Kinapa ko ang dibdib ko kung saan naroon ang puso kong tila ba naghihingalo. Maging ang paghinga ko ay hindi ko na alam kung saan pa ako sasagap ng hangin.

God! This can't be true!

Ano bang nangyayari sa akin? Wala lang dapat ang lalaking iyon sa akin, pero bakit grabe naman ang epekto niya sa pagkatao ko? Dahil ba sa katotohanang siya ang lalaking nakauna sa akin?

Kaya ba ganoon na lamang ako ma-attach at magdamdam sa lahat ng mga kinikilos niya? Apektado pati ang puso ko!

Litung-lito kong naihilamos ang dalawang palad sa mukha ko. Nang hindi makuntento ay nasabunutan ko pa ang sariling buhok. Umiling-iling ako bago patakbong tumakbo papasok ng kwarto.

Kinabukasan, handa na ako sa pagpasok. Hawak ko na sa kamay ang susi ng motor ko. Ngunit noong paglabas ko ng bahay ay laking gulat ko nang makita si Calvin, sa likod niya ay ang pamilyar na kotse.

Literal na bumagsak ang panga ko. Napahinto pa ako sa kalagitnaan para lang maang na tanawin siya. Nakatayo at nakahilig siya sa gilid ng kaniyang kotse. Ang mga kamay ay nakakrus sa dibdib nito, ganoon din ang dalawang binti niya.

Sa itsura niya ay parang kanina pa siya naroon at naghihintay, pero hindi rin katulad ng parating porma niya na suot ang kaniyang uniporme, ngayon ay naka-civilian ito. Para lang siyang mamamasyal sa suot niyang black polo at khaki maong shorts na terno ang isang pares ng boat shoe.

"Anong ginagawa mo rito?" singhal ko nang malapitan ko siya.

"Good morning." Sumilay ang malamyos niyang ngiti, rason para mapapitlag ako.

Naningkit ang mga mata ko. "Hindi ako sasakay sa 'yo!"

"Bakit ka naman sasakay sa akin? Syempre ay sa kotse ka sasakay," tumatawang saad niya habang nangingisi.

Umawang ang labi ko, ramdam ko rin ang pangangamatis ng pisngi ko.

"Ang kapal nito," bulung-bulong ko sa hangin at saka siya nilampasan.

Mabuti at hindi naman niya ako pinigilan. Wala akong narinig na ano mang reklamo galing sa kaniya. Matapos kong isuksok ang susi ng motor sa knob ay saka ako sumampa. Halos tumili ako nang sumunod na umangkas si Calvin sa likod.

"Calvin, ano ba?!" asik ko rito bago siya marahas na nilingon.

Ngunit sadyang alam lang nito ang ginagawa at mabilis niyang isinandal ang ulo sa akin. Ang kaniyang baba ay ipinatong niya sa balikat ko kung kaya ay nawala ako sa sariling pag-iisip.

"Kung ayaw mo ay ako na lang ang sasakay sa 'yo," senswal niyang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ko. Sa malakas na pagkabog ng puso ko, kulang na lang ay kumawala ito sa dibdib ko. Damang-dama ko rin ang init na gumagapang sa katawang lupa ko, lalo nang yakapin niya ang baywang ko.

Mas lalo akong nawala sa huwisyo. Napakurap-kurap ako sa kawalan. Hindi ako makapag-isip ng tama, kaya kung masesemplang man kami sa daan ay hindi na ako magugulat pa.

Nahilot ko ang sentido sa labis na pagkainis. Saglit kong kinalma ang sarili habang nakapikit ang mga mata. Nang magmulat ako ay parang umikot ang mundo ko.

Bumuntong hininga ako. "Kumapit ka nang mabuti..."

Iyon nga ang ginawa ng walanghiyang si Calvin. Feel na feel nito ang mga kamay niyang naroon nakayapos sa baywang ko. Halos tawanan ko ang sarili dahil parang wala naman akong ginagawa.

Gaano ko man ayawan si Calvin, o awayin siya at layuan, siya naman itong lapit nang lapit sa akin. May sarili siyang desisyon. Kaya ano mang dikta ko sa kaniya ay hindi siya sumusunod.

Nights Of PleasureWhere stories live. Discover now