Chapter 11: Ubas

5 0 0
                                    

                                   Ubas

HAZEL's POV

May pasok pero walang klasi. Abala ang lahat sa paghahanda at pagsasanay sa nararating na Intrams Day.

Nandito  ako sa Archery Practicing Room. Natatawa nalamang ako sa mga sumasablay nilang tira. Ganoon pala kahirap sa mga tao ang gumamit ng pana. Kailangan ng focus? Ang mga tao talaga,ang daming hasle.

May ibang umiinit na ang ulo sa pagsasanay dahil laging sumasablay ang kanilang pagtira. Naiirita na ako sa mga mukha nila kaya lumabas na lamang ako upang maghanap ng pagkain.

Naglakad-lakad ako sa may bandang likuran ng building. Maaliwalas ang paligid at tahimik ang lugar na ito.

Hindi ko namalayan na dala-dala ko pala ang pana na hawak ko kanina sa Practicing Room. Napangiti ako at naalala ang buhay ko sa kalawakan.

Ang lugar na ito, maraming puno at tahimik, mainam ang lugar na ito para sa mga ubas. Naalala ko pa ang sinabi ni Aquarius na maayos ang pagkakahinog ng mga ubas ko'ng tahimik ang lugar at hindi gaanong nagagalaw o nadidisturbo ang puno nito. Sana lang pag-uwi ko doon ay marami ng natanim si Aquarius. Namimis ko na ang isang iyon.

Ramdam ko ang katahimikan dito. Malayo na rin ito sa buildings kaya siguro hindi masyadong nararating ng mga mag-aaral.

"I did'nt expect to see you here,Canton."

Nagulat ako sa nagsalita at napalingon ako sa likuran pero walang tao. Batid ko'ng kay Apollo Zyon ang tinig na iyon.

Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses niya. Alam ko kung kaninong boses iyon pero hindi mahagilap ng aking mga mata ang mukha niya.

May nalaglag na dahon mula sa puno at doon ko pa napagtanto na naroroon lang pala siya. Nakatayo at nakasandal sa malaking sanga. Nasa bulsa niya ang kaniyang mga kamay.

Hindi pa rin niya inaalis ang mga titig sa kinaroroonan ko. Nanunukso ang kaniyang mga mata at para siyang natatawa sa itsura ko. Tiningnan ko ang sarili ko at napansin ko na lang na nakatutok pala sa kanya ang pana na hawak ko at nakaluhod pa ako sa lupa.

"Looks like an alert hunter."

Inayos ko ang sarili ko at nagpagpag. Tsk. Nadala ko yata  dito ang ugali ng tagapamahala sa kalawakan.

Tingnan ko lamang siya ng masama at inirapan.

"Bakit mo dinala sa labas yang pana? Sa pagkakaalam ko, hindi yan maaaring dalhin sa labas."

"Ano ba'ng pakialam mo at bakit mo ba ako kinakausap?"  Nakakainis ang lalaking ito.

"Ano nga bang pakialam ko?"- May inilabas siya sa kaniyang bulsa at itanaas niya ang kaniyang kamay hawak ang isang buwig na ubas. Nanlaki ang aking mga mata. Ubas.

"Akin na iyang hawak mo,Ginoo" Tumawa siya sa salitang lumabas sa aking bibig na siyang ikinainis ko.

"Akin ang grapes na to binibini." Kumuha siya ng isa at isinubo. Nandoon pa rin siya sa kinaroroonan niya.

Kumuha ako ng palaso at ininat ang pana na hawak ko. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Mapapasaakin ang hawak mo Ginoo.

"Kaya mo'ng pumatay para lang sa ubas?" Natigilan ako sa sinabi niya at bigla ko'ng naalala ang aking nagawang kapabayaan. Naparusahan ako dahil mas inuna ko ang ubas.

Unti-unti ko'ng ibinaba ang pana na hawak ko. Huminga ako ng malalim at tumalikod. Walang kwenta ko'ng makikipag-usap ako sa kaniya.

" Grapes are really tasty."

Napalunok ako sa sinabi niya at napaharap ako ng mabilis mula sa pagkatalikod. Ininat ko ang pana at tinira sa hawak niya. Natamaan ko ang  taluktok ng ubas at naputol ito mula sa pagkakatama ng palaso. Nalaglag ang buwig ng ubas at agad ko naman itong sinalo mula sa baba.

Tiningnan ko siya at ganoon pa rin ang posisyon niya. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

"Lapastangan ka canton."

Binaliwala ko ang sinabi niya at sumubo ng ubas. Ang tamis.

"Sino si canton? May kausap ka ba maliban sa akin Ginoo?"

"Mang-aagaw."

"Bago mo ako tawaging canton, pwedi bang ipaliwanag mo muna kung saan o ano ang bagay na iyan?"

Hanggang ngayon patuloy niya pa rin akong tinatawag sa pangalang iyon. Hindi ko naman alam ko'ng ano ang ibig-sabihin.

"Nagpapatawa ka ba? Pati canton hindi mo alam?"

"Ako ba'y iyong niloloko?Tsk.Dibale,may nakuha naman ako sayo eh. Salamat sa ubas,Ginoo."

Tumalikod na ako at naglakad palayo.

~abangan~

The Punishment Of SagittariusWhere stories live. Discover now