Chapter Seven

2.1K 67 4
                                    

Chapter 7

     Napalinga-linga ako sa narinig. Napalingon tuloy ako kay Jude. Nakita kong nakaupo pa rin siya. He's staring at me... Did he whisper those words? Napailing ako. Imposible!

"May sinabi ka?" I asked.

Unti-unti siyang ngumiti. Pagkatapos ay umiling. Napatitig ako sa mukha niya, lalo na sa biloy niya sa magkabilang pisngi nito.

"Ah... Okay." Iniwas ko ang mata ko sa kanya. Bumaba na ako ng tuluyan.

"Why? Did you hear something?" Tanong niya habang bumababa siya. Pinanood ko siyang lumapit sa akin. Nang makalapit siya sa akin ay nagsisi ako sa ginagawa kong paghintay sa kanya, because his deep black eyes are focused on me. Nanunuot ang kanyang mga titig. Nakakailang...

Nag-iwas ako ng tingin. Kunwari ay pinagmamasdan ko ang paligid.

"Maybe, I misheard it." Sabi ko. Tinalikuran ko siya at sumunod na kina Chelsea at Winston. Mabilis siyang naglakad at malalaki ang hakbang niya kaya nakasabay siya sa akin agad.

"Anong narinig mo? If you don't mind..." Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagkibit-balikat siya. Should I tell him?

"Mahina lang iyon. Baka nagkamali lang ako." Sagot ko na hindi lumilingon sa kanya. Hindi siya umimik. Sinasabayan niya ang bawat hakbang na ginagawa ko.

"Come on. I wanna hear it." Sabi niya. Bakit pakiramdam ko ay hindi ang narinig ko ang tinutukoy niyang gusto niyang marinig?

"I love you... Iyon ang narinig ko." Namalayan ko na lang na sinabi ko. Tinalikuran ko ulit siya at mabilis akong naglakad para habulin sina Chelsea na nakalayo na sa amin. Ngunit bago pa ako makalayo sa kanya ay nahigit niya ang braso ko.

Humito siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Nagtatakang nilingon ko siya. Nakita kong matiim itong nakatitig sa akin. Nakakapaninding balahibo.

Ang mga mata nitong itim na itim na nanunuot kung tumingin ay kasalukuyang nakatitig sa akin. Hindi ko magawang iiwas ang mata ko sa kanya.

"B-Bakit?" I asked.

Hindi siya sumagot. Bumaba ang mata niya sa braso kong hinahawakan niya. Kaya napatingin din ako doon. Nakita kong dahan-dahan nitong ibinaba ang pagkakahawak niya sa braso ko. Padaosdus. Napalunok ako ng maramdaman ko ang haplos niya hanggang sa maabot niya ang kamay ko.

Pinagsalikop niya ang mga kamay namin. Pagkatapos ay hinila niya ako. Tulala akong nagpahila sa kanya. What was that?

Ang nangyari kanina. It's like... It's felt like... Magic

Natauhan ako. No! Ano bang pinag-iisip mo, France?!


Nakasunod lang kami kina Chelsea at Winston. Hanggang sa niyaya ni Winston si Jude na maglaro sila sa isang booth.

"Gusto ko pang sumakay sa ibang rides e!" Maktol ni Chelsea.

Magkatabi kami ni Chelsea habang pinapanood namin ang dalawang lalaki na nagsho-shoot ng bola. Isang booth iyon na ang laro ay basketball. Sa tabi naman nito ay booth ng baril-barilan?

Sunod-sunod ang ginawa nilang puntos. Walang mintis. They are both good.

Alam kong varsity player si Winston. At narinig ko naman na dating captain ng basketball team si Jude noong nag-aaral pa lang. Hindi ko nga lang alam kung noong high school pa ito o College na.

"Girlfriend ninyo?" Naarinig naming tanong ng nagbabantay ng booth kay Jude at Winston. Itinuro niya kami ni Chelsea.

Sabay na lumingon ang dalawang sa amin at sabay din silang muling humarap nagtanong na lalaki.

"Oo." Sabay pa nilang sagot. Kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Nagtinginan kami ni Chelsea.

"What the?" Bulong ni Chelsea. Nagkibit-balikat lang ako.


