error#3

72 8 135
                                        

HI GABBY!

KAMUSTA RESEARCH?

LOL.

MEDIAS FROM llzhn_48

STEAK HOUSE

"Ang layo naman ng steak house na pupuntahan natin?" Tanong ko sa kanya habang hinihingal na sa kakatakbo.

"Malapit na tayo." Sabi niya ulit.

So pang ilang beses na ba niya yang nasabi yan?

Mga fifteen na siguro.

"Kung sobrang layo naman pwede namang mag bus na lang diba?" Sabi ko sa kanya.

"Mahal mag bus." Sabi niya at saka hinila nanaman ako. "Wala akong beep card."

I gave him a smug look. "Really?"

"And besides andito na tayo." Sabi niya ng may malawak na rectangle na ngiti sa kanyang labi.

Hay sa wakas!

"Dali halika na sa loob!" Excited na excited niyang sigaw sa akin.

Magkunwari na lang tayo na hindi siya sobrang isip bata.

Gwapo naman palampasin mo na.

Ganyan ka naman lagi eh kapag gwapo papalampasin mo na agad.

"Huy! Gabby! Tulala ka naman." Sabi ni Taehyung sa akin at saka pinitik pitik ang daliri niya sa harap ng mukha ko. "Medyo malalim ata ang iniisip mo. Nakapasok na ako ng steak house wala ka pala." Medyo malungkot na sabi niya sa akin.

Ako lang ba o nagpapacute talaga siya sa akin?

Ako lang ba o talagang nagwork yung pagpapacute niya?

Damn. You are definitely fcked up.

Agad din naman kaming nakaupo ng makapasok kami sa loob ng steak house. Si Taehyung na ang umorder para sa aming dalawa dahil baka daw mamaya sobrang mahal ng oorderin ko.

"Magkunwari na lang tayo na wala kang pera." Sabi ko sa kanya at saka ininom ang tubig na nasa harap naming dalawa.

Nakapagtataka isa lang ang basong tubig na ibinigay sa aming dalawa

Wag mong sabihin sa akin na pang isang tao nanaman ang inorder niya para sa dalawang tao?

Jusko po. Tulungan niyo ako.

"Kung iniiisip mo na pang isang tao lang ang inorder ko." Huminto siya sandali at saka ininuman ang baso na nainuman ko na. "Tama ka." Sabi niya at saka siya tumawa ng malakas.

Oh no.

Should I leave now or what?

Ako lang ba yung babaeng hindi na-turn off sa kanya? 

Bumuntong hininga na lamang ako at nagbigay ng isang derp face dahilan para pisilin niya ang magkabila kong pisngi.

"Cutie!" Sigaw niya agad habang ako ay walang tigil sa kakapalo ng malakas sa magkabila niyang kamay na ngayon ay namumula na.

Hindi ko lang alam kung bakit ayaw pa niya akong bitawan.

Ayaw pa niya akong bitawan kahit nasasaktan na siya.

LOL.

Pero mas ikinagulat ko ang inilabas ng kanyang bibig. "Kahit masakit hindi ako bibitaw basta para sayo." Nakatingin ang kanyang dalawang mata sa akin.

Wala akong naisagot sa kanya dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin bute na lang at nailigtas ako ng pagdating ng pagkain namin.

I was saved by the food and I thank food a lot because of that.

typographical error •kth• [✓]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora