03/4🖤❤️

12.5K 226 3
                                    

Akala ko pa naman... pag natapos na namin yong punishment ni kuya eh... magiging okay na kami.
Well, akala lang pala. Dahil kinabukasan, pinatawag kami sa Principal's Office with our adviser. Yeah, that's my evil older brother. And yeap! Si Principal mismo ang nagpatawag sa amin. Oh no! Bakit naman kaya?

" Ma'am Principal, pinapatawag nyo daw kami? May kasalanan nanaman bang ginawa tong mga estudyante ko? " kuya asked.
The Principal looked at him with a teary eyes.

" Mr. Park, hindi mo ba talaga alam? Hindi mo ba talaga alam ang ginawa ng apat na yan?! "
she said sabay tingin ng masama samin. My gosh, she look scary.

" Miss Park! Ano nanaman ba to?! Ano nanamang kapasawayan ang ginawa mo at dinamay mo pa tong mga kaibigan mo huh?! " sermon ni kuya sakin.

Jusko po, heto nanaman sya🙄 Type na type nya akong sungitan at sermunan. What a vicious goldfish!

" Magsalita ka! I'm talking to you Miss Park! " he added.

Napayuko na yong tatlong kasama ko. I'm sure, natatakot na tong mga to. Pero teka nga lang... why me? Why me again? What did i do wrong? Ni wala nga akong kaalam alam sa nangyayari.

" Wait... bat ako? Ano bang pinagsasasabi ninyo? Wala naman kaming ginawang masama. Ni hindi nga namin alam kung bakit kami pinatawag dito eh. Porket may mali, ako agad?! Daebak! " i said, chuckling in disbelief.

Pati si kuya biglang naguluhan. Hindi rin nya alam kung bakit pati sya pinatawag.

" Ma'am Principal, what are you talking about? Bakit nyo ba kami pinatawag? At ano bang kasalanan ang ginawa ng apat na to? " kuya asked confusedly.

" Hindi nyo alam? Hindi nyo ba talaga alam?! Wala ba talaga kayong alam huh?! " the principal started to panic. I mean... angry?

" Eh Ma'am Principal, hindi nga po namin kasi alam. As in, wala kaming alam okay? Tapatin nyo nalang po kasi kami, no more drama. Wag na pong paulit-ulit. Go Ma'am! Makikinig naman po kami. " i sarcastically said.

" Oo nga Ma'am. Ano po bang kasalanan ang tinutukoy nyo? " Just agreed. Also confused in the same time. Well, we are all confused!

Nagulat nalang kami ng biglang humagulhol ng iyak si Principal. As in, parang batang inagawan ng lollipop? We could only looked at her in silence with our eyes wide open. What the hell is wrong with her?

" Ma'am Principal, what's wrong? " kuya asked worriedly. Wow, buti pa sya.

" Eer.. Ma'am, nangyari? " Yeong asked too.

" Huwaaaaaa! Huwaaaaaa! Yong garden sa likod ng School.... huwaaaaa! Y- yong garden ko sa likod... huhu wala naaa! Wala na yong garden ko, wala naaa. Huwaaaaa! " pagtangis nya. We could only looked to each other in confusion and suddenly...

" Garden sa likod? "
i murmured. At bigla kong naalala ang nangyari. Opsie! Sarry😊

" Ano bang nangyari sa garden nyo sa likod? " kuya asked, still confused. Well, pinalinisan mo lang naman samin hehe.

" Huhuhu... yong garden ko sa likod wala naaa! " patuloy parin nya sa pagtangis.

" What do you mean? Paanong wala na? " kuya asked again.

The Principal suddenly seat up properly, fixed her crying face, wiped her tears and looked at us sharply. What the hell was that? Napayuko nalang kaming apat.

" Mr. Park, yang apat na estudyante mong yan... pinatay lang naman ang garden ko. Alam mo ba kung anong ginawa huh?
Binunot lahat ng damo! Pati mga halaman ko dinamay din nila! Yong mga bulaklak kong galing pa sa America, wala na. Right, wala ng natira ni isa! Yong mga herbal plants na 3 years kong inalagaan, wala narin! At yong mga puno ng malunggay at mangga, wala naring mga dahon at bunga! Puro sanga at ugat nalang ang natira! " she became emotional again.
" Ang linis eh... malinis na malinis Mr. Park. *sniff* Wala talagang makikitang basura ni isa. Dahil puro lupa nalang ang natitira huwaaaaaa!!! " saka siya muling humagulhol ng iyak.


Aww, she loves the garden so much. How sweet! But seriously.. hindi namin alam kung matatawa kami or matatakot. Basta ang alam ko lang.. kuya glared at me. As in, death glare. Can i run now?

[Under REVISION] The Naughty Sang'gre (In The Human World)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant