Chapter One

3.6K 86 2
                                    

Chapter 1

1 year earlier (when Francine went back to Philippines)

      Matapos na mai-check ang passport ko ay naglakad na ako mapunta kung saan ang luggage ko. Nandito ako sa NAIA International airport. Ito ang araw na muling nakaapak ako sa teritoryo ng Pilipinas. Pagkagraduate ko ng highschool ay pumunta na kami ng New york. After five years ay nag decide si papa na babalik raw kami ng Pilipinas.

Nauna nga lang ang mga magulang kong umuwi. Last month pa kasi silang nandito sa Pilipinas. Nagpasabi akong uuwi ako ngayon, at kabilin-bilinan kong wag nila akong susunduin. Kilala ko pa naman si mama, baka buong barangay ang isama para lang sunduin ako. Kaya ang family driver na lang namin ang susundo sa akin. Kilala ko siya, matagal na siyang family driver namin, highschool pa lang ako noon. Kaya hindi ako nahirapang hanapin siya. Nakita kong kumakaway siya sa akin.

"Kumusta po?" nakangiting bati ko sa may edad na lalaki.

"Naku, mabuti naman. Ikaw ang laki ng pinagbago mong bata ka." muli akong napangiti sa tinuran nito. Hindi pa rin ito nagbabago.

"Kayo rin po." Napangiti naman ito sa sinabi ko at tinulungan ako sa pagbitbit ng mga bagahe ko. Pagkarating namin kung saan niya pinark ang sasakyan ay tinulungan ko siyang ipasok sa sasakyan ang mga bagahe ko.

"Ghod! I'm tired!" bulalas ko pagka-upo ko sa loob ng van.

"Itulog mo muna dyan. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa bahay." Sabi nito.

"Sige po." Ipinikit ko ang mga mata ko, pero hindi ako makatulog. 



"Francine?" narinig kong tawag ni tatay Berto sa akin. "Nandito na tayo"

Napaungol ako. Bad trip naman oh. Kung kailan malapit na akong makatulog saka naman may iistorbo sa akin.

"Hala. Baba ka na. Sa kuwarto ka na lang matulog." Pagkasabi nito ay agad kong iminulat ang aking mga mata. Biglang gusto ko tuloy mahiga sa kama ko. Bumaba na ako mula sa van.

"Kayo na lang po ang bahala sa mga bagahe ko, tay. Sobrang pagod na talaga ako. Gusto ko nang matulog."

"Akong bahala. Sige na pasok ka na sa loob." Tumango ako, saka ako naglakad papasok sa loob. Wala naman masyadong nagbago sa bahay namin. Mukhang inaalagaan ni tatay Bert. Pagkapasok ko ay niyakap na ako ni mama na andoon pala na hinihintay ako.

"Ma, I'm tired" angal ko. Kumalas naman ito. Nakita kong nakasimagot ito

"Hindi mo ba namiss ang mama?" Wika nito sa tonong malapit nang maiiyak. I just rolled my eyes. Araw-araw kaya itong tumatawag sa akin, since umuwi sila dito sa Pilipinas.

"Namiss ko po kayo, pero gusto kong magpahinga ngayon. I'm tired." Sabi ko. Baka kasi magdrama si mama kapag sinabi kong di ko ito namiss. Kilala ko si mama mahilig magdrama, bakit kaya hindi na lang nag artista?

"Kawawa naman ang baby ko." Sabi nito at saka kuwaring pinunasan ang invisible tears nito. See? Told ya'. Hay buti na lang hindi ako nagmana sa kanya. Sabagay wala naman akong namana ni isang features ni mama.

 Maganda si mama, kung titignan nga ay mas bata pa ito kaysa sa tunay itong edad. Hindi mo aakalain na forty-four na ito pero sexy pa rin ang pangangatawan. Katawan lang ata ang namana ko sa kanya. Dahil magkaiba rin kami ng ugali ni mama.

Maraming nagsasabing kay papa daw ako nagmana. Half irish, half-filipino si papa. Ang green na kulay ng mata ko ang nakuha ko kay papa, ang red naman na buhok ko lang ang hindi ko alam kong kanino ko namana. Sabi sa akin ni mama na baka daw sa father side ni papa which is irish.

It's Forbidden Series 1: The CousinsWhere stories live. Discover now