"I'm not, baby. Naiintindihan kita. You want to give them the world. Pero ayokong lumaki silang puro materyal ang nasa paligid nila." Paliwanag ko.

Yumuko sya at hinapit ako palapit sa kanya. He shoved his face on my neck.

"Okay, baby... I'm sorry..." Bulong nya.

I hug him back. "It's okay... I love you." I whispered.

"I love you more..." Sagot nya.
Kumalas ako sa yakap nya para matitigan sya sa mga mata.

Kinulong nya sa mga palad nya ang mukha ko at marahan akong hinalikan. He pressed his lips against mine. I want to taste his lips more but he didn't give me the chance. Kumalas agad sya at pinagdikit ang aming mga noo.

Natauhan lang ako kung nasaan kami ng makarinig ako ng mahinang tikhim sa paligid.

"I-I'm sorry sir, ma'am... Sorry po sa istorbo pero umiiyak po ang nga anak nyo." Saad ng saleslady sa amin na dahilan para mapakalas ako sa asawa ko.

Sa kabila ng sobrang pamumula ay dinaluhan ko agad ang mga anak ko. They seem sleepy and hungry kaya agad kong binigay ang bottled milk nila.

I heard Kayden's laugh behind me kaya mas nakaramdam ako ng hiya. My god! Hindi ko man lang naalala kung nasan kami dahil sa halik ni Kayden!

"Baby, stop it!" Pigil ko sa kanya ng humalakhak sya habang hinapit ako sa baywang.

"What? Wala akong ginagawa, baby!"

Umirap nalang ako at binigay sa kanya ang stroller ni Kier. Tinulak ko ang stroller ni Xai palayo sa kanila. I'm so embarassed.

"Baby, wait for us!" Tawag nyang hindi ko pinapansin.

Paglabas namin sa kid's section ay nagdesisyon si Kayden na kumain kami ng lunch sa isang sikat na restaurant doon.

Pagpasok palang namin ay inasikaso agad kami at dinala sa VIP table. They knew Kayden dahil madalas dito mag lunch meeting si Kayden at ang mga investors nya.

Maraming inorder si Kayden para sa amin. Nagrequest din sya ng pagkain para sa kambal.

"Baby, I need to go to the bathroom." Bulong ko sa kanya.

"Nasa right corner, baby. Do you need company?" Tanong nya.

Umiling ako."I can manage. Walang kasama ang kambal."

Tumango sya at hinayaan akong lumabas para hanapin ang cr.

Hindi naman ako nahirapang hanapin 'yon dahil nakita ko agad ang sign kahit nasa hallway pa lang ako.

Pagpasok ko ay pumasok ako sa isang cubicle para umihi. Nasa kalagitnaan ako ng pag-ihi ng marinig kung may pumasok.

"It's him. He's with his wife." Narinig kung sabi ng babaeng pumasok. She's talking with someone pero wala naman akong naririnig kaya siguro ay nasa kabilang linya ang kausap nya.

"I saw him at the VIP room with his kids, Lara. So I'm sure his wife is here."

Kumunot ang noo ko. Pamilyar ang boses nya. Maingat akong tumayo at inayos ang sarili ko habang pinapakinggan ang nagsasalita. I have this feeling na dapat kung pakinggan ang sinasabi nya.

"Of course he loves me. Hindi lang nya maiwan-iwan ang babaeng 'yon dahil sa mga anak nila. But I'm sure he loves me, Lara. I'm so sure."

Hindi ko alam kung bakit biglang parang nanikip ang dibdib ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi nya.

"But of course, my dear Lara... Babawiin ko sya. I own him. Julia Jean own him"

Julia Jean! Sya nga! Sino ang kausap nya? Sino ang tinutukoy nya?

"Ako ang nababagay sa kanya. That girl is weak and scared. Hindi sila bagay. Kayden's mine."
Tuluyan na akong napasinghap sa sinabi nya. Tama nga ako, ang asawa ko ang tinutukoy nya.

How dare her!

"I'll ask him later to see me. I'm sure iiwan nya ang babaeng 'yon para puntahan ako." Ramdam ko ang confident sa boses nya.

"Okay, I'll call you again later, Lara." Paalam nya sa kausap.

Pagkatapos ng sandaling katahimikan ay narinig ko na ang mga yapak nya palabas.

Nanghihinang napahawak ako sa handle ng pinto. My knees are jelly and I feel so drained. Julia Jean's not letting my husband go. Hindi nya titigilan ang asawa ko.

I need to make my move. Kailangan kung gumawa ng paraan para ipaintindi sa kanya na hindi ko kailanman isusuko ang asawa ko.

Lumabas ako ng cubicle at humarap sa salamin.

Namumutla ako at nanghihina.

"Wag kang manghihina, Xherry. Ipaglaban mo ang pamilya mo. Ipaglaban mo si Kayden." Madiing sabi ko sa repleksyon ko sa salamin.

Umayos ako ng tayo at nilakasan ang loob ko. I need to be brave. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay manghihina ako. Hindi ko hahayaang may sumira sa pamilya ko.

Bumalik akong tila walang nangyari. Nadatnan kung pinapakain ni Kayden ang kambal. He's not eating and I know he's waiting for me.

"Are you okay, baby? You don't seem to be okay." Aniya habang sinusundan ako ng tingin.

Umupo ako sa tabi nya. Pinilit kung pasayahin ang mukha ko.

"I'm fine, baby. Medyo pagod lang siguro ako." I smiled weakly.

"You want to go home?" Nag-aalalang tanong nya.

Umiling ako. "It's okay. I'm fine. Kumain nalang muna tayo." Sagot ko sa maligayang boses. I don't want to ruin our day.

Julia Jean is a desperate bitch. Wala akong magagawa sa bagay na iyon dahil 'yon ang gusto nya. Pero hindi ko hahayaang sirain nya ang pamilya ko.

I will not let her. Lalaban ako. I will not be a coward this time. I will fight for my family.

I will fight for Kayden.

When Forever Ends With YouWhere stories live. Discover now