Aish! Bwisit! Eh di siya na ang genius!!

After how many minutes..

"Haaay salamat! Ikaw ata ang pinaka last na natapos dun, Alys ah! Hanep! Record holder ka talaga!" Sabi ni Aya. Eh sino ba naman kasi ang chismosa na naghintay sa akin??

"Sorry talaga ha! Eh bakit mo ba kasi ako hinintay?!"

"Eh itatanong ko nga yung nangyari!" Tignan mo 'to! Makikibalita na lang, siya pa ang nagagalit!

Kinukulit niya ako ng kinukulit habang naglalakad kami palabas ng campus. Nakita namin si Sheen, dala dala yung gamit ni Kei! Nagseselos ako!! Pero mabuti na din yun kaysa iyak siya ng iyak. Haaaaaaay. Ang aking kawawang lovelife

"Wag ka na nga kay Sheen. Patay na patay yun kay Kei, hindi ka papansinin nun. Tsaka ayaw niya sa boploks na kagaya mo," sabi niya tapos tinignan ko siya ng masama, "Ano?? Nagsasabi lang ako ng totoo!! Ganun daw ang real friends, nilalait ang isa't isa!!"

Haaay. Tatanda ako ng maaga sa mga taong nakapaligid sa akin eh!!

"So, ano na??"

At dahil nakukulitan ako kay Aya, kinwento ko na sa kanya lahat ng nangyari kanina. At si luka, tawa ng tawa! Sabi ko na nga eh. Pagtatawanan niya ako!

"Hahaha!" Hingal na hingal siya katatawa, "Wait lang! Hahaha! Natatawa talaga ako! Sinabi niya talaga yun? Hanep! Ang lakas talaga ni Drake!"

"Anong nakakatawa dun? Nilait niya ang best friend mo!!"

"Sorry naman," tapos pinunasan niya yung luha niya katatawa, "eh kasi, minsan na nga lang magsalita si Drake, ganun pa yung sinabi. Epic talaga eh!"

"Oo nga naman! Kung ganun lang yung lalabas sa bibig niya, sana wag na siyang magsalita! Kainis!!"

"Oh, wag kang highblood, Besh."

"Sorry, Besh. Naasar lang kasi talaga ako! Sabihan daw ba ako ng panget!! Ako na isang Perez? Panget??!! Ang Drake talaga---"

Napatigil ako sa pagsasalita kasi may kumalabit sa akin, "Alys!!" Sabi niya ng nakangiti.

"Tito Steve?" Tanong ko ng nagtataka. Anong ginagawa nito dito??

"Ah, magdidinner kaming pamilya eh nakita kita kaya bumaba ako. Ayaw bumaba ni Drake eh. Ang batang yun talagaa.."

Tapos tumingin ako sa kotse, nandun si Drake at Tita Katrina, nag uusap. Hmm. Ano kaya yung pinag uusapan nila nung magandang magandang babae??

"Ah, ganun po ba. Okay lang po, ganun talaga si Drake eh. Hehe," sabi ko sabay kamot sa batok. Syempre pa good shot ako!! Hahaha, "oo nga pala, Tito Steve, si Aya, best friend ko. Aya, si Tito Steve, tatay ni Drake," tapos naghi si Aya sa kanya.

"Oh, gusto niyo bang sumama sa amin magdinner?"

"Ay hin--"

"Opo!!" Sabi ni Aya.

Anobanamanyan, Aya! Nakarinig lang ng pagkain eh!!

"Sige, pasok na kayo. Wag kayong mag alala, ihahatid namin kayo before 8? Okay?" 

Pumasok na kami sa sasakyan. Buti na lang at maluwag, kasya kami!!

Si Tita Katrina nasa passenger seat malamang!! Tapos si Drake, ako, at Aya ang nasa backseat. Naka iPod si Drake. Hay nako. Walang magawa. Ang tahimik. Kainis! Bakit ba kasi sumama ako dito?? Naghihirap na ba kami at kailangan ko ng makisabit sa dinner ng may dinner?? Si Aya kasi eh!!

*bzzzt bzzzt*

Biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Aya Luka

Tignan ko si Drake at Tita Katrina, nagtitinginan sa salamin. Hmmm. Fishy.

Tinignan ko nga. Hala! Nagtitinginan nga sila!! Ang fishy!!

Nakarating kami sa resto at nag order! Walangya talaga si Aya! Nag extra course pa! Buti na lang at mabait si Tito Steve!! Next time talaga, hindi ko isasama tong luka na to! Mapagkamalan pa kaming patay gutom eh!!

Wala namang masyadong nangyari. Nagkwentuhan lang as usual. Nalaman ko na ikakasal na din pala sila Tito Steve at Tita Katrina sa October. Ayos! Naging isa pa ako sa abay! Hoo! Gustung gusto ko kasing nagsusuot ng gown eh. Hehehe.

Tapos umuwi na kami. Nagthank you kami kila Tito Steve. Nakakapagod na araw ito!

Matutulog na sana ako pagkatapos kong maglinis ng katawan pero biglang nagtext si Aya.

From: Aya Luka

Besh!! Nung nahulog yung tinidor ko kanina, nakita ko magkaholding hands si Tita Katrina at Drakey Baby mo tapos sa isang kamay naman, si Tito Steve yung hawak!! Something's malansa talaga! Isa siyang malanding isda!!!

Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos dahil sa text niya. (._.)

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon