Chapter Six

2.3K 78 1
                                    


Chapter 6

      Nagising ang diwa ko dahil sa palad na banayad na humahaplos sa pisngi ko, nanatiling pikit ang aking mga mata at pinapakiramdaman kung sino ang gumising sa akin. Napakunot ang noo ko ng maamoy ko ang panlalaking pabango ng taong gumising sa akin.

Sigurado akong hindi si mama dahil siguradong nagising na ako kanina pa dahil sa malakas na boses niya, pumapasok palang si mama ay sumisigaw na. Lalong hindi naman si papa dahil kabisado ko ang pabango niya.

Iminulat ko ang mata ko para malaman kung sino ito, tumambad sa akin ang guwapong mukha ng kapatid ni Chelsea.

Napabalikwas ako ng bangon. Anong ginagawa niya dito sa kuwarto ko?

"Good morning..." He huskily said. Napalunok ako ng ilang beses...

"A-anong ginagawa mo dito?" Napatitig ako sa kanya. Simple lang ang suot nito, nakasuot ito ng jeans at t-shirt. At bagay na bagay sa kanya.

Hinawi ko ang kumot ko at tumayo mula sa kama. Mabuti na lang at matinong pantulog ang isinuot ko kagabi bago ako matulog. Nilingon ko siya ng hindi siya sumagot. Nakita kong nakatitig lang siya sa akin...

Nang maglakad na ako patungong banyo ay doon lang siya nagsalita.

"Susunduin kita. Pinapasundo ka ni Chelsea sa akin." Bakit kaya?

Imbes na dumiretso ako sa banyo ay bumalik ako sa kama ko para kunin ang cellphone kong nasa tabi niya. Naamoy ko ulit ang mabangong amoy niya...

Inabot ko ang cellphone ko at tumayo sa tabi niya habang tinitignan ko kung may text si Chelsea. Nakita kong meron nga at kagabi pa iyon. Ang sabi niya ay gagagala daw kami ngayon with matching pagbabanta pa at maraming exclamation point.

"Si Chelsea talaga..." Nangi-ngiting wika ko ng mabasa ko ang text niya. "Pakihintay na lang ako... Maliligo muna ako."

"I'll wait for you." Pagkasabi niya niyon ay tumayo na siya at naglakad palabas sa pinto ng kuwarto ko.

Wala akong inanaksayang sandali. Dali-dali akong naligo at nagbihis.



"Let's go?" Untag ko sa kanya ng matagpuan ko siya sa living room at malalim ang iniisip. Mabilis itong lumingon sa akin. Nagsalubong ang kilay nito ng pasadahan niya ako ng tingin.

"Sa susunod wag ka na lang mag skirt. Masyadong maiksi." Malamig na wika niya bago tumayo. Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Anong problema nu'n? Okay naman ang suot ko.

Hanggang tuhod ko nga itong skirt ko. Anong gusto niya? Mag saya ako? No way! I am not Maria Clara. Duh!

Masyado siyang conservative 'kuno'. As if. Alam ko namang hindi talaga. May conservative ba na dinadala sa mga hotel ang mga babae na hindi naman niya girlfriend?

Okay naman talaga ang suot ko. Hindi naman malaswang tignan. Masyado lang siyang OA... Napairap ako bago sumunod sa kanya. Nakakabanas ang lalaking ito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. At walang imik naman akong pumasok. Bago niya isara ang pinto ay nalanghap ko ang pamilyar nitong pabango.

Pareho kaming tahimik habang tinatahak namin ang daan patungo sa mansion nila.

Sinundo namin si Chelsea sa mansion nila bago kami pumunta sa pupuntahan namin na hindi ko alam kung saan.

It's Forbidden Series 1: The CousinsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu