingal na hingal. Medyo natataranta din ito at pinagpapawisan. What the hell just happened?!

"Y-you're being called!" Napaluhod na ang mga ito at halatang pagod na pagod. Are they trying to run over something?

Sinulyapan ko naman yung bampirang kumidnap sa akin. Nanlalaki ang mata nito at medyo nanginginig. I-is he scared?

Habang nakatingin ako ay bigla itong tumingin sa akin. Sa isang iglap ay nasa harap ko na siya. Binuhat niya ako at ibinalik sa kama.

"Whatever happens, don't come out. Just hide." I'm amazed that he can hide his emotions. I know he's scared but right now, he looks fine and sound so calm. "What's going on?" Tanong ko.

"Just hide." He looked at me seriously. "Please." Ang kaninang malamig na boses ay napalitan ng pagmamakaawa. What is he doing? What's happening?

Niyakap niya ako na siyang ikinagulat ko. "We won't hurt you, we need you. Please, don't run." Why do I feel like I'm so important to them? That they can't lose me?

Umalis siya sa pagkakayakap at isinuot ang cape niya. "Lucas, Rei, please take care of her." Malamig nitong utos.

Kasabay ng pagtango ng dalawa ay ang mabilis na paglaho nung bampira. In a blink of an eye, he's gone.

"What's happening?" Tanong ko upang basagin ang katahimikan. Nakaupo yung isang si Lucas ata habang nakasandal naman sa pader si Rei habang nakapikit. Minulat ni Rei ang mata niya at lumingon sa akin.

Tinitigan niya lang ako at pumikit ulit.

.

.

.

What?!

"Someone talk to me!" I need answers. "Hey you!" Tinuro ko si Lucas na nahuli ko namang nakatingin sa akin. "Tell me!" Napakamot ito ng batok.

"It's useless, even if we tell you." Medyo nahihiya pa ito at nagkakamot habang nakatungo. "Why is that?"

"What he means is you won't get it, unless you knew everything." How would I? They won't even spill a bean. "Then why don't you tell me?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Umiling-iling ito habang nakangisi. "We can't. He's the only one who can." Matagal tagal din bago ko marealize kung sinong tinutukoy niya. Ano bang meron dun sa lalaking yun at ang taas taas ng tingin nila sa kanya?

"Who exactly is that guy?" Again, they ignored me. How rude.

Wala akong nagawa kundi ang magsaklob ng kumot para hindi makita ang mukha ng dalawang bampirang ito. I mean deaf vampires. Suits them right.

-Luke's Point of View-

"What have you been doing all this time?!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Kami lang ang nandito at nasa labas yung iba niyang alagad na mga bampira.

The fact na pinatawag niya ako means there's some serious issue and I hope I'm wrong.

"Hunting." Matipid kong sagot. I need to be careful. Baka madulas ako at kung ano pa masabi ko.

"Ohhh..?" Iniangat ko ang ulo ko at nakangisi ito. Kasabay ng pagngisi nito ay ang pagtalsik ng malaking bato papunta sa akin.

Tumalon ako sa ere at tumuntong sa bato. Nagdulot ng malakas na ingay ang pagbagsak ng bato.

The Vampire Contract ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon