Chapter 11: Eigengrau

148 9 5
                                    

Eigengrau

(png.) Madilim na kulay abo na nakikita ng mata sa dilim


At dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko, sinabi ko 'yon sa barkada ko noong high school nang nagtipon-tipon kami na parang kulto. At ang reaksiyon nila? Sangkatutak na malulutong na mura na may bahid ng saya para sa 'kin. Binati ako na akala e maga-asawa na ako. Kinonyotan ko sila isa-isa.

"Hindi ko pa nga girlfriend, ano ba! Gusto ko pa lang. Isa pa . . ."

Isa pa, 'yung kapatid ko.

Hindi ako pinapatulog ng katotohanang kaya kami nagkita ay dahil sa namatay kong kapatid. Kaya ako napalapit sa kanya ay dahil sa takot niya sa ulan na nakita niya noong namatay si Mark.

May mga araw na pinipigilan ko ang mga nararamdaman ko, pero kapag pinipigilan ko, lalo ko lang siya hinahanap. Kapag hindi ako tatambay sa org, magte-text naman siya kung tatambay ako. Ako naman 'tong gago na sasagot, kaya lalo lang ako napapalapit sa kanya. Ang masagwa pa ro'n, halata pa yata ako.

Pahamak kasi 'yung pagkatao ko. Di ko napansin na dati, hindi ako umiimik kapag tinutukso kami ni Anna sa org. Pero ngayon, bigla raw ako nagiging defensive. Ni hindi ko nga nararamdaman 'yon, e.

Lumipas ang birthday niya, ang katapusan ng Pebrero, ang umpisa ng Marso, at ang katapusan ng isang sem . . . pero hindi pa rin nawawala.

Pagdating ng "final rites" namin sa org, pumunta kami sa isang lugar na naka-blindfold at maraming pinagawa—hindi ko na kailangan isa-isahin. Nang tinanggal na ang blindfold namin, binati kami ng mga miyembro at nakatanggap ng sunod-sunod na yakap. Pero isa lang ang hinanap ko.

"Ulysses," sabi niya, "congrats."

Ngumiti siya at yinakap niya ako. Tinukso kami, at kinikilig lahat ng tao sa paligid namin. May tumugtog ng "Bakit Ngayon Ka Lang?" na rock version, at may mga humiyaw. Siya, niyakap lang niya ako na parang wala siyang narinig.

Nag-iinuman 'yung mga tao sa paligid, pero ako, nakatingin lang at sumasama sa videoke kahit wala talaga akong talento sa pagkanta. Habang kumakanta ako ng "Picha Pie" ng Parokya ni Edgar, bigla na lang ako hinila ng mga tao papunta sa isang kuwarto na walang ilaw. Di ko alam kung bakit. Sira yata 'yung bombilya.

Mula sa liwanag sa labas ng kuwarto, nakita ko na may taong nakapiring—si Anna.

"Tigilan niyo ko, mga gagsi!" sigaw ko. "Tangin—"

Pero wala, tinulak nila ako papunta sa kama at tumalbog ako ng ilang beses bago nila naisara 'yung pinto. Ang tanga lang ng pinto kasi nasa labas 'yung lock.

"Mga gago—"

"Ulysses?"

Narinig niya 'yung boses ko.

Wala akong makita dahil nga sobrang dilim. Isa sa mga natutunan ko kay Mark ay ang pumikit kapag masyadong madilim. 'Tapos, saka dumilat ulit.

Nang ginawa ko 'yon, doon ko nakita si Anna na parang tuldok-tuldok—di ko maipaliwanag. Basta nakita ko kung saan siya nakapuwesto, pero hindi ko siya nakita talaga.

Naramdaman kong gumalaw siya. "Tinanggal ko lang 'yung blindfold."

"Saan ka?" tanong ko. "Di kita masyado makapa—"

"Andito."

Naramdaman ko 'yung sobrang lamig niyang kamay na parang kakalabas lang sa freezer. "Ang lamig mo," komento ko.

"Aircon."

Tapos may katahimikan.

Ano ba dapat ang gawin namin sa madilim na kuwartong 'to? At talagang piniring pa si Anna.

Gakuwesaribigin (Book 2 of the Gaku Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon