Chapter 10: Hide and Seek

1.1K 33 0
                                    

-Arthur's Point of View-

Hindi ako makapaniwalang hinayaan kong makalayo si Jasmine at ang bampirang yun.

Pero kahit papaano ay mas mabuti na rin dahil ngayon nakakasigurado na ako kung sino ang kumuha kay Jasmine.

"Hinding-hindi ko to papalampasin, you damn vampire." Bulong ko habang nakaupo sa taas ng puno.

Hatinggabi na at kailangan ko nang makaisip ng plano. Napatingin ako sa baba kung saan nandoon si Logan. Nakapikit ito at mukhang nakatulog.

Sa bagay hindi ko siya masisisi, hinabol pa niya kasi ako bigla na lang ako tumakbo.

Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang mga bituin. Itong gabing ito.. parang walang pinagkaiba nung nakilala ko si Jasmine.

Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit may dugo nung dala nung bampira si Jasmine? Sinong nasugatan?

Si Jasmine o yung bampira? Sana yung bampira, para mamatay na siya. Pero hindi naman kasi ganun kadali. Hindi pa rin ako mapakali. Hindi rin ako makatulog.

Napatago ako sa mga dahon ng puno nang may marinig akong nagsasalita.

Tumago ako sa anino ng mga sanga upang di nila ako makita.

"So he has her, huh?"

"Sana nga.." may halong lungkot sa boses nung isa. ".. this time sana siya na nga.."

Nang makalayo na ang mga yapak nila ay lumabas na ako sa mga dahon.

What's going on? Tinutukoy ba nila si Jasmine? Hindi ako pwedeng makasigurado. Kailangan ko nang makuha si Jasmine sa madaling panahon.

Dahil alam kong may nangyayaring kung ano dito at kailangan kong malaman iyon. Kung ano man yon may kutob ako na may kinalaman si Jasmine dun.

---

-Luke's Point of View-

Nandito kami ngayon ni Jasmine sa isa ko pang hideout. Akala niya siguro isa lang hideout ko.

Hindi naman masyadong malalim ang sugat niya sa ulo kaya naagapan ko agad ito.

Pinapanuod ko lang siya habang payapang natutulog. Hindi ako pwedeng magkamali siya na nga. She's the Chosen One and she herself know nothing about it.

May mga sabi sabi na may isang sinasabing "The Chosen One." Kaming mga vampire ay binihag ng tinatawag nilang 'Dark Lord'. Wala kaming nagawa kundi maging sunod-sunuran lang sa kanya. Wala kaming magagawa dahil ito na ang nakatakda para sa amin. Ngunit hindi naman kami habang buhay na ganito na lamang. We need to find the chosen one. The one who will free us from the Dark Lord. Marami na kaming dinala dito ngunit nabigo kaming mahanap siya. Ilang taon na naming hinahanap ang Chosen One at sa wakas nahanap na namin siya.

Pano ko nalaman kung siya nga? I can, by just one look. Ang Chosen One ay immortal. Noong gabing sinubukan niyang patayin ako, kinutuban na ako.

Noong gabing iniwan niya ako sa ulan, sinundan ko siya pero ito ay hindi lingid sa kaalaman niya. Paano siya nakakalaban kahit halos maubusan na siya ng dugo? Dapat mamamatay na siya nun.

Ngayong kinuha ko siya dahil sigurado na ako na siya nga yun. Besides, I have this feeling that says it's her, like we're somehow connected? 

Pinagmamasdan ko lang siyang matulog hanggang sa balutin kami ng katahimikan.

Just look at her. She needs my bite. Kailangan niyang maalala ang lahat.

Nakaramdam ako ng presensya ng isang tao. Hindi ako gumalaw o lumingon man lang. Kailangan kong paniwalain ang taong iyon na hindi ko siya napansin.

The Vampire Contract ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon