Chapter 6: Killing Time

1.5K 29 0
                                    

-Arthur's Point of View-

"You need to kill vampires every night."

"Wag mo 'tong ipapaalam kay Jasmine. Sa atin lang dalawa ito."

"Bring the vampires in my lab."

Nandito ako ngayon sa taas ng puno. Ayaw pa rin tanggapin ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Logan sa akin. Naguguluhan na ako.

Ano bang kinalaman ni Logan sa mga bampira at kailangan niyang patayin ang ga ito? May ginawa ba siya nung mga nagdaang taong hindi kami nagkita?

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Kill vampires? Wala akong sapat na galit para patayin sila.

Unlike Jasmine. She has a reason. She wants revenge. Justice for her family. Eh ako? Wala. Wala ni isa.

Nagsinungaling ako kay Jasmine. Vampires aren't the one who killed my daughter, it was someone more demonic, Logan. That bastard, I'll kill him. Napilitan lang talaga akong lumapit sa kanya.

Kailangan ko ba talagang sundin si Logan? I mean, oo, niligtas niya si Jasmine pero sapat na bang nagpasalamat ako sa kanya di ba? 

"NO!" napasigaw ako at napasabunot ng buhok. I know what Logan is capable with. He's a psycho. He can do anything! 

Huminga ako nang malalim. Jasmine, I'm doing this for you, not because Logan told me to. I'm going to kill for you.

You are just like my daughter so I will treat you like her. "It's alright." pumikit ako. I'm just going to kill few vampires, right? Not hard.

Napalingon ako sa likod ko nang may marinig akong kumaluskos. Inihanda ko na ang weapons ko.

Inilabas ko ang kutsilyo ko at unti-unting lumapit sa pwesto kung saan may kumaluskos. 

Nagulat ako nang lumabas ang isang squirrel. Seriously?! Muntik na akong atakihin dun ah!

Natigilan ako nang maramdamang may malamig na kung anong bagay sa leeg ko. Hindi ako gumalaw. Sinulyapan ko kung ano yun.

"Shoot." bulong ko. It's a vampire. May hawak itong kutsilyo at nakatutok ito sa leeg ko. Nasa likod ko siya kaya hindi ako makagalaw.

Unti-unting bumabaon ang kutsilyo at nararamdaman ko ang sakit. Grabe, ang sakit. Mabilis akong kumilos at pinaikot ang paa ko sa paa niya dahilan para ma-out of balance siya.

Hinila ko ang damit nito pababa at akmang sasaksakin ko na siya nang bigla niyang pigilin ang kamay ko at itinutok sa ibang direksyon. 

Tumalsik ang kutsilyo ko at kaagad akong lumayo sa kanya. I climbed on a nearby tree. Pinagmasdan ko lang siya. Red eyes. Bloody red eyes. He was tall. Black hair na tinatakpan ang mga mata niya.

Kung lalabanan mo siya sa titigan talo ka na agad. Grabe parang hindi ako makahinga sa tuwing tinititigan ko siya. Lalo na sa mata niya. Isang tingin mo pa lang, alam mo nang may masama siyang balak.

Tumayo ngunit mukhang natapilok siya and again the ground hit his face. Those strings are mine.

Of course, I wasn't waiting earlier for nothing. I was prepared for this. I planned this. Tumayo ang bampira ngunit hindi ito gaanong maayos.

Ngumisi ako. Umepekto. Parang gusto kong tumalon sa tuwa. Hindi napunta sa wala lahat ng pag-aaral ko sa mga bampira. 

Those strings has chemicals. Chemicals that even vampires avoid. It's a type of chemical that isn't harmful to humans but is really dangerous to vampires.

The Vampire Contract ✔Where stories live. Discover now