(>________<)

89 0 0
                                    

"Uyy! Sistah! Hindi mo man lang sinabi na bf mo na iyong hunk guy na iyon!"

tili ng kabarkada niyang kasing kulit ng lamok, Macy.

Ng mga sandaling iyon ay naka-upo siya sa garden ng campus nila kasama ang mga kabarkada niya na sina Macy Rose Danes, ang kiti-kiti ng grupo, Katie Reyes, ang bookworm nila at paborito ng kanilang librarian, Elaine Mirasol, ang frustrated singer at dancing diva, at ang nawawala sa eksenang si Laila Dominguez na bestfriend niya.

Kalat na kasi sa buong campus ang tungkol sa "relasyon" nila ni Lennard.

Mabuti nga at nagpatangay lang sa agos ang lalaki at kung hindi ay baka napahiya na siya sa buong campus.

"Yeah! Ganyan talaga kapag pretty!" 

pagmamayabang niya sa mga ito.

Hindi niya kasi pwedeng sabihin sa mga ito ang tungkol sa pagiging slave ni Lennard dahil nakapangako siya sa huli.

At hinding-hindi niya ipapako ang kanyang pangako dito.

"At first, hindi ako makapaniwala! I mean, wala sa mukha mo ang pumapatol sa mga katulad ng lalaking iyon!"

wika ni Katie na hindi naman inaalis ang tingin sa librong binabasa.

Pero tumingin naman ito sa kanya ng mukhang ma-feel nito na naging dark na ang aura niya.

Tanong niyo kung bakit?

Hindi ko kasi nagustuhan iyong sinabi niya na parang sinasabi na din niya na alien ang "bf" ko.

"I mean, playboy iyong boyfriend mo. atsaka, hindi ko alam iyon pala ang taste mo!"

"Ganyan talaga seguro kapag true love na. Swerte mo ghurl~~ Nakita mo na ang prince charming ng buhay mo. Kinikilig ako, sheyt!!"

wika naman ni Elain na hinahampas-hampas pa siya.

Okay. Hindi ako abnormal katulad ng mga kaibigan ko.

Normal ako kaya huwag kayong mag-isip ng kung ano-ano diyan.

"Ano bang bago at mukhang nasira na ng tuluyan iyang si Elaine?" 

tanong ng bagong dating na si Laila.

"Well, iyang bestfriend mo lang naman. May bf na gwaping,"

saad ni Macy na dinutungan pa ni Elaine.

"Hindi lang basta-bastang gwaping, iha~ Si Lennard "The Hunk" Suarez!"

"Woooh! Really? Bestie, how dare you! Bakit di mo man lang sinabi sa akin? Bestfriend mo ako pero di mo man lang chinika na niligawan ka ng isang hunk! Grabe! Girl, kaw na! Ikaw na ang reyna ng mga magaganda!''

kinikilig na wika ni Laila.

Napasimangot naman siya sa sinabi nito.

Alam kasi niyang may ihihirit pa ito,

"Bestie, pakilala mo naman ako sa mga barkada ng bf mo. Lalo na iyong si Caleb, ang aking sinisinta!"

Oh? Tingnan mo na? 

May hidden agenda ang lola!

"Crush mo si Caleb Cross? That's gross."

pabalang wika naman ni Katie na sumimangot pa.

"You know him?"

takang tanong niya dito.

"Nope!"

hmm.. mukhang nagsisinungaling ang bruha kasi disgutstong-disgusto talaga ang mukha nito.

Ano kaya ang meron sa dalawa?

Everything I OWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon