Chapter 9: Canton

8 0 0
                                    

                                  Canton

Pangalawang linggo ko na ito sa Green Hills University. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ang lahat sa akin. Napapansin kaya nila na kakaiba ako? Nakikita ko kung paano nila ako tingnan at titigan. Ang mga mata nila'y parang nagtataka at kung titingnan ko sila ay para silang natatakot.Tss.Mga tao nga naman. Hindi ko na lamang pinansin,as usual.

Si Amber ang lagi ko'ng nakakasama. Lagi akong nililibre ng pagkain tuwing lunch at break time kaya napapasama ako sa kanya.

Nandito kaming dalawa ngayon sa school field.Ang lawak dito at mahangin.

"Alam mo ba ang karaniwang tinatawag ng mga studyanteng nakakita sayo?" Tanong ni Amber at kumunot ang aking noo.

"May itinatawag sila sa akin maliban sa pangalan ko?" Sinagot ko rin ng tanong ang kaniyang tanong.

"Oo. 'Weird Transferee.' Yun ang tinatawag nila sayo.Naririnig ko lang din." Sagot niya.

"Pakialam ko naman kung ano pang itawag nila sa akin."

"Hindi ka naman weird eh,mysterious ka kaya nga idol kita eh." Wika niya.Napangiti na lamang ako.Naaalala ko si Aquarius sa kanya.Kumusta na kaya siya.

"Ano kayang istura sa Station nila? ano kayang mga bagay ang meron sa HQ nila? Haiist." Napatingin ako sa kaniya at tiningnan kung saan siya nakatingin.Sa building na iyon.Makikita mula sa aming kinaroroonan.

"Bakit?Hindi ka pa ba nakakapasok sa Station na iyan?" Tanong ko.

"Teretoryo yan ng TMG.Restricted ang lugar na yan at walang pweding pumasok diyan." Napataas naman ang aking kilay sa sinabi niya.

"Bakit nakapasok ako?"

"HAHAHA.Marunong ka rin palang magbiro minsan idol.Haha." Natatawa niyang sabi na siyang ikinainis ko.Hindi ako nagbibiro.

"Hindi iyon biro.Totoong pumasok ako diyan noong nakaraang linggo." Tama. Station nila ang pinasok ko.Hindi naman ako ganoon ka makakalimutin.Pinasok ko pa nga ang HQ nila sa araw na iyon.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan idol.Hahaha." Tinapik pa ako sa balikat. "Alam mo bang wala pa ni isang nakakapasok dyan maliban sa kanilang lima? Pinaparusahan ang kung sino mang maglakas-loob na pumasok and worst,hindi ka na makakabalik na buhay."
Nawindang ako sa binanggit niyang detalye. 'hindi na makakabalik na buhay?' Bakit buhay pa ako hanggang ngayon? Kalokohan.

"Huwag na huwag kang papasok sa lugar na yan idol kung gusto mo pang humaba ang buhay mo.Haha." Wika niya sabay tayo at nagpagpag.

"Mauuna na ako sayo idol.Oras na ng klasi ko.Magkita na lang tayo mamayang lunch."
Tumango lamang ako at umalis na siya.

Physics ang klasi ko ngayon.Hindi ako papasok. Maguguho lang ang utak ko,sayang naman.

Kinuha ko ang headset ko at nakinig ng musika.

Zyon POV

Nabo-bored ako dito sa loob ng HQ. Nag iisip ako ng pagkakaabalahan. Nandito ako malapit sa bintana at nakikita ko mula dito ang school field. Color green refresh my sight. Walang naglalaro sa field. Napahinto ang aking mga mata sa babaeng naupo doon. She was there. Mukhang may naisip na akong pagkakaabalahan.

Bumaba ako mula sa Station at pumunta sa school field.Walang masyadong studyante sa building na ito marahil ay oras pa ng kanilang klasi.

Nakarating na ako sa kinaroroonan niya. Nakatalikod siya mula sa akin. White-curly hair. Canton nga. Naka-white t-shirt, pambabae ba talaga ang t-shirt na yan? Ang laki naman yata ng size. Naka-tutured jeans with white converse shoes. Seriously,para siyang lalaking tingnan.

The Punishment Of SagittariusWhere stories live. Discover now