Chapter 14: Intramurals

4 0 0
                                    

Hazel's POV

Lunes na. Ngayon magsisimula ang event sa GHU. Isang linggo iyon ipinagdidiriwang. 6 AM ay nandito na ako.
Nagmeet-up muna kaming mga Archer. Binigyan lami ng instructions ng couch.

Hindi pa sigurado ang officials kung ilang paaralan ang dadayu dito. Kailangan lang daw ihanda ang aming mga sarili para sa kompetisyon.

Nagugutom na ako. Hindi ako kumain sa bahay ng breakfast. Saktong paglabas ko sa  training room ay nakita ko si Amber na palapit sa akin.

Bigla ko tuloy naalala ang gabing iyon. Kumusta na kaya ang batang ito.

"Idoool"- bati niya.

"Ang aga mo yata?"- tanong ko

"Gusto lang kitang e-goodluck sa laro mo idol."- sagot niya. Napansin ko'ng may pasa siya sa kaliwang kamay niya. Halatang dahil iyon sa lubid na nakatali sa kanya.

Hindi ko na binalak na magtanong at niyaya ko na lamang siyang sumabay kumain. Mabilis naman itong sumang-ayon.

Cup noodles ang kinain naming dalawa. Kami lamang dalawa dito sa canteen. Naniningkit na naman ang mata ko kapag tinitingnan ko itong noodles.tsk. Kamukha sila ng itsura ng canton eh. Magkaiba nga lang ang lasa.

Pagkatapos naming kumain ni Amber ay nagpaalam na kami sa isa't- isa. Manonood na lamang daw sya sa aking laban mamaya.

Papasok na ako sa Archery Practicing Room ng biglang tumunog ang tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at napahalokipkip. Aray ko.

Hindi ko naituloy ang pagpasok sa loob at tumakbo ako papunta sa CR.

Zyon's POV

Nasa court na kami kasama sina Khyle at Franco pati na rin yung ibang members ng team. Mga gangs ang makakalaban namin at sisiguraduhin ko'ng uuwi sila ng walang napala sa pagpunta nila dito.

Kanina pa kami nagsimulang nagpractice at tagaktak na ang pawis sa katawan ko.

Dalawang oras na kaming nagpractice at kailangan na naming magpahinga muna para sa laban mamaya.

Naglakad na kaming tatlo papunta sa Building 3 paakyat sa Station.
Habang paakyat kami sa hagdan ay nakita ko sa baba si Canton. Nakahalokipkip at tumatakbo. Tiningnan ko ang pinanggalingan niya at galing sya sa hallway ng Archery. Tama. Nagpractice din sila.

Pero saan kaya yun pupunta? Pakialam ko ba? Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy sa pag-akyat.

Hazel's POV

Ang sakit ng tiyan ko. Hindi ako makatayo. Ang dami ng naisuka ko at puro ito noodles na kinain ko kanina. Ano bang meron sa noodles na iyon? Kasi ba kasing kulot sya ng buhok ko?

"A--rayy."

Hindi ko maipaliwanag kung anong nasa tiyan ko. Hinanap ko sa aking bulsa ang cellphone ko. Hindi ko ito dala. Nasa bag ko ito. Ang bag ko, nasa Practicing Room.

Paano na 'to, kailangan ko ang tulong mo Luna.

Luna' POV

Nag-alala na ako. Kanina ko pa tinatawagan si Hazel pero hindi sumasagot. Hindi pa naman nagsisimula ang laro nila kasi 9 AM pa raw darating ang mga makakalaban nila.

Imposible namang abala yun sa pagsasanay, alam ko'ng hindi niya na iyon kailangang gawin. May kompyansa sya sa sarili niya.

Napagpasyahan ko'ng puntahan na lang siya sa GHU. Baka kung ano na naman ang pinag-gagawa ng babaeng yun. Manonood na rin ako kung paano niya pamamanghain ang mga kalaban niya. Haha.

Medyo na traffic ako at 9:10 AM na ako nakarating sa paaralan. Ang dami ng sasakyan na nakapark sa parking lot. Siguro ay nagsisimula na ang laban ni Hazel ngayon.

The Punishment Of SagittariusWhere stories live. Discover now