Chapter 8: Hazel Smith

6 1 0
                                    

                              Hazel Smith

Hazel's POV

Ang tagal naman nilang buksan ang pinto.Pangatlong doorbell na ang ginawa ko.Imposible namang hindi nila marinig,maliban na lamang kung walang tao sa loob.Pipindot pa sana ako sa pang-apat na pagkakataon,bago paman narating ng daliri ko ang doorbell,bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaki.

Natatandaan ko ang mukha niya mula sa litrato.Siya yun,si Apollo.Tiningnan niya lamang ako at hindi ko mabasa ang expression sa kaniyang mukha.Bakit ganon?Ang galing ko'ng bumasa ng expression ngunit sa kanya ay hindi ko magawa.Huminga na lamang ako ng malalim.

"Hindi mo ba babatiin ang iyong panauhin?" Tiningnan ko ang kaniyang mga mata.He blink at tumingin sa ibang dereksyon.

"Hindi mo ba alam na restricted ang lugar na kinatatayuan mo ngayon?" Wika niya.

"Hindi ko ibig na pumunta rito upang sagutin ang iyong katanungan.Tumungo ako rito upang ibigay ang bagay na ito sa kanya." Sagot ko sabay abot sa kanya nung bagay na nalaglag ni Clent Fernandez.

Mas lumalim ang titig niya sa akin at binuksan ng malaki ang pintuan.Sa loob,nakita ko ang apat na miyembro.Lahat sila'y nakatingin sa aking kinaroroonan.

Tumayo si Clent at kinuha sa aking kamay ang bagay na iyon.

"Maaari ka ng umalis." Tugon ni Apollo

Tumalikod na ako."Mga walang galang ang mga lalaking ito." Mahina akong napamura.

"May sinasabi ka?" -Apollo.

Narinig niya pa talaga iyon?tsk.

"Hindi ka naman siguro bingi."Sagot ko.Natatawa ako sa itsura niya.HAHA.Nag-aapoy na ang kaniyang mga mata.

"Hey miss!Nice meeting you again.Gusto mo bang ihatid na kita sa labas?" Ayon sa pagkakatanda ko,siya si Khyle.Ang manyak sa grupo.tsss

Magsasalita pa sana ako nang biglang isinara ni Apollo ang pintuan ng malakas.Wew!Oo na nga!Aalis na nga eh.

Zyon's POV

Ang lakas ng loob ng babaeng yun.Kung hindi lang talaga siya babae malamang ay paglalamayan na siya sa susunod na araw.

"HAHAHA!That girl.Pinagtagpo na naman ang landas namin.Siguro kami ang nakatadhana sa isa't-isa." -Khyle

"What do you mean?" Tanong ko.

"Nagkita kami sa Boracay last week.Siya ang kauna-unahang babaeng nag-reject sa akin.Haisst.I can still imagine her image lying there with her bikini suit." Sagot niya.Manyak talaga.Tsk.

"Hindi ko talaga inalis sa isip ko ang mukha niya.She's the first rejecter in my history.Hiniling ko na sana magkatagpo muli kami,and now this is it!" Pagpapatuloy ni Khyle.

"The same woman who abducted the newest model of laptop.Last week rin,nung bumili ako sa isang mall,pinag-agawan namin ang laptop.Pero sa huli ay sa kanya napunta." Mas nabigla kami nang nagsalita si Franco.Sakit sa ulo ang babaeng yun.

"Wait,ibig sabihin siya rin yung lapastangang kumuha ng grapes sayo Clent?" Si Rex na shock ang expression.

"Obviously." Matipid na sagot ni Rex.

"What a small world.Nakakatawang isipin na iisang babae lang ang naka talo sa inyo." Inilabas ko na ang inis ko.

"Paparusahan ba natin siya dahil sa pagpasok niya dito sa Station?" Pag-iiba ni Franco sa usapan.

"Pag-iisipan ko pa yun." Sagot ko.

"Ako na lang ang magpaparusa sa kaniya.Siguradong pahihirapan ko siya." Khyle suggested.Sinamaan ko lang siya ng tingin.

The Punishment Of SagittariusWhere stories live. Discover now