[40] Secret Admirer

Start from the beginning
                                    

Dumiretso ako sa elevator at katulad ng ibang ordinaryong empleyado ay nakisabay na rin ako sa kanila. Napansin ko ang pananahimik nila nung kasama pa nila ako. They broke off the silence when I fin'lly got off the lift. Natatakot ba sila sa akin?

Bago pa ako dumiretso sa workplace ko ay pumunta muna ako sa restroom. I did my thing... and yeah, I scanned myself on the mirror. Napansin ko rin na dumidistansya sa akin ang mga empleyado na nananalamin din. If they didn't flash a smile to me, I might think that they hate me. I sighed in relief. Siguro, naiintimidate sila sa akin.

My lips tinted with red...

My brows that always in a straight line...

Well, I've changed my sense of fashion through the help of Fifth. Hindi na gaanong maikli ang dress ko.

"It must be my make up," I mumbled and washed my face on the sink. I dried my face up and after awhile, I found myself smiling at my own reflection. Hindi katulad kanina, light na ang make-up ko ngayon. Hindi na smokey ang eye shadows ko. All in all, I looked exactly like myself four years ago. What a relief~

Lumabas ako ng restroom nang nakangiti. I want to win friends. I don't want them to get intimidated by me. Hindi na ako nagtaka nung mapansin ko yung paraan ng pagtingin ng mga taong nakakasalubong ko. It's like they met a new person in me.

"Good morning~" I greeted soon as I stepped inside my department. Napahinto sila at tumingin sa akin. "Sorry pala. Absent ako kahapon..."

Ngumiti lang sila at bumalik na sa pagtatrabaho. Lumapit sa akin yung isa kong employee. "Hi, Miss Rivera. May--"

"Gail nalang," I corrected.

"Uh," mukha siyang nagulat sa correction ko. But I gave her my assuring smile and signal her to go on. "Ano po... May meeting po kayo ng mga team leaders bukas kasama ang mga shareholders. 10AM..."

I beamed. "Nakakakaba. First time kong makakaharap ang mga shareholders. Nakakatakot ba sila?" Umupo na ako sa pwesto ko at hinarap na ang desk ko. Napansin ko naman na naka-steady lang si... Sheila. Right, she's Sheila. "Oh, what's wrong?"

She smiled awkwardly. "Wala po. Nakakapanibago ka lang po ngayon."

Napangiti nalang ako at inasikaso na ang mga papeles sa desk ko. They should get used to me being like this starting today. Ayokong maging aloof sila sa akin kaya sinusubukan kong ibalik ang dati kong sarili.

"Sige na. Get back to your work now," I said to her and mind my own desk. Napansin ko yung frappe sa bandang dulo ng desk ko. Wait, kanino kaya 'to?

"Excuse me..." Napahinto sila sa ginagawa nila at napatingin sa akin. "Whose frappe is this?"

"Ma'am---"

"Gail nalang," I corrected. Nagpalipat-lipat pa ako ng tingin sa kanilang lahat at binigyan sila ng sincere na ngiti. "Call me Gail starting today. Anyway, kanino nga ba 'to? Pakikuha nalang," sabay balik tingin ko sa mga papers sa desk ko.

"Gail, sayo yan."

I stopped and looked up at the one who spoke. I mouthed 'sa akin?' with a hint of surprise. "How come? Hindi naman ako nag-order ng frappe."

"Sayo yan. May nakasulat na pangalan mo, Ma--- Gail," sabi pa nung isa.

Kinuha ko yung frappe at nakita ko nga na may nakasulat na 'Crystal' sa harapan nito. Geez... Kanino galing ito? "Hey, guys. Nakita niyo ba kung kanino galing ito?"

Sabay-sabay silang umiling, yung iba naman ay nagkibit-balikat lang. Napatingin ako kay Sheila na nakatingin sa akin ng makahulugan. I stared at her suspiciously when I saw her look away.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Where stories live. Discover now