Pagkatapos nilang maglaro ay ibinigay ni Jude sa akin ang isang malaking teddy bear. Napalanunan niya. At kay Chelsea naman ay stuff toy ni Kevin the minion bigay naman ni Winston.

Pagkatapos naming maglibot-libot pa ng isang oras ay nagpasya kaming lumabas na sa amusement park para kumain. Panay kasi ang reklamo ko na nagugutom na ako, narindi siguro sila kaya pinagbigyan ako.

Hindi ko kasalanan na hindi ako nakapagalmusal dahil sinundo ako ng maaga kaninang umaga.

"Anong gusto mo, France?" Tanong ni Chelsea sa akin. Nang wala akong mapili sa menu ay ibinaba ko na at bumaling sa kanya.

"Kung anong o-orderin mo. Iyon na rin ang akin." Sabi ko. Nagu-gutom nga ako, hindi naman ako makapili ng kakainin ko.

Sinabi niya sa waiter na ang oder niya. Ang dalawa naman naming kasama ay tapos nang umorder. Pareho silang nakamasid sa amin.

Magkatabi kami ni Chelsea ng upuan. Ganoon din ang dalawa. Si Jude ang katapat ko. Inirapan ko siya ng makita kong nakatingin siya sa akin. Kanina pa ako kinakabahan dahil sa mga matiim na titig niya.

Nakakatakot na dahil sa paninitig niya ay mababasa na niya kung ano ang iniisip ko. Pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi man lang natinag ang loko.

Hindi ko na lang siya pinansin haggang sa isinerve ang mga pagkaing inorder namin.

Inihatid ako ni Jude sa bahay matapos naming mag lunch. Si Chelsea ay sumabay na kay Winston. Magkalapit lang kasi ang bahay nila. Kaya kami lang ni Jude ang lulan ng sasakyan. Kapag kasama ko talaga siya napapanis ang laway ko. Bakit naman kasi hindi siya madaldal gaya ni Chelsea?

"We're here..." Narinig kong sabi niya. Nandito na nga kami sa tapat ng bahay. Pinakiramdaman ko siya ng ilang Segundo bago ko tangalin ang suot kong seat belt.

Bumaba ako mula sa sasakyan niya. Tumayo ako ng ilang segundo para hintayin ang pag-alis niya. Nagtaka ako ng bumukas ang driver's seat at bumaba siya. 

"Ihahatid kita sa loob." Nagtataka man ay tumango na lang ako. Bakit kailangan pa niya akong ihatid sa loob ng bahay? 

 Pagkapasok namin ay dumiretso siya sa sala at naupo doon. Akala ko ay ihahatid niya lang ako? Sumunod na lang ako sa kanya. Ang gulo niya...

 Pagkaupong-pagkaupo ko ay

"I need you tonight." Napakurap ako sa sinabi niya.

"Ha?!"

"I mean... I need you to be my pretend girlfriend. Imbitado ako sa isang party. And I need you there... to pretend as my girlfriend."

"Ah..." Linawin mo kasi! Kung ano-ano tuloy ang naiisip ko... Naku!

"I''ll pick you at exactly seven o'clock." Sabi niya.

"Okay." Ano pa ngang magagawa ko. I already agreed to be his pretend girlfriend. Tsk! Whatever... Bakit ako pa kasi?

"Wala man lang bang kapalit ang gagawin ko? Dapat meron."

"Name it." Sabi niya. Aba, confident...

"Pag-iisipan ko muna." Nakangising sabi ko. Ano kaya? Kung clinic katulad ng clinic ni Mama? Para hindi na ako gagastos. I'm sure kayang-kaya niyang ibigay sa akin 'yun.

"Okay. Sabihin mo lang kung may naisip ka na." Tumango ako.

"Alright..." Tumayo siya mula sa sofa. "Susunduin na lang kita mamaya."

"Okay."

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Okay lang sana eh. Kaso, konting-konti na lang ay mahalikan niya ako sa labi. Hindi ko alam kung sinadya niya ba o ano.

"See you later, girlfriend." He whispered. 

It's Forbidden Series 1: The CousinsWhere stories live. Discover now