CHAPTER 36

1.2K 51 0
                                    

Christian's

Napatayo ako bigla. "Why's my mother involve in here? Alam mo ikaw!! Gumagawa ka lang siguro ng kwento."

Mabilis siyang tumayo at hindi ko nailag ang suntok na binigay niya sakin. "Baka nakakalimutan mo. Tito niya ako. Kambal ko ang tatay niya at pamangkin ko siya. Bakit naman ako gagawa ng kwento kung alam kong nasa masamang kalagayan ang pamangkin ko? Were you born with stupidity? Akala ko pa naman ikaw ang makakatulong samin but it seems like we approach the wrong person. Kung hindi dahil dyan sa pagiging bulag-bulagan mo, hindi sana siya mapapahamak ng magaling mong ina."

Nagulat ako sa sinabi niya. "What do you mean?"

Bumalik siya sa pagkakaupo niya. "Your mother forced Lez to leave you dahil gusto nila ni Almira makuha ang Rominita ng madalian at maipakasal ka kay Albea. Nagiging bobo ka na ba? Can't you even see these things?"

*
Two weeks after...

"It's the Rominita's shareholders' meeting today. It's about the approval of Almira taking over the company."

"Tapos?"

"Ikaw pupunta as my proxy."

"Huh?" gulat na gulat kong sabi.

"In that way, Lezlhiana will find a way to convince you na i-approve si Almira. In short, she's going to try to be close to you. Oh, edi napadali ang trabaho natin. Your going to disapprove, okay?"

-

Nang makatuntong ang kotse ko sa Rominita, bumaba nako at saka dire-diretsong pumasok. May mga iba na nagulat at nagtanong-tanong pa kung sino ako. Isa lang ang kasama ko at yun ay yung lawyer namin ni lolo, Mr. De Castro.

Hindi pa kami nakakalapit sa Meeting hall, naririnig ko na ang ingay mula sa loob. Papasok na sana ako nang pigilan niya ako. "I'll just announced your arrival." he said at saka siya unang pumasok.

"The grandson of the major shareholder is going to be a proxy of his grandfather, Ray Stillson." rinig ko mula sa loob.

Hindi nako nagdalawang-isip pa na pumasok at kitang-kita ko sa mata nila ang gulat. Naglakad ako papalapit sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Lez at Almira. Tinanggal ko ang shades na suot ko at saka siya hinarap.

"E-Eljon?" gulat na gulat na sabi ni Lezlhiana.

Ningitian ko siya at saka ko naman binigyan ng ngiti si Almira na nagulat rin. Mabilis akong umupo at saka lumapit sa mic.

"As the proxy of Ray Stillson, I disapprove." I told them at kitang-kita ko sa mga mukha nila ang tuwa. Napatingin ako kay Lez na nakatulala at hindi pa rin ata makapaniwala. I gave Almira a slight glance at saka agad ako lumabas. Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng isang sigaw.

"Eljon!"

Napalingon ako and it was Lez. "Mind drinking coffee with me?"

Coffee shop

"So, what do you want to talk about with me?" I said as I was done sipping the coffee that she ordered for me.

She clear her throat. "So, why did you disapprove earlier?"

I faked a laugh. "Actually.. payag naman si lolo. Ako lang ang hindi. Hindi pa nga alam ni lolo na dinisapprove ko si Almira for being a president."

"Ano?!"

"Pero it's okay. Since mahal naman ako ni Lolo, he always agree on my decisions."

ENDLESS JOURNEY OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon