Chapter 25.! Kamoteng nakaka-utot!Dami kong tawa lagpas 20!

Start from the beginning
                                    

" Tsk.! Whatever."-sabi ng leader na chakang cleong ito, nakoo.!!pag ako di nakapag-pigil di ko pakakainin itong isang ito.

" Aba't.! Nako pigilan nyo ako. Kung hindi masasapak ko itong isang ito."-hirit ni trixie.

" Go on. We won't stop you. Gusto mo itulak ka pa namin papunta sa kaniya."-sabi naman ng sabay-sabay nina thalia, summer at athena.

Napailing na lamang ako sa sinabi nila. (-.- ),( -.-),(-.- )..

" Bukod sa akin, meron pa bang marunong umakyat ng puno?"-tanong ko sa kanila. Gladly, may nagtaas naman ng kamay.

" Okay then, mag-kanya-kanya tayo ng punong aakyatin."- 4 kaming lahat na marunong umakyat ng puno. buti na lang may mga marunong ding umakyat na iba. Kung nagkataon ako lang mag-isang mapapagod at mag-hihirap.

Hinati naman sa apat na grupo. Since 20 kaming lahat na babaeng andirito, 5 every members para mabilis ang gagawing pag-kuha ng pagkain. Inassign ko yung mga babaeng marunong umakyat ng puno as the leader.

Limang coconut tree ang pwede naming akyatin dito at yung isa pa, ako ng bahala doon. Nag-simula na kaming umakyat na apat.

" Girls, be careful ok?"-sigaw ko dahil nga umaakyat na kami ng puno.

" Yes."-sigaw naman nila pabalik.

Ilang sandali pa, nasa tuktok na ako ng buko. Nilabas ko na Ang pocket knife ko at sinimulang putulin ang mga sanga na nag-didikit sa mga buko. Hinulog ko ang mga ito isa-isa. At ng matapos na ako ay tinignan ko ang iba.

Patapos narin naman silang 3 at hinuhulog na lang nila ang mga buko. Nauna na akong bumaba dahil nga may isa pa akong aakyatin na puno. Pag-baba ko ay kinuha naman nina trixie, summer, athena at thalia ang mga bukong hinulog ko at nilagay sa isang tabi.

Hinubad ko na muna ang hoodie ko dahil naiinitan narin ako ng kaunti dahil nga sa ginawa kong pag-akyat. Naka-sando naman akong puti kaya ayos lang naman, Naka-baba na ang iba pa at nilagay narin nila ang mga bukong nakalap nila katabi ng mga bukong nakalap namin.

Ilang sandali pa ay naakyat at nahulog ko na ang mga buko mula sa huling puno, at nag-simulang bumaba na rin.

Binitbit namin ang mga buko pabalik ng tent namin para iwanan na muna doon ang mga ito dahil hassle kung bibitbitin namin ito dahil nga sa nag-hahanap pa kami ng ibang maaaring kainin.

Pagbalik namin ng tent ay gumagawa parin ng matutulugan ang mga lalaki. Busyng-busy din ang mga ito. Umalis na kami ulit ng mga babae at nag-simula ng mag-hanap ulit ng pandagdag sa makakain dahil kulang ang mga yon.

Nakakita kami ng rootcrops o mas kilala sa tawag na kamote. Kumuha kami ng marami-rami, yung kakasya para sa aming lahat.

Pinasobra pa namin para pag nag-kulang ay mag-luluto na lang ulit. Mag-aalas-singko na ng hapon ng maka-balik kami ulit sa tent.

Ng tingnan namin ang mga lalaki ay mukhang patapos narin sila sa mga tent na ginagawa nila. 5 tents ang ginagawa nila. Ang 3 sa tent ay para sa mga babae at ang 2 ay sa mga lalaki.

7 people kada sa isang tent, dahil medyo malaki-laki din ang mga nagawa nila. Magkakasama ulit kami ng girls sa isang tent, may kasama din naman kaming 2 pa. Dahil nga sa 7 people ang katumbas ng isang tent.

Hindi na kami nag-aksaya pa ng oras. Inutusan ko ang mga babae na kunin ang mga nakalap na punong-kahoy ng mga lalaki kanina.

Pinasama ko na rin sina thalia,trixie,athena at summer para mas mabilis ang trabaho.

Lahat naman ay sumunod pwera sa limang chaka na naka-upo sa isang tabi. Nagawa ng makabalik ng mga girls na may bitbit na mga kahoy sa kamay ay di parin kumikilos ang 5 ito.

Empress of the Gangsters.! (COMPLETED)Where stories live. Discover now