CHAPTER 46

693 23 1
                                    

Christian's

"Ian..."

Nagtataka ko siya tiningnan at saka niya yun sinundan ng tawa. "Tita Vel told me na gagaan daw pakiramdam mo kapag ayun ang itatawag ko sayo. I guess tita is right." at saka ulit siya tumawa.

I look away with disappointment. Tss, akala ko pa naman nakabalik na ang alaala niya. Nilingon ko ulit siya pero nakadiretso na ang tingin niya sa dagat.

"Ian~" narinig kong sigaw mula sa malayo kaya napalingon ako sa kabila. I just saw Avery calling us and it seems like kakain na.

"Lez, kakain na daw. Tara." I said at saka ako tumayo. Inabutan ko siya ng kamay niya at hinawakan niya bilang pagtayo niya.

Kasalukuyan kaming sabay-sabay na kumakain sa isang seafood restaurant. Sa kalagitnaan ng kinakain namin, nakaagaw ng atensyon ang kinikilos ni Lez noong sinerve siya ng isang waiter ng crab soup. She intentionally na inilayo ang soup mula sa kanya to prevent herself from taking from it. Bigla kong naalala.

"Do you now remember na allergic ka sa crab?" I asked her pero tiningnan niya lang ako with those curiosity eyes.

"No. I feel like na parang ayaw ko siyang kainin. It's also like na parang tinatanggihan siya ng bibig ko." she answered at saka siya nagpatuloy sa pagkain niya.

Napatingin ako kay Eljon. "Atleast her body remembers." he said at saka niya ulit tinuloy ang kinakain niya.

Tinuloy namin ang tahimik namin pagkain hanggang sa si Avery na ang nagbasag ng katahimikan sa pagitan naming lahat.

"Christian, not to offend you, ano na ang nangyari kay Albea?" she asked na ikinagulat ko talaga. Albea is one of Lez's nightmares. Nagiisip ba siya? Nakita ko naman masama siyang tiningnan ni Eljon. I cant just be quiet. Lez might think na naging importante si Albea sakin which is not.

"She's okay. Kinuha na niya ang anak niya papunta sa America. I let them go at iniwan na niya talaga ang Emilia. It seems like wala na siyang balak balikan pa ito." sagot ko at saka ko tinuloy ang pagkain ko. She should stop or els--

"Aren't you going to find her and---" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil hinatak na siya ni Eljon paalis ng lamesa. That was very inappropriate.

Nilingon ko si Lez na kitang-kita sa mata niya na nagaalala siya. Hinawakan ko ang kamay niya to calm her. "Don't worry. It's nothing worst. Kumain ka na." saka ko siya ningitian. Ngumiti naman siya pabalik.

Kakalabas lang namin ng restaurant and I told Adrian na tatawag muna ako sa Emilia. I just watched Adrian escorting Lez papasok sa loob ng hotel. I decided na pumunta nalang sa rooftop para mataas ang signal. Mabilis akong nakarating sa last floor and took the stairs. Nang makalabas ako, malakas na hangin ang nakasalubong sakin.

While roaming around, kinuha ko cellphone ko and dialled the number. Nang sinagot ng secretary ko ang tawag, magsasalita sana ako nang may narinig akong pamilyar na boses na naguusap.

"What if I bring up that dead Yani to him? They don't know anything. Ang alam nila ay si Albea ang pumatay sa kanya."

"Then you should keep quiet kung gusto mong ligtas ka. Hayaan mo sila."

I realized it was Avery and Eljon. Pero bakit kailangan ni Avery ang makaligtas?

"What if I don't keep myself being quiet?"

"Then, you're giving them clues na ikaw talaga ang pumatay kay Yani."

Sa sobrang pagkakagulat ko, I saw myself walking to show myself to them.

ENDLESS JOURNEY OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon