"Ammom insan,adda kano engkanto dita uneg ti dakkel a balay esunga awan ubbing nga map-mapan." (Alam mo pinsan may engkanto daw diyan sa loob ng malaking bahay kaya walang batang nagpupunta." Biglang sabi ni Cheena ng mapansin na kanina pa ako nakatitig sa lumang mansion.

Because of that nacurious ako kong totoo bang may kakaiba sa mansion kaya nagdesisyon akong pasukin ito. Nakita ko namang umalis iyong caretaker at baka mamaya pa babalik. Sabi din kasi ni Cheena na wala daw nakatira diyan at hindi rin naman nila kilala iyong may-ari. Alam kong masama at bawal ang gagawin ko pero may malakas na puwersang humahatak sa akin na gawin iyon. It's my curiosity by the way.

Takot na takot ang dalawang pinsan kong pumasok kaya sinabi ko na lang sa kanila na maghintay sa labas.

"Sumigaw ka nang malakas kapag bumalik iyong caretaker okay?" Sabi ko kay Jonas na agad tumango. Nilingon ko naman si Cheena na bakas sa mukha ang pag-aalaa.

"Bumalik na lang kaya tayo sa bahay ni Lola, saka dumidilim na oh." Cheena said while looking back with a worried face.

"Magtago na lang kayo sa punong iyon, hintayin niyo ako, mabilis lang ito promise." Sabay turo ko sa puno ng mangga tsaka tumakbo at dali-daling inakyat ang may kataasang gate na gawa sa bakal.
Wew, buti na lang magaling ako sa pag-akyat at mataas ako tumalon. Member ako ng judo team sa aming school at kasali sa gymnastic.

Patalon akong bumaba at namangha ako ng makita ko ang loob. Grabe ang lawak ng bakuran.
"Pero mabuti na lang at walang aso." Naibulong ko bago tumingala sa mansion na napakaganda kahit luma na. Then suddenly my chest tightened.

"Ano itong nararamdaman ko? Bakit parang pamilyar ang lugar na ito?" I asked myself. Napabuntong-hininga na lang ako nang wala akong maisagot sa sarili kong tanong at nagpasyang maghanap ng daan upang makapasok ako sa loob. Luminga-linga ako pero wala akong ibang makita bukod sa pintong nakasara. Nilapitan ko iyon. Well wala naman sigurong masama kong umasa ako na hindi ito nakalock diba? Hinawakan ko ang door knob at pinihit.

Krrrrttttekettteket!
"Yes ! Bukas! " Napasigaw ako pero ng makita ko ang loob ng mansion ay lalong sumikip ang dibdib ko.

What is this feeling? Bakit nasasaktan ako?
Iyon ang mga tanong sa isipan ko noong nakapasok ako sa mansion. Alam kong ito ang unang beses kong nagpunta rito pero bakit napakapamilyar ng buong kabahayan. Para bang dati na akong nakatira dito pero napaka imposible naman niyon.

I continue to wonder inside at napagpasiyahan kong umakyat sa mataas na hagdan papunta sa 2nd floor. Grabe kahit luma na itong hagdan halatang matibay at mamahalin ang mga ginamit na mga materyales. Actually pati ang buong kabahayan.bLahat din ng gamit ay halatang antigo at hindi basta-basta. Good thing I did not intrude here to steal anything. Gusto ko lang makita ang itsura ng lumang mansiyon.

Napatigil ako sa huling baitang ng hagdan ng makita ko ang isang painting.

Gosh! Napatakip ako ng bibig.
Ang hot at ang gwapo kasi ng lalaki na nasa larawan. Unti-unti akong lumapit sa nakakwadradong painting at pinakatitigang mabuti ang obrang naroon. Iyon lang ang nakasabit na painting na nakikita ko sa buong bahay pero sobrang agaw pansin. Binasa ko ang pangalan na nakasulat sa taas.

Rafael A.P

Napangiti ako sa nabasa ko. Maybe that's the name of this gorgeous guy na serious pero malakas ang dating. Yes wala siyang kangiti-ngiti pero ang daming emosyon na nakapaloob sa kaniyang itim na itim na mga mata. Napatitig ako sa mga labi niyang manipis at parang kay sarap hal------
Erase! Erase! Grabe,trese pa lang ako pero ang pervert ko na.
I kennat!!
Napabalik na lang ulit ang tingin ko sa mga mata niyang kasing itim ng gabi.
Then that feeling again. I feel like I was being stab directly into my heart.
Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin parin sa mga mata ni Rafael. Para akong mahihilo at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Dug dug dug dug dug dug dug

"What is this feeling? And who are you Rafael A.P?" Mahina kong sabi.
Iniiwas ko ang tingin ko sa mga mata niya dahil para akong hinihipnotismo. Tinignan ko ang ibaba ng painting at nahagip ng mga mata ko ang tatlong letra na nagpakunot ng aking noo.

"Ito siguro ang taong nagpinta, ang galing naman niya." Anas ko at binasa ang initials na nakalagay sa ibaba.

A.S.V

Napakapamilyar din ng painting na ito pero ngayon ko lang naman nakita.

"Sino ka?" Tanong ng isang boses
sa likod ko na gumulat sa akin.
Shit patay ako nito! Huli ang kagagahan este kagandahan ko!
Hindi muna ako lumingon dahil duhh alam kong si manang caretaker na ito. Diko man lang namalayan ang pagdating niya..Lagot ako nito.

End of flashback

Grabe akala ko talaga katapusan ko na noong mga panahong iyon kaya nagulat ako ng paglingon ko ay biglang natigilan iyong babae. Lumapit din siya sa painting at inalis ito sa sabitan. Nagulat din ako ng sabihin niya na 1763 pa nagawa ang larawan na iyon. Nalungkot pa ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko na walang iba kundi si mama. Kaya hindi na naituloy ni manang Uring, iyong caretaker, ang kaniyang sinasabi tungkol sa misteryosong lalaki. Hingi ng hingi ng tawad si mama kay manang Uring ng gabing iyon.

Pero ang ikinagulat ko sa lahat ay noong may ibinulong si manang Uring sa akin noong palabas na kami ng bahay.

"Balik ka dito kapag nasa wastong edad ka na binibini."

Kaya ngayon ay heto ako nag-eempake dahil curious ako sa sinabi ni manang Uring. Malakas kasi ang kutob ko na may kinalaman ang gwapong lalaki na nasa painting kaya niya ako pinapabalik.

Back in 1763Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon