Chapter Three

2.6K 73 2
                                    

Chapter 3


      Naging boring ang buong linggo ko sa bahay. Hindi na kasi dumadalaw si Chelsea, busy ito. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan. Mahigit isang buwan na ako dito sa pilipinas, pero hindi pa ako nakapagsho-shopping ng bagong damit ko. Kaya nag decide akong mag shopping ngayong araw, wala rin naman akong ginagawa sa bahay.

      Kapag kasi dumadalaw si Chelsea sa bahay ay nagkukuwentuhan o kaya'y mamamasyal kami. Kung minsan din ay ako ang pumupunta sa bahay nila.


"Uy! Francine ikaw ba iyan?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Lucy. Classmate at kaibigan ko siya noong highschool. Ngumiti ako sa kanya.

"Lucy!"

Napatili ito at sinugod ako ng yakap.

"Ang ganda-ganda mo talaga! Nakakaingit ka." napasimangot pa ito sa huling sinabi nito.

"Ikaw din naman ah. Ang ganda mo rin" Ang amo ng malaanghel nitong mukha. At mas bata itong tignan kaysa sa tunay nitong edad.

"Bolera." Nakangiting wika niya.

"Halika, kasama ko sina Julie at Myra. Kumakain kasi sila, naisipan kong mag ikot-ikot at ito nakita kita. Mabuti pala at naisipan kong gawin iyon." Mahabang wika nito. Hindi pa rin pala ito nagbago. Masayahin pa rin.

"Sige ba. Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkita-kita." Sabi ko. Si Julie at Myra ay parehong mga kaibigan ko tulad ni Lucy.

"Lucille! Saan ka ba nagpunta?" bungad ni Julie nang makita niya si Lucy. Hindi nila ako nakita dahil nasa likuran ako ni Lucy.

"Guy's, may nagbabalik." Wika nito at hinila niya ako at pinaharap sa kanila.

"Francine!" sabay pa nilang sabing dalawa. Natawa si Lucy sa reaction nilang dalawa.

"Oh my gosh!" patakbo silang lumapit sa akin at mahigpit na niyakap. Ginawa nila akong palaman.

"Okey guys, hindi ako makahinga." Natatawang sabi ko. Bumitaw naman silang dalawa.

"Kailan ka bumalik?" Tanong ni Myra ng makaupo na kami. Namiss ko ang tatlong ito sa totoo lang. Hindi ko naipaalam sa kanila na bumalik ako, hindi ko kasi alam kung paano sila kokontakin.

"Mag-iiisang buwan na ako dito."

"Really?" Si Lucy. " Bakit hindi man lang nasabi ni Chelsea nang makita natin siya noong isang linggo?"

"Baka nakalimutan niya. Mukhang nagmamadali kasi siya noon." Sabi ni Myra.

"Back to Francine. Kumusta ka naman bruha?" Tanong ni Julie. Kung noon ay ito ang pinakamasungit, ngayon ay siya pa rin.

"Mabuti naman." Nakangiting sagot ko.

"Julie naman, hindi mo ba nakikita? Ang ganda-ganda kaya niya ngayon." Si Myra ulit.

      Nagkuwentuhan kami ng mga nangyari noong umalis ako dito sa Pilipinas. Marami na talagang nangyari sa loob ng ilang taon. Si Julie ay manager na sa hotel na pagmamay-ari nila. Julie is a architect. Tapos si Myra ay isang nurse. Ako naman? Ano nga ba? Tambay lang...

"Anong tinapos mo?" Tanong ni Lucy. Nangalumbaba ito sa table habang hinihintay ang sagot ko.

"I'm a veterinary." Sabi ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit Veterinary ang kinuha kong kurso. I'm not an animal lover, pero hindi naman hater.

It's Forbidden Series 1: The CousinsUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum