I still can’t imagine how I was able to say to him that I don’t love him. Hindi ko na kayang ulitin pa iyon dahil ang sakit para sa aking ipakita sa kanya na hindi ko siya mahal gayung… mahal na mahal ko siya higit pa sa lahat. Masakit ang magsinungaling. Labis na sakit ang dinulot sa akin nang gabing iyon. Hindi ko ma-imagine na nalagpasan ko iyon ngayong nasa tabi ko siya ay nakakayanan ko pa rin. How was I able to do that? I don’t even know the answer.

Namilog ang mata ko at suminghap nang madaanan ang Formosa University. Nakalimutan kong malapit nga lang pala ang FF building dito. Nakalingon ako doon. Mahaba ang lupang sakop nito na parang isang buong street na.

“Miss it?” lumunok ako sa tanong ni Vincent sa tabi ko. Nilingon ko siya. Diretso ang tingin niya sa daan habang nakahawak sa manibela. Binagalan niya na kaunti ang andar ng kotse kaya naman mas lalo kong nakita ang pader na humaharang sa unibersidad.

Tumango ako. Hindi ko alam kung nakita ba niya iyon dahil nasa labas ang tingin ko. Sinagot ko ang tanong niya. Totoo ang nararamdaman kong nami-miss ko talaga ang unibersidad na pinapasukan ko dati. Kagagaling ko lang dito kahapon pero hindi sapat iyon para mapawi ang pagkasabik ko dito. All the memories in my past are from this university. Good and bad memories. Lahat lahat na. Kasama ang lugar na ito sa paghihirap at pagtatagumpay ko noon.

“U-uh..” may gusto akong itanong kay Vincent. Inisip ko muna kung paano ko sisimulang kausapin siya para magtanong. Uncomfortable pa rin kasi ako sa kanya. Lalo na ngayong… nasa harap kami ng school na pag-aari ng pamilya nila.

“You wanna ask something?” parang nabasa niya ang iniisip ko. Nilingon ko siya. Lumunok ako bago nagsalita.

“K-kumusta yung university? May nagbago ba?” tanong ko.

Kinagat niya ang labi niya. “Yeah. New buildings.”

Tumango tango ako sa matipid na sagot niya. “So marami nang nagbago sa loob.” Pinagmasdan ko itong muli. Hindi ko makita ang loob ng unibersidad dahil sa nakaharang na mataas na pader.

 

“Uhuh. Almost everything. Marami ring punong pinatanggal. They need the space for the playground. Ginawa kasi iyon para sa elementary level.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Mabilis ko siyang nilingon ng marinig ko ang tungkol sa mga puno.

“Where exactly? I-I mean… aling mga puno ang nawala? Saang lugar?” Sunod sunod na tanong ko. Inisip ko pa ang dapat na tamang salita. I can’t just say it directly. Pero sana naintindihan niya ang gusto kong iparating.

“At the place where my favorite tree stands.” Parang piniga ang puso ko sa nalaman. Kumirot talaga ito at parang nilublub sa malalim na tubig nang sabihin niya iyon. Kung ganoon ay kasama ang punong iyon sa mga sinira?

Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko. Parang nanuyot ito at nangilid ang luha ko. Gusto kong maiyak dahil sa nalaman. Our tree. Wala na pala iyon. Halos nandoon ang lahat ng alaala. Kaya ko lang naman gustong makapasok ulit ng Formosa University ay para makita ang punong iyon kung saan ako naging madalas ay masaya. But now that is was gone and I will never see it again, I felt too much pain. Parang may isang malaking bahagi sa buhay ko ang nawala nang malamang nawala na ang malaking puno na iyon. Isang salita ang tumatak sa isipan ko. Sayang.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora