Dream Date...

29 1 0
                                                  

“Hey!”

Bati sa kanya ni Spark nang magkita sila sa may harapan ng gate pagkatapos ng klase.

Tumango lang siya dito.

“You look like someone who was forced into doing this.”

“Obvious?”

Wala namang pakundangang sagot niya dito.

“Haha! Iyan ang gusto ko sa iyo, Jane. You say what’s in your mind. You just made it into my crush list.”

“Don’t care. Ano? Alis na tayo? Ayaw kong umuwi ng late sa amin.”

“Okay. Let’s go!”

At ginagap nito ang kamay niya at naglakad.

Wait. Naglakad? Maglalakad lang sila?

Asan ba sila pupunta? Geez. Baka naman mapahamak siya nito, oo.

“Where are we going?”

Nag-aalalang tanong niya dito.

“Huwag ka ng matakot. Sa may park lang tayo. May hinanda ako dun,”

Misteryosong sagot nito sa kanya.

Anong hinanda naman kaya ng lalaki? Sus, pinaghandaan talaga, ha? Edi siya na, siya na ang playboy.

Narating naman agad nilang parke dahil hindi naman iyon gaanong kalayuan. Kitang-kita niya ang mga bata na naglalaro sa swings, mga couples na sobrang sweet na naka-upo sa mga benches. Pero ang takaw-pansin talaga doon ay ang nakalatag na mat at may mga plato tapos basket. May nagpi-picnic yata?

“Come,”

Wika ni Spark at dumiretso na ito dun sa may picnic basket.

Wait. Don’t tell me para sa amin iyon? Ito ba iyong sinabi niyang hinanda niya pa?

“You’re telling me we’re eating here, infront of many people?”

di-makapaniwalang tanong niya dito.

Ngumiti naman ito sa kanya sabay sagot, “Yup.”

Umupo naman ito sa mat at tumingin sa kanya. Parang pinapahiwatig nito na umupo na din siya. Umiling-iling na umupo naman siya sa tabi nito.

“I wasn’t expecting this. Akala ko pa naman ikaw iyong tipo na sa restaurant dinadala ang mg aka-date,”

Natatawang wika niya dito.

“You don’t like it? Pwede pa tayong magpalit ng lugar kung ayaw mo dito,”

Disappointed na wika nito sa kanya.

“No. It’s okay here. I was just caught off guard.”

Sino ba naman kasing mag-aakala na dun siya dadalhin nito? Infairness, sweet naman ang ginawa nito. Pero nakakahiya ng kunti kasi pinagtitinginan sila ng mga taong nandun.

“I brought you here cause I want you to be on my only favourite place in the whole world.”

Napangiti naman siya sa sinabi nito. He’s being sweet and sentimental.

“Alam mo, cute ka din pala. Akala ko puro hangin lang ang lumalabas sa bibig mo,”

Obserba niya dito.

Iyon naman kasi talaga ang unang tingin niya dito. Akala niya hanggang pagpapacute lang ito. May pagka-deep din pala ang pagkatao nito.

“Everybody regards me as a shallow person. Pero hindi naman totoo iyon. Aaminin ko, spoiled ako. Hindi ko naman kasalanan iyon. It’s my parents who didn’t give me enough time that’s why I ended up like this. Sabi nila swerte ako sa parents ko, but I’m not. Mas swerte pa nga sila dahil may time ang parents nila para makipag-bonding o alagaan sila. Ako? Wala.”

Everything I OWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon