the Court's Player??Whatttttt?!!!

32 0 0
                                                  

“Kumusta ang date niyo?”

Bati ng kuya niya ng dumating na siya sa kanila.

Ang kuya niya talaga kahit kalian ay chismoso. Sabihin ba namang date iyon? Friendly hang-out lang namang matatawag iyon. Pero teka, para ngang date iyon noh?

I mean, nagkasolo kami kanina ni Lennard. Kahit saang anggulo iyon tingnan, parang date na din iyon kung tatawagin. Hmm. Akalain mo iyon? Ang first date nila eh after their “break-up” na?

“Kuya, huwag ka ngang manakot diyan. Ano bang ginagawa mo diyan sa balkonahe? Ang dilim-dilim pa diyan, oh!”

Wika naman niya dito.

“May huhulihin sana akong sawa. Lumilingkis-lingkis kasi sa paborito kong langgam,”

Makahulugang wika nito.

Ang ibig sabihin nun ay huhulihin niya sana sa akto si Len sa paghatid sa kanya. O diba? Iba kung mag-isip si kuya, kailangang matalinghaga talaga. Kung makapagsalita lang naman, parang hindi galing sa Amerika noh?

“Ewan ko sa iyo, kuya! Pasok na ako sa kwarto! Goodnight!”

Paalam niya dito at tumungo na nga siya sa kanyang kwarto.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Lennard's POV

Sumisipol-sipol na pumasok si Len sa bar ng kaibigan niyang si Joshua.

Doon kasi kaagad ang kanilang pinuntahang magkakaibigan pagkatapos ng date nila kanina. Hmm. Date na din namang matatawag iyon diba? They were all in pairs, so date na din iyon.

“Happy mo naman! Ganyan ba talaga kapag makayakap?”

Pang-aalaska ni Caleb sa kanya.

Napangiti naman siya ng maalala ang nangyari kanina. Hindi kasi niya inaasahang yayakapin siya ni Jane nang dahil lang sa gagamba. He was expecting it will be about the ghosts.

“O baka naman dahil malapit siyang makahalik?”

Wika naman ni Joshua.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya ng maalala ang muntikang halik na namagitan sa kanila. Istorbo nga lang iyong staff dun! Wrong timing talaga, oh!

“Umamin nga kayo, nandun kayo sa Haunted Mansion nung pumunta kami noh?”

Panghuhuli niya sa dalawa.

At akalain mo iyon, sabay na tumingin sa ibang direksiyon ang dalawa? Obvious na obvious na guilty.

“Hindi naming alam ang sinasabi mo,”

Pangde-deny pa ni Joshua.

Hmm. Paano nga ba hulihin ang dalawang daga? Ang pakainin sila ng cheese na tiyak na hindi nila matatanggihan.

“So, Caleb, naka-score k aba kang Macy kanina? O baka naman si Macy ang naka-score sa iyo? Niyakap ka ba niya ng makakita siya ng multo dun?”

“Iyon na nga, eh! Niyakap ako pare! Alam mo namang ayaw na ayaw ko dun sa mga liberated. And she was shrieking very loudly. Wala akong magawa kundi takpan iyong bibig niya. Kasi naman sila na nga iyong gumawa ng plano, sila pa iyong nagbubuking sa mga sarili nila.”

Napahawak naman sa noo si Joshua.

Sumirit naman kasi agad si Caleb.  O diba? Para-paraan lang iyan kung paano mahuli ang isang daga at maipasok sa lungga.

“Ahm.. I mean-,”

“Alam niyo, pre, pasalamat nalang kayo at good mood ako kundi tiyak na patay kayo sa akin. Nagawa  niyo pang takutin si Jane.”

Everything I OWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon