Gakuwesaribigin

Magsimula sa umpisa
                                                  

Ngumiti lang yung babaeng yun sabay kumuha ng tissue.

"Sabi ko ang babaw. Pero-" 

"Oo nga. Kung siguro... Kung hindi ako yung nagustuhan niya-" 

"Pero inaway niya ako. Sabi ko, ngayon lang siya naging ganon kabaliw para sa isang babae."

Tapos tiningnan ko siya.

"You both love each other so much, don't you?"

Sinuot niya yung shades niya at ngumiti. Pero sa ilalim ng shades niya ay mga tumutulong luha na hindi ko alam saan galing. Hindi ata siya nauubusan.

"Opo..."

At iyon. Nag-umpisa nanaman umiyak yung babaeng yun. Isang parte sa akin naiinis. Naiinis na wala akong magawa para sa kanilang dalawa.

Kilala ko si Mark kahit magkalayo kami ng kinalakihan. Seryoso siya. Siya yung tipong di mo maisip na magkaka-girlfriend o magkakagusto sa isang babae.

Umalis yung girlfriend niya, lumayo papunta sa akin-sa tao. Nakita ko siyang pumunta sa ibang lugar.

Bakit kaya hindi ganito si Rina?

Napabuntong hininga ako.

"Minsan, nagtataka ako kung alam ba ng mga namamatay kung mamamatay na sila." 

"Ano pong ibig niyo sabihin?" 

"Ito."

Nilabas ko yung notebook na pinakita sa akin ni Mark isang araw bago siya... Mawala. Nakita ko yun sa kwarto niya habang nagliligpit ako isang araw ng mga gamit niya.

"Diary?" 

"Hindi. Dictionary ata." 

"Para saan?"

Binuklat niya yung maliit na notebook. Bawat pahina may nakasulat na salita na ako mismo hindi alam kung anong ibig sabihin.

"Koi no yokan..."

Tapos nilipat niya yung pahina.

"Toska..."

Tapos nilipat niya ulit...

"Pochemuchka..."

Nilipat niya ng nilipat.

May mga blankong pahina pa rin pero patuloy pa rin siya sa paglipat. Tapos dumating siya sa ikatlo sa huling pahina.

"Bakit ito wala pong salita?" 

"Basahin mo."

Nababasa ko mula sa kinatatayuan ko yung nakalagay. Ayos lang naman dahil nabasa ko na noong pinabasa to sa kin ni Mark.

"Pakiramdam... Na gusto mo... Gawan ng kwento... Ang sarili mong kwento... Ng pag-ibig..."

Napabuklat siya dun sa ikalawa sa huling pahina nung notebook, tapos nilipat niya sa huli. Sulat ata yun ni Mark na hindi niya pinakita sa kin. Matagal din binasa nung babaeng yun yung sulat.

Tapos nagulat ako nung...

Bigla siya humagulgol.

Hinayaan ko lang siya...

Dahil yun lang ang matutulong ko sa kanila.

Sumandal siya sa kin na akala mo matagal na kaming magkakilala. Hindi pa ako nakakahawak ng babae kahit kalian-maliban kay Rina.

Nalaglag niya yung notebook na gusto ko pulutin pero hindi ko magawa dahil nakasandal siya sa kin.

"Anni-anniversary... Gift?! Bakit ganon... Pinapaiyak niya ako kahit wala na siya?!"

GakuwesaribiginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon