Scene 16.2: Half Moon

18K 1K 259
                                    

***

Kagaya ng iba pang mga araw, nagisingan ko uli si Prof. sa living room. Lagi akong napapahinto sa hagdan tuwing aabutan siya sa gano'ng pwesto. He's in his daily white clothes, sleeping in the couch as if he didn't intend to. Nakaunan siya sa isa niyang braso, madiin ang pagkakapikit. Minsan, nakakunot ang noo niya. Kapag gano'n, alam kong may iniinda siyang sakit. Minsan, payapa siya.

Today, there was sadness in his face. And maybe weary.

Tumitig ako sandali sa kanya nang tuluyang makalapit. His body looked fine but Lolo Dimos said that it's full of pain and torture. Unti-unti nang nanghihina ang katawang-lupa na ibinihis sa kanya para sa sasandaling panahon ng pagiging mortal. Kasabay ng panghihina ng katawan niya ay ang pagkaupos nito sa sakit at pagod. Hindi pa sapat 'yung lagi siyang gutom. Pero hindi siya nagrereklamo. He perfectly understood what's happening that he won't even complain of his pains.

I wish I knew what I could offer him except my feelings.

Pinabayaan ko siyang matulog at nagtuloy sa kusina. I cooked our breakfast. Nang matapos ako, naghain ako sa mesa sa living room. Naupo sa couch malapit sa kanya at pinanood siya.

I wondered kung dapat ko siyang gisingin. Baka magalit siya sa'kin kung hindi. But he looked like he needed to sleep more.

Bago mawala ang usok sa soup sa iniluto ko, gumalaw siya. I stared at him, waiting for him to open his eyes.

Pinanood ko ang dahan-dahang pagbukas ng mga mata niya. Nagtama ang mata namin.

I smiled, first. He smiled back.

"Good morning," sabi ko sa kanya.

Lumunok siya at nangunot ang noo. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtiim ng bagang niya.

He must be hurting somewhere. Pero kumapit lang siya sa backrest ng couch at naupo nang maayos. He squinted at the food at the table.

"You cooked."

Kinuha ko ang isang mangkok at nilagyan ng soup. Pinuno ko. He should be so hungry by now.

Inilagay ko 'yun sa tapat niya.

"Kain na, habang mainit." Ibinigay ko sa kanya ang isang kutsara.

"I didn't realize that I slept here." He cleared his throat. "Again."

Of course, he didn't. Kung may choice siya, lagi niyang itatago sa'kin kung ga'no siya nahihirapan. Because he's okay. He's always okay.

Lumunok ako para hindi umakyat ang unti-unting pagbabara ng emosyon sa lalamunan ko.

He always looked so sad. Bakit siya naging mortal kung malulungkot lang siya? I don't want him sad. I don't want him in pain.

Yet, I also... I also don't want him to go. Kung pwede lang sana.

Lumunok uli ako habang naglalagay ng soup sa sarili kong mangkok.

"Don't think about useless things," sabi ni Prof. sa'kin.

Nagtaas ako ng mata sa kanya.

"Huh? Ano 'yun, Prof.?"

Ngumiti siya nang matipid. "You're a wonderful creation. I can feel your tears even before you release them. If you hold them back, I feel them even more. When you are sad, it distorts the lines of your brow and hides your smile. Don't think of things that will make you sad, Natalie."

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"You have to look at me more so I'll have plenty memories of you looking at me," dagdag niya pa.

After Death (Hello, Death 3) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon