Chapter Ten

2.4K 74 10
                                    

Chapter 10

Napabuga ako ng hangin bago ko kunin ang cell phone kong kanina pa nagri-ring. Hindi ko sinasagot dahil si Jude ang tumatawag. Gaya nga ng sabi ni Mama ay iwasan ko na siya. I don't care kung aatras ako sa kasunduan namin. Basta ginampanan ko naman iyon. Nagpanggap na akong girlfriend niya kahit isang gabi lang.

Wala naman kaming usapan kung gaano katagal kaming magpapangap kaya hindi ako sumisira ng usapan.

Napapaisip tuloy ako. Hindi kaya ay talagang may binabalak siya kaya niya ako pinaki-usapang maging kunwaring girlfriend niya? Posible rin...

Hindi ko maisip kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito. Bakit niya alo niyakap at hinalikan? Bakit niya sinabi ang mga salitang iyon?

Tumigil sa pagri-ring ang cell phone ko kaya muli kong ibinaba.

Nakaupo ako dito sa veranda habang nagmumuni-muni. Wala naman akong ibang magawa. Hindi naman ako makalabas dahil wala akong kasama. Alangan naman mag-shopping o mamasyal akong mag-isa? Ayoko. Pakiramdam ko kasi ay kaawawa ako kapag mag-isa akong naglalakad sa mall.

Muli na namang nag ring ang phone ko. Muli ko iyong inabot. Nakita kong si Jude na naman. Nagdadalawang isp ako kung sasagutin o hindi. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay pinili ko ang una. Sinagot ko ang tawag niya.

"Lieanne..." Bungad niya.

"What?" Tinatamad na tanong ko. Kailangan kong ipakita at iparamdam na malamig ako sa kanya. Kahit na labag iyon sa loob ko. Kahit na pakiramdam ko ay para akong sinasakal.

"Puwede ba kitang yayaing mag-luch?" He asked hopefully. I want to say yes, but I could'nt.

"Really? Tumawag ka ng ilang beses para lang yayain akong mag lunch?" Pagak akong tumawa. He's imposible...

"Yes."

"I'm busy." Pagsisinungaling ko. "Magyaya ka na lang ng iba."

"No, you're not." Narinig kong wika niya. "You are just sitting there." Napakunot noo ako sa sinabi niya. Nakikita niya ako?

Mabilis kong tinanaw ang gate at nakita ko ang sasakyan niyang nakaparada sa gilid ng kalsada. Sh*t! He's here.

"Ahmm..." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "May lakad kami ni Mama mamaya." Pagsisinungaling ko.

Pumasok si Mama sa clinic niya. At malamang ay mamayang lunch ay pupuntahan niya si Papa sa restaurant.

"Tita Fallon is not around. Nakita ko siyang lumabas kanina." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Ibig sabihin ay kanina pa siya doon sa gilid ng kalsada?

"H-Hindi pa rin ako maglu-lunch kasama mo."

"Why?" Nagtanong pa talaga siya kung bakit? Buwisit siya!

"Alam mo kung bakit." Nalamig na wika ko. Hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Ayaw kong maging malamig sa kanya, ngunit kailangan. I don't want the both of us to commit mistake. Pagpinsan kami at hanggang doon lang iyon.

I hate to admit but I have this strange feeling towards him. Natatakot akong malaman kung ano iyon. Ayokong malaman kung ano 'yun.

"Kung ganoon, haharapin mo ba ako ngayon?" Muling tanong niya.

"No."

"Why, Lieanne?"

"Ayoko. Mahirap bang intindihin iyon?" Patlang. Narinig ko siyang humugot ng malalim na hininga.

"But I want to see you. I need to see you." Sa sinabi niya ay muli na namang nagrigudon ang dibdib ko. What's wrong with me? Di ba dapat hindi ko nararamdaman 'to?

It's Forbidden Series 1: The CousinsWhere stories live. Discover now