Chapter Twelve

2.7K 89 25
                                    

Chapter 12


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napaawang ang labi ko . The heck?

"A-At bakit naman ako magseselos?" I stubbornly asked. He smirked.

"I don't know. You tell me." Nanunuyang sabi niya.Nakipagtitigan siya sa akin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tignan siya sa kanyang mga mata.

Huminga ako ng malalim bago ko napagdesisyunang huwag na siyang sagutin. It is useless to answer him. Sa kislap ng mata niya ay hindi siya maniniwala sa sasabihin ko. Tumatak na sa kanya ang nakita niya.

Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Bakit kasi hindi ako nag-iingat eh.

Pero bakit may parte sa akin na natutuwa na nalaman niya? Ayokong malaman niya dahil hindi puwede, pero gusto kong malaman niya para hindi siya sumuko. Maging ako ay nalilito na sa sarili ko.

Naniniwala na akong ang pinakamahirap na kalaban ay ang sarili, ang puso. Dahil kahit isinisigaw na ng isip mo ang tama. Mahihirapan kang mamili. Kahit na sa una ay tama ang pinili mong tahakin, matutukso at matuktukso kang lumiko at sundin ang ibinubulong ng puso mo.

I admire those persons that choose what's right until the end. Napakahirap panindigan ang desisyon lalo na kung hindi naman talaga iyon ang gusto ng puso.

"Lumabas na tayo. Naghihintay sa akin si Chelsea." Sabi ko sa kanya. "At hindi mo dapat pinaghihintay ang date mo."

He smiled. Totoong ngiti. Hindi nanunuya...

I jerked away when he caressed my cheek. Muli niyang masuyong hinaplos ang pisngi ko. Nakagat ko nang ibabang labi ko dahil sa init na hatid ng palad niya.

"She's not my date. Hindi sinasadyang nagkita kami kanina. Dahil sa kakasunod ko sa inyo ay nagutom ako, niyaya ko muna siya habang hinihintay niya nang kikitain niya dito." Malumanay na paliwanag niya.

Sa sinabi niya ay parang nakahinga ako ng maluwag. Nawala ang mga agam-agam ko. At bahagya akong napangiti.

"You seem relieved." Puna niya. Nag-angat ako ng tingin. Nakita kong nakamasid pala siya sa akin.

"Kung ano-ano ang napapansin mo." Sabi ko na lang. Bahagya ko siyang itinulak. Nagpapasalamat ako dahil umatras siya ng konti na naging daan para makalabas ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang tao maliban sa amin.

Inabot niya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Nilingon ko siya sa ginawa niya. He just smiled at me. Binawi ko lang ang kamay nang makalabas na kami mula sa loob.

Nagpanggap akong parang walang nangyari. At ganoon din siya. Sa nangyari sa loob ay parang may lihim na kasunduan na kami, na kami lang ang nakakaalam. Hindi kami nag-usap tungkol doon, ngunit alam ko. Ramdam ko na may nagbago.

"See you later..." Narinig kong bulong niya bago ako nakalayo sa kanya. I bit my lower lip. Bahala na... I will pay the consequences later.

Tumango ako na ikinangiti niya ng maluwang. Itinigil ko na ang pag-iisip ko na mali ito, dahil kahit naman oras-oras kong isiksik sa utak ko ay alam kong hindi ko magawang umiwas. I was trapped by him. Nahuli niya ako na hindi ko man lang namamalayan. Masyadong mabilis.


Bumalik na ako sa table kung nasaan si Chelsea na naghintay sa akin. At ganoon din si Jude. Kahit pa nagpaliwanag siya kanina ay hindi ko maiwasang makaramdam ng selos dahil naging parte ng buhay niya ang babaeng kausap niya. At hindi ko maitatanging bagay sila...

It's Forbidden Series 1: The CousinsWhere stories live. Discover now