Chapter 2: Punishment

18 2 0
                                    

Punishment

Sa loob ng palasyo sa kaharian ng kalawakan,nagtitipon-tipon ang lahat ng mga tagapangalaga,tagapamahala at tagapagbantay.Hinihintay ng lahat ang magiging kaparusahan ni Sagittarius sa kaniyang nagawang kasalanan.Ngayong araw naka takdang ihatol ang parusa ni Bathala kay Sagittarius.

Sagittarius POV
Nandito ang lahat.Nahihiya ako sa aking nagawa.Kung hindi lang sana ako naging marahas at sinunod na lamang sina Aquarius,Leo at Virgo ay sana'y hindi napahamak ang nilalang na tao.Umakyat na si Arietta sa itaas na bahagi ng palasyo upang basahin ang parusang ihahatol sa akin.

"Nang dahil sa iyong kapabayaan,isang taong nilalang ang napahamak,kung sana'y naroon ka sa mga oras na iyon ay sana buhay pa ang taong iyon. Ang kaniyang sinasakyang space ship na kung tawagin sa kanilang mundo ay nabangga sa mga rumaragasang mga buhay na bato."

Pagsisimula ni sugong Arietta,inaabangan ng lahat ang bawat salitang ilalabas niya.

"Kung tumulong ka sana ay mas madaling mailigpit ang mga buhay na batong iyon,dahil sa iyong kapabayaan,tanggapin mo ang iyong parusa."-pagpapatuloy niya.

"At bilang kaparusahan,ikaw ay mananatili sa mundo ng mga tao sa loob ng ika-dalawang daang araw."

Lahat ay nagulat sa sinabi ni Arietta,maging siya ay nahihirapang ipahiwatig ito.Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala sa aking kaligtasan.Si Aquarius ay napaiyak,dahilan upang bumagsak ang luha sa aking mga mata.

"Sa loob ng dalawang daang araw,kinakailangang wala ni isang nilalang ang makaalam sa iyong pinagmulan."-tumingin ako sa kanya at nagtatanong ang aking mga mata.Paano kung...

"Kung may makaalam sa iyong sekreto,ikaw ay hindi na makakabalik pa."--hindi paman ako nakapagsalita ay inunahan niya na ako.'Ikaw ay hindi na makakabalik pa.'

Pinahid ko ang aking luha gamit ang aking palad.Kakayanin ko ito.Hindi ako pweding manghina,may napahamak dahil sa aking kapabayaan,kaya kailangan ko'ng tanggapin ito.

"Huwag ka mag-alala,makakasama mo si Luna sa pananatili mo roon bilang iyong gabay."- tumingin ako kay Luna at tumango siya sa akin,ang kaniyang titig ay nagpapahiwatig ng 'huwag kang mag-alala,kasama mo ako.'

"Subalit sa tuwing araw mo lamang siya maaring makasama,sapagkat sa gabi ay siya'y magbabantay at babalik sa kaniyang gawain."-pagpapaliwanag ni Arietta.

Kahit papaano ay naibsan ang bigat ng aking pakiramdam.Mabuti nalang at kasama ko si Luna doon.Natitiyak ko'ng makakatulong siya sa aking pananatili sa mundo ng mga tao sa loob ng dalawang daang araw.

Pagkatapos ng pagtitipon ay bumalik na sa kanya-kanyang gampanin ang lahat.Ang iba ay nagpaalam sa akin at binigyan ako ng payo at habilin.

Si Aquarius ang unang lumapit sa akin,halos mabasa ang aking kasuotan sa kanyang mga luha.

"Mag-iingat ka roon Sagittarius,alam kung matatag ka at mainipin,kailangan mo'ng maging maingat at mahinahon doon,sapagkat wala ako sa iyong tabi upang ika'y pakalmahin."-maluha-luhang wika ni Aquarius habang nakayakap pa ang mga bisig niya sa akin.

"Tatandaan ko iyan Aquarius,makakabalik ako,pangako iyan."-sagot ko kasabay ng paghagod ng aking mga kamay sa kaniyang likod upang siya'y tumahan na sa pag iyak.

"Mamimis kita."-dagdag niya pa.

"Gayundin naman ako Aquarius,hintayin mo na lamang ako.At sana sa aking pagbalik ay dapat marami kang ubas na ihahanda para sa akin."-wika ko na may halong pagbibiro upang maibsan naman kahit papano ang kaniyang kalungkutan.

"Ikaw talaga,nagawa mo pang magbiro kahit na naparusahan ka na dahil sa prutas na iyan."

"Biro iyon ngunit inaasahan ko'ng iyong gagawin.Isa pa,huwag mong sisihin ang ubas,dahil ako ang may kasalanan."-sagot ko.

"O sya,basta pagbalik mo,i kwento mo lahat ng mga nangyari sa iyo doon."

"Pangako."-maikli ko'ng sagot.

Pagkatapos ay lumapit sa akin ang iba pang mga tagapangalaga.Si Leo,sinabihan akong mag-ingat.Si Virgo naman,tinapik lng ang aking balikat.Halos lahat sila ay puro pag-iingat ang habilin.

Naiwan na kaming dalawa ni Luna dito sa loob ng palasyo,nagsilabasan na ang lahat.

"Alam ko'ng hindi ka pa handa Sagittarius,bibigyan muna kita ng sapat na oras."-nagsalita si Luna sa aking tabi.

"Kailan tayo pupunta doon?"-tanong ko

"Maghintay lamang tayo.Nais ko lang sabihin na hindi mo maaaring gamitin ang iyong kapangyarihan doon,sa oras na makarating na tayo doon ay kukunin muna ni Bathala ang iyong kapangyarihang taglay at gumalaw na parang tao."

Bakas ang kalungkutan sa aking mukha.Paano iyon?Batid ko na mapanganib ang mundo ng mga tao.

"Ngunit anomang oras ay maaari akong mapahamak sa lugar na iyon,paano kung masaktan ako?"-walang pag aalinlangang tanong ko

"Hindi ka mapapahamak dahil kasama mo ako.Kinakailangan mo lang mag ingat.Ako lang ang maaring gumamit ng kapangyarihan doon.Mapangahas ang mga to Sagittarius,kailangan mong mag-doble ingat."--wika niya

Mag-ingat.Tama.Iyon lamang ang tanging paraan upang mapanatiling ligtas ang aking sarili.Walang maaaring makaalam sa aking sekreto,makakabalik ako.

~abangan~

The Punishment Of SagittariusWhere stories live. Discover now