"Halika na! Kain na tayo!" Mabilis na pagpapalit niya ng mood, mula sa sobrang seryosong Taehyung sa isang sobrang jolly na Taehyung. Apaka weird.

Nasubuan na niya ako at lahat pero hindi pa rin mawala sa aking isipan ang kanyang katagang binitawan.

Ano ba ang ibig sa bihin nun?

Well baka naman pinagtritripan niya lang ako?

Pero hindi mukha talaga siyang seryoso nung sinabi niya na yun.

"Ang lalim nanaman niyang iniisip mo." Pagaangal niya sa akin habang naglalakad na kami pauwi. Ihahatid daw niya kasi ako sa apartment ko. "Sige ka kapag nadapa ka pagtatawanan lang kita saka kita tutulungan."

"Wow ha. Salamat naman." Sarcastic kong sagot sa kanya.

"Aba dapat mo lang ako pasalamatan noh." Mayabang na sagot niya sa akin. "Malayo pa ba tayo?"

Tumawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako tumawa pero yun ang nagawa ko. "Sabi ko sayo eh wag mo na ako ihatid." 

"Eh. Bakit ba?" Pagrereklamo niya sa akin. "May gusto kasi akong patunayan." Dagdag niya.

"Huh? Gustong patunayan? Andami mo na ngang napatunayan sa buhay mo eh." Sabi ko sa kanya. Meron pa ba siyang mapapatunayan? Kpop idol na nga siya eh. May hihilingin pa ba sya porket dun?

Sumeryoso ulit ang kanyang mukha, tumingin siya sa malayo at saka bumuntong hininga. "Mayroon pa akong gustong patunayan." Huminto siya sandali at saka inilapat ang kanyang tingin sa aking dalawang mata na agad naman nakapagpaiwas sa akin. "Gusto kong patunayan kung kaya ko." Huminto ulit siya.

Magkunwari na lamang tayong hindi siya pabitin ng sobra sobra.

"Gusto mong patunayan na?" Pagtatanong ko sa kanya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi upang maiharap ako sa kanya. "Gusto kong mapatunayan kung kaya ko bang maglakad ng malayo." Pagkasabi niya nun ay agad siyang humagalpak sa tawa.

I gave him an annoyed look at saka ko siya pinaghahampas sa dibdib. "Sira! Baliw! Alien ka talaga kahit kelan!" Sigaw ko sa kanya. Hindi pa rin ako huminhinto sa kakapalo sa dibdib niya.

At ang mas nakakainis pa ay hindi man lamang siya natinag sa kakatawa niya.

"Alien!" Pangiinis ko sa kanya at saka ako tumakbo palayo.

Hmp. Nainis niya lang akong alien siya.

"Huy! Gabby! Sandali lang! Wag mo naman ako iwan!" Sigaw niya sa likod ko pero maririnig mo pa rin sa kanya yung mga tawa niya.

Aish.

Lakas mantrip eh.

Imbis na huminto para hintayin siya ay mas binilisan ko pa ang takbo pero sadyang matangkad lang talaga siya at inabutan niya ako.

"Sorry Gabby pero wala ka atang kawala sa akin." Natatawang sabi niya ng mahabol niya ako.

Syempre nagmaldita muna ako ng konti at hindi siya pinansin kahit kapansin pansin naman talaga siya.

"Gabby." Malambing na sabi niya sa pangalan ko.

Ayoko talaga sa pangalan ko pero bakit kapag siya na ang nagsasabi parang sobrang ganda na tuloy?

"Uy. Gabby. Wag naman ganito oh." Sabi niya. "Nasasaktan ako." Dagdag pa niya.

Ano daw?!

Agad naman akong napalingon sa kanya ng may nakakunot na noo.

Biglang niyang ipinakita sa akin ang kanyang rectangle na ngiti. "Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh." Pagkasabi niya nun ay agad niya akong niyakap ng mahigpit.

Nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa ikinilos niya.

Tama ba ang nakikita ko?

Niyayakap ba niya talaga ako?!

Hindi ba ako naghahallucinate?!

Hindi ba?

Pasimple kong kinurot ang braso ko. "Aray!" Sigaw ko agad ng manuot sa akin ang sakit at ang katotohanang hindi ito panaginip.

"Hala? Bakit?" Pinakawalan ako ni Taehyung sa kanyang yakap at saka ako hinawakan sa aking dalawang balikat at tiningnan kung ano ang mali sa akin. "Masyado bang mahigpit ang pagkakayakap ko?" Tanong niya.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Eh bakit ka umaray?" Tanong niya sa akin.

"Kasi totoo nga na nangyayari sa ating dalawa ito."



HI! AFTER 123456789 YEARS.

LMAO. 



typographical error •kth• [✓]Where stories live. Discover